Lucy's POV
Ilang araw bago ang trial nakatanggap ako ng text message mula kay Allyson na may mahalaga siyang sasabihin sa akin kaya kasalukuyan akong nagddrive para bumyahe papunta sa Samar.
Malayo ang Samar sa Manila pero kahit papaano ay kaya naman itong puntahan.
Maya maya ay nakarating na sa mismong airport at agad akong nag rent ng saksakyan na magagamit ko sa ilang araw na stay ko dito. Balik ko nadin na dito magpahinga habang naghahanda sa papalapit na kaso.
Agad kong tinext si Allyson nakarating na ako ng Samar. Hindi ko alam kong tama ba ang gagawin kong ito na makipagkita kay Allyson gayong alam ko sa sarili ko na iniiwasan ko siya.
Napangiwi nalang ako sa naisip ko, nakarating ako sa Prema Hotel at agad na pumasok dito para mag check mabilis akong nakapasok sa aking kwarto kasunod ang mga pagbasa ko sa mga mensahe ni Allyson. Bumuntong hininga kong inilapag aking phone at binuksan ang sliding door bumungad sa akin ang napakagandang view na puno ng mga berdeng dahon napapikit pa ako habang nilalanghap ang mga hangin na maaring lumapit sa akin.
Maya maya ay pumasok nadin ako at kinuha ang aking phone saka susi ng kwarto para lumabas. Payapa akong naglalakad hanggang makasakay ako sa elevator. Hindi ko maiwasang mag alala kung sakali man na hindi na mabawi ni Allyson ang Hotel na ito maganda ito, malinis at maaliwalas tingnan at hanggang ngayon ay hindi padin tumatatak sa isip ko na sa kanya ito.
Iling iling akong lumabas nang makita ko siyang nakaupo sa may kiosk agad akong nag tungo dito napansin ko naman ang pamumutla niya kaya agad ko siyang binati.
"You look pale." panimula ko at nag angat siya sa akin ng tingin
"Kamusta ang biyahe mo?" tanong niya.
"Hmm okay lang ganun padin." sabat ko.
"Anong ganun padin?" naguguluhan na tanong niya.
"Wala." matipid na pagtatapos ng usapan saka nag pasyang umupo sa harap niya. "Anong gusto mong sabihin?" tanong ko pa.
"Hindi ko alam kung saan ko sisimulan, Lucy sobra akong naguguluhan." litong sabi niya.
"Ang ano iyon?"
"Si Melissa isa siyang Henoroso." napatingin naman ako sa malayo at napatingin sa kanya nang may pagtataka.
"What do you mean, ngayon mo lang nalaman?" takang tanong ko.
"Oo tumagal kami ng ilang taon nang wala akong alam sa kanya Lucy, kasi ang sabi niya sa akin ay may tamang panahon para doon. Kahapon ay inanyaaan akong mag lunch sa kanila sa di inaasahan ay pupunta din daw ang kapatid ng kanyang ama which is ang tito niya nung una ay kinakabahan talaga ako."
"Why?"
"Yan din ang tanong ko kung bakit ako kinakabahan." sabi niya at hinayaan ko nalang siyang magsalita.
"Nung dumating ang tito na sinasabi niya ay nagulat ako wala akong ibang nakita doon kundi si Congressman Henoroso." inosenteng sabi niya.
"Anong nakakapagtaka doon?" tanong ko pa.
"Lucy, delikado na ako ngayon hindi ko lang masabi kay Mellisa pero ibang iba ang nararamdam ko sa tatay niya. Noong mga araw na nawala ako pinakauna kong napansin noon bago nahimatay at nang magising na ako ay ang isang itim na robang may nakakurbang isang misteryosong lenghawe." takang kwento niya "Nang pumunta ako sa bahay nila Mellisa nagulat ako nang makita ang itim na robang iyon na naka sampay sa sofa nila tinanong ko si Melissa kung kanino iyon at ang sagot niya ay pag aari iyon ng Daddy niya."
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomanceWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.