CHAPTER 11

117 7 0
                                    

Lucy's POV

Nakangiti kong binasa ang message ng mga magulang ko na ligtas silang nakarating ng Japan.

Hanggang ngayon ay wala padin akong balita kay Allyson magiisang linggo na ang nakakalipas simula ng mawala siya.
Agad akong bumangon sa aking kama saka nag desisyon na lumabas na para maghanda ng makakain.

Balak ko pumunta ng camp ngayon para kumuha ng baril, noong 18 years old ako unang nagkaroon ng baril dahil lisensyado ito.

Pababa na sana ako ng hagdan nang may naririnig akong yapak sa likod ko. Pinakiramdam ko ito saka ako lumingon.

Agad ko siyang inambahan at saka ko inikot ang mga kamay niya dahilan para magsalita siya.

"Aray, nagmamakaawa ako. Huwag mo akong sasaktan." nakakagagong aniya

"Tanga kaba, sinugod sugod mo ako dito sa bahay ko tapos magmamakaawa kang wag kitang sasaktan?" matapang na angal ko muli siyang napasigaw nang lakasan ko ang pag hawak sa kamay niya.

"Napag-utusan lang ako." sagot niya pa sa akin.

"Alam ko at kilala ko kung sino ang nag utos sayo, sabihin mo sa nag utos sayo na humanda siya dahil hinding hindi ko siya aatrasan." nangnginig na sabi ko saka ko siya tinulak para mahulog sa hagdan umuubo siyang tumayo saka natatarantang lumabas ng bahay.

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang may nakita akong isang id sigurado akong pagmamay ari nito ng lalaking iyon. Nakasaad dito ang kanyang address, phone number at ang contact person batid kong pangalan ng asawa niya ang nandito kasi pangalan ito ng babae.

Ano ba yan Henoroso, ang tanga naman ng tao mo.

Napangiti ako, mabilis akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa kampo kung saan kaming dalawa lang ni Reejil ang nakakaalam. Ang alam ng magulang ko ay firing range ang sinalihan ko, napabuntong hininga ako na inisip ang magiging reaksyon ng mga ito pag nalaman nilang kasali ako sa grupo na iyon.

Bago ako nagpasyang pumasok doon ay nag suot muna ako ng face mask. Pinasok ko ang kotse ko at agad akong hinarang ng mga guard kinuha ko naman ang id ko saka naman sila nag give way sa akin. Bago ako makapasok sa loob ay kailangan ko munang gamitin ang aking code name

Binulong ko sa guwardiya ang aking code name saka naman ito itinawag sa loob, tumunog ang bell ng tatlong beses hudyat na pwede na akong pumasok.

"Haya, It's been a long time!" nakangiting bati ni Supre.

Si Supre, ang boss ng mga boss. Siya ang pinakamalakas at ang may pinakamtaas na posisyon dito sa kampo in short siya ang boss namin.

"Supre, di ka padin nagbabago." natatawang bati ko.

"Walang dapat baguhin, Haya." sabat niya naman saka naman niya ako tinapik sa braso.

"Kamusta dito?" tanong ko

"Ganun padin mas lalo lang lumakas ngayon at may mga pangalan na ang mga tao dito." tumatawang sagot niya

"Saludo ako sayo Supre, maganda talaga nag pamamalalakad mo noon pa man. Kaya hindi ka nila matanggal tanggal sa pwesto e." natatawang biro ko

"Kung ikaw ang papalit sa akin ay papayag ako." bawi niya sa biro ko.

"Hahahaha." at nagtawanan kami.

"Narinig at nagulat ako sa desisyon mong hawakan ang kaso ni Congressman Henoroso." panimula niya

"Pamilyar ka padin sa kanya?" tanong ko.

"Hmm hinding hindi ko makalimutan ang taong pumatay sa anak ko." galit na usal niya.

Naalala ko namatay ang anak ni Supre dahil sa food poison noong namigay ng ayuda ang Congressman na iyan sa lugar ok nila. Isa ang anak ni Supre sa mga nasawi at nasara lang ang kasong iyon.

Agad niyang binuksang ang isang briefcase. "Ito na ang tamang panahon at ikaw ang tamang tao na gagamit ng bagay na ito." at bumungad sa akin ang napakagandang baril.

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti, tinapik niya ulit ako sa braso. "Maasahan mo ako, Supre."

"Gusto ko sa susunod na punta mo dito ay ibabalita mo nang patay na ng hayop na yon." nangngigil na sabi niya.

"Hmmm." at tumango tango ako sa kanya. "Mauna na ako at may pinaghahandaan akong kaso." paalam ko.

"Kahit hindi ako nagdadasal ay ipagdadasal kong manalo ka, ikamusta mo nalang ako kay Reejil." bilin niya tumango lang saka nakangiting tinalikuran siya dala dala ang briefcase.

Lumabas ako ng kampo nang may ngiti sa labi, mabilis akong nakasakay sa kotse ko at inilapag ang briefcase. Binuksan ko itong ulit at napangiti ako sa ganda nito kasama ang mga nagkikinangan bala.

Nakauwi na ako ng bahay at nakatanggap ako text message galing kay Melissa.

{Lucy, natatakot na ako. Di ko na alam kung saan hahanapin si Allyson.}

Di ko nalang ito pinansin saka inayos ang dala ko, kumain naman ako agad at nagpasyang matulog.

Kinabukasan nagising ako sa ingay ng tawag di ko kilala ang numerong ito pero walang gana ko itong sinagot.

"Ikaw ba si Lucy?" agad na tanong niya sa akin.

"Ewan ko ikaw si Lucy kaba?" biro ko pa

"Mukha ba akong nakikipaglokohan, makinig ka hawak ko ngayon si Allyson-" di niya natuloy ang sasabihin niya nang sumabat ako.

"Sino ka?"

"Hanggang ngayon ay ramdam ko padin ang sakit ng pag gapos mo sa kamay ko." sabi niya agad ko namang ibinaba ang tawag.

Malas mo tanga.

Agad kong pinaharurot ang kotse ko para makabyahe pabalik ng Samar, dala dala ang aking kotse. Mabilis kong nahanap ang address ng lalaking nasa id.

Kumatok sa bahay nito at bumungad sakin ang isang babae sigurado akong ito ang asawa niya. "Ikaw ba ang asawa ng lalaking ito?" at itinaas ang id.

"Oo ako nga, bakit anong kailangan mo sa kanya?"

"Napulot ko, paki sabi mo sa asawa mo na mag ingat siya." bakas sa mukha niya ang lito at pagkagulat agad ko siyang tinalikuran saka ako sumakay sa kotse.

Mabilis kong inikot ang sasakyan ko sa pasikot sikot ng subdivision ng lalaking iyon at itinago ang kotse ko sa malilim na lugar.

Maya maya ay tumunog ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Hayop ka wag mong idamay ang pamilya ko." galit na sigaw niya

"May mga tao palang kasing tanga mo noh? Isang sagot isang tanong nasan si Allyson?" tanong ko pero matagal siyang nagsalita.

"Tik tok, tik tok." biro ko

"Wag mong idamay ang pamilya ko." nakikiusap na sabi niya

"Sagutin mo ang tanong ko at kakalimutan ko ang address niyo." pagbabanta ko.

"Nandito sa bodega ng mga sigarilyo, sa likod ng Prema Hotel." mabilis na sagot niya.

"Antagal kong hinanap ang taong yan diyan niyo lang din pala tinatago sa likod ng hotel niya? I'm on my way" nakangiting ani ko at pinatay ang tawag.

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon