Lucy's POV
7 years later.... Lumabas ako ng bahay para samahan si Mommy and Daddy sa weekly check up nila. Sa dami ng pinagdaanan ko noon masasabi kong maswerte padin ko at nakakasama ko padin ang aking mga magulang.
Pinasakay ko sila sa kanilang sasakyan bago ako sumunod dito mabilis naman kaming nakarating sa clinic kung saan ang office ng doctor nila Mommy.
Nang makapasok kami ay agad silang inappoint para sa kanilang mga vitamins, masyadong makulit ang mga magulang ko.
Lumabas ako saglit para pagpahangin nang mapansin ko ang mga taong nagtatakbuhan sa hospital wala sa sariling pumunta ako sa lugar na iyon.
Tiningnan ko ang mga nagkukumpulang tao at pinapalibutan nila ang isang babaeng nahimatay.
"Excuse me, what's happening here?" pamilyar ang boses na iyon.
Paglingon ko ay nagulat ako sa nakita ko. Napalaki ang aking mata nang makita ko si Mellisa na nakasuot ng doctors coat at may nakasabit na stethoscope sa leeg.
"Mellisa.." mahinang tawag ko.
Napatingin naman siya sakin saka ito ngumiti. "Lucy." sagot niya. Saka ito malumanay na sumigaw.
"Dalhin ninyo sa ER yan, Nurse Adi please assist." malambing na pakiusap niya.
Inasikaso naman ng mga nurses ang nahimatay saka naman siya tumungo sa akin.
"It's been a long time, Atty." masayang bati.
"Doctor kana?" mangha naman na tanong ko.
"Yeah, narealize ko na ito pala talaga ang gusto ko at hindi ang asikasuhin ang negosyo ng mga Henoroso." natatawang sagot niya.
"Congratulations." sinserong bati ko.
"Thank you..."
Wala padin siyang pinagbago, siya pa din yung Mellisa na kilala ko noon. Ang masayahin ay ang malambing na si Mellisa.
"Kamusta kana?" tanong ko.
Ngumiti muna siya bago nakasagot. "Masaya naman after i graduated from medicine saka naman nawala si Daddy.." malungkot na sagot niya.
"I'm so sorry for your loss." saka hinawakan ang kanyang kamay.
"Ikaw, how are you sobrang tagal nadin nung last tayong magkita." tanong niya saka sinenyas ang upuan.
Umupo ako saka sumagot. "Okay lang din katulad padin ng dati." natatawang sagot ko.
"Masaya akong makita kang muli, Atty Lucy." nakangiting sabi niya.
"Masaya din akong makita ka, masaya akong naabot mo na ang pangarap mo." sabat ko pa.
"Salamat." di niya natatapos ang sasabihin niya nang tawagin siya ng isang nurse.
"Doc, may emergency po sa ER kailangan ka ngayon." lumingon sa akin si Melissa saka naman ako tumango tango.
"I have to go, it's nice seeing you again." at tinaguan ko lang siya saka naman niya ako ngiting tinalikuran.
Totoo palang mabait ang diyos sa mga taong mabait din sa kanya.
Flashback.
Nagulat ako nang may bumungad sakin sa pinto ng aking bahay.
"Paano mong nalaman na dito ako nakatira at anong ginagawa mo dito?" nagulat na tanong ko kay Allyson na ngayon ay pulang pula ang mata kakaiyak.
"Nasaktan ko siya, sinaktan ko siya." naguguluhan at naiiyak na sagot niya.
"Ano bang sinasabi mo."
"Nasaktan ko si Mellisa dahil ikaw padin ang nilalaman nito." turo niya sa dibdib niya. "Aaminin kong hinahanap ko ang presensya mo sa kanya pero maniwala ka nilabanan ko, i tried to love her pero ikaw padin Lucy." umiiyak na sabi niya at nagsimula naman siyang bumaba para lumuhod.
"Please, bigyan mo ako ng chance na iparamdam ulit sayo yon. Mahal padin kita Lucy, ikaw at ikaw lang mula noon." napalunok naman ako sa sinabi niya. "Alam ko ang gago ako pero yon lang totoo." umiiyak na sabi niya habang nakaluhod sa akin.
"Tumayo ka nga diyan." utos pero umiling iling lang siya.
"Nagmamakaawa ako Lucy, hayaan mong iparamdam ko sayo yung dapat na noon pa ay pinaramdam ko. Sa buong buhay ko ikaw lang ang laging laman ng puso't isip ko." sa pagkakataon na ito ay naawa ako sa kanya nakaluhod padin siya sa akin habang umiiyak.
Pero hindi ako nakapagsalita. "Kung hindi kapa ready hihintayin kita kahit gaano pa katagal hihintayin kita." nagmamakaawang sabi niya. "Just please come back to me."
Hindi ako nagsalita saka ko siya tinalikuran.
Ngayon inisiip ko ano kaya ang nararamdam ni Melissa?
End of flasback.
Bumuntong hininga kong inalala ang mga nangyari pero ngayon nagbago lahat sa akin. Nakita ko kung paano nag grow si Mellisa nang wala si Allyson at nakikita ko ang resulta ng walang Allyson sa Buhay niya.
Hanggang ngayon ay hinihintay padin ako ni Allyson, araw araw siyang nagpapadala ng bulaklak sa bahay kulang nalang ay maging flowers shop ang bahay sa dami ng bulaklak na nandoon.
Hinihintay niya ako hanggang ngayon pero ang tagal ko ding inaantay na makita si Mellisa na maging okay bago ko muling harapin si Allyson.
Naging busy si Allyson sa kanyang negosyo at ako naman ay nag trabaho abroad for almost 3 years. Doon ko nakita ang totoong Allyson na kailanman ay hindi nakita ni Melissa.
Napabuntong hininga ako sa naisip ko. "Ipagdadasal ko ang kasiyahan mo Mellisa, sana mahanap mo ang taong totoong mamahalin ka kagaya ng pagmamahal na meron si Allyson sa akin." mahinang bulong ko saka nagpasyang lumabas ng hospital.
Habang naglalakad ako pabalik ng clinic ay inalala ko ang mga pagsasakrispisyo ni Mellisa para sa akin.
Flashback.
Nags-scroll ako sa aking phone nang madaanan ko ang isang live video at ang nakikita ko dito ay walang iba kundi si Mellisa.
"This song was made for us to realize that we keep the wrong person which we also build for someone." malungkot na panimula nito.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, nasasaktan ako para kay Melissa. Simula't sapol ay ako ang may kasalanan lahat ng ito.
Nagsimula siyang kumanta.
"Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no'ng ako'y 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal""At kita naman sa 'yong mga mata
Kung bakit pinili mo siya
Mahirap labanan ang tinadhana.""Pinapaubaya, pinapaubaya
Pinapaubaya ko na sa kanya."Napalunok ako nang makitang tumutulo ang mga luha nito habang kumakanta nakisama naman ang mga tao dahilan para mas lalong maging emosyonal ang inaawit ni Mellisa.
"Kung saan kaman ngayon, hinihiling kong makita mo sa kanya ang matagal mo nang hinahanap sa akin." mapait na ngiti niya.
End of flasback.
Alam kong masakit ang pinagdaanan na iyon ni Melissa at kahit hindi ko sabihin ay awang awa ako sa kanya.
Pero ngayon nakahinga na ako ng maluwag dahil nakikita ko siyang masaya at tinitingnan ko ang kanyang mga mata na tila gusto nitong sabihin sa akin na. Masaya ako sa kung saan ka masaya.
Pumikit ako saka ako bumuntong hininga. Matagal kong hinintay ang oras na ito siguro ngayon ako naman.
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomantizmWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.