CHAPTER 41

112 6 0
                                    

Mellisa's POV

"Mellisa..." si Allyson.

Lumingon ako at kunwareng nagulat. "Allyson, anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ko.

Lumabas naman si Joe saka nilapitan ang lalaki saka ito pinaalis.

"What?" galit na tanong niya.

"Anong ginagawa mo dito?" walang ganang tanong ko.

"Are you cheating on me?" gulat na tanong niya.

Flashback.

Kinabukasan, ito na ang araw na tatapusin ko ang lahat ito ang araw kung saan magtatapos ang kwento namin ni Allyson. Hindi ko pwedeng lapitan si Lucy sa pagkakataong ito kaya may isang tao akong dapat na puntahan.

Kasalukuyan akong nagmamaneho patungo sa bahay ni Joe. Joe is my high school best friend hanggang sa mag pre med school ako. Kaya siya ang naging personal doctor namin dahil sa kilala nadin namin siya at isa siya sa mga nagtagumpay sa mga nabigyan ng scholarship ng Congressman Henoroso.

Bumaba ako ng kotse at agad na nag door bell sa pagkakataong ito siya mismo ang nag bukas ng gate sa akin.

"Mellisa.." tawag niya sa akin. "Pasok." saka naman ako pumasok.

"Anong sadya mo?" tanong niya.

Kaagad kong kinwento lahat ng nangyari simula umpisa ng istorya namin ni Allyson hanggang sa dumating sa buhay namin si Lucy. Gulat pa siya nang malaman na konektado ang dalawa.

"I knew it, i feel something fishy that time." maarteng sabi niya. "So what do you want me to do?" tanong niya

Napalunok pa ako saka ako sumagot. "Gusto ko nang tapusin ang lahat ng ito, sa kabila ng mga nangyari samin ni Allyson masasabi kong madami nadin kaming napagdaan at sa palagay ko sapat na ang tatlong taon."

"What do you mean?"

"Alam kong mahal niya pa si Lucy, kahit hindi niya sabihin ay alam ko." at nakita ko naman sa mga mata niya ang awa.

"Hindi mo ako kailangang kaawaan kung tutuusin ang nangyari sa amin ni Allyson ay pinakamagandang nangyari sa buhay ko pero hanggang dito nalang ito." ngiti pang sabi ko.

"Yan, ganyan ang kilala kong Mellisa." sabi niya saka hinawakan ang aking mga kamay.

"Alam kong hindi papayag si Allyson na mag hiwalay kami ng biglaan pero nasasaktan na ako." malungkot na sabi ko. "Kaya pwede bang tulungan mo akong gawin ang plano ko?" tanong at agad siyang tumango tango.

End of flasback.

"Mellisa!" malakas na sigaw niya sa akin.

"Yes..." sagot ko at lumaki naman ang mata niya. "I've been cheating on you long time ago." dagdag ko pa.

"What?" gulat na tanong niya.

Flashback.

"Mellisa si Allyson nasa labas!" sigaw ni Joe.

Kasalukuyan kaming nasa bar ngayon, ilang gabi na akong pumupunta dito para malabas lahat ng sama ng loob ko.

"Ano? Hindi pwedeng makita niya ako dito. Hindi pwedeng malaman nya agad ang plano ko, hindi ito ang tamang oras para dito." sagot ko.

"Tara." saka ako hinila ni Joe para magtago.

Nakita kong pumasok si Allyson sa Bar at nakita ko pa kung niya ako hinahanap. Alam kong busy ka din ngayon pero sana maintindihan mo.

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon