Lucy's POV
Maaga akong nagising sa malamig na panahon at napansin kong umuulan pala sa labas bumangon ako para mag handa ng pagkain ko saka ko napansin na andami ko na palang basura na naipon.
Nilinis ko iyon saka inayos para ilabas, kinuha ko ang aking susi saka lumabas.
Ilalapag ko na sana ang mga basura sa malaking basurahan na nasa ground floor nang makita ko si Mellisa nakita niya ako kaya papunta na siya sa akin ngayon.
"Pwede ba tayong mag usap?" panimula niya.
"Ngayon?" tanong ko at itinuro ang sarili na hindi pa naka ayos.
"Mamayang gabi 7pm diyan sa harap ng Prema Hotel may restaurant diyan sa gilid, I'm expecting you please be there." malungkot na sabi niya saka ako tinalikuran.
Nagkibit balikat nalang saka pumasok muli ng hotel agad akong nakaakyat ng kwarto ko saka ako nag handa ng makakain pagkatapos ay naligo nadin ako.
Pagkatapos kong mag ayos ay nag pasya akong lumabas balak kong puntahan si Joe Rosales para sa trial bukas.
Naglalakad ako papasok ng aking sasakyan agad akong sumakay dito saka ko naman ito pinaharurot, huminto pa muna ako sa gas station para magpagas masyadong malayo ang bahay non.
Mga dalawang oras na biyahe ay nakarating na ako bumaba naman kaagad ako saka pinindot ang doorbell. Sa pangalawang pagkakataon yung matanda ulit ang nagbukas sakin ng pinto pero hindi na siya kasing sungit katulad nung una namin siyang makita.
"Nandito ako para Dra. Joe." nakangiting sabi ko.
"Pasok ka." anyaya niya pa agad naman akong pumasok saka pinaupo ako sa sofa. Maya maya ay dumating na din si Joe galing sa kitchen.
"Oh im sorry ganito ang itsura ko nag ba-bake kasi ng cupcakes you want some? hindi pa ako nakakasagot nang sumigaw siya. "Manang mag dala ka ng cupcakes dito." sabi niya sabay na hinbad ang apron. "So what brings you here?" tanong niya sa akin.
"Bukas na ang trial." sabi ko
"Ah huh di ko naman iyon kinalimutan." sabi niya at tumango tango naman ako.
"Can i ask something?" tanong ko pa
"Go, what is it?"
"Hawak mo ang medico-legal?" derestyong tanong ko.
Matagal siya bago nakasagot. "Yes.." sagot niya.
Good
"Nice, i'm expecting you tomorrow." nakangiting sabi ko pa at tumango tango din siya.
"How are you related to Mellisa?" tanong niya.
Bakit naman ganyan ang tanong niya.
"Allyson's girlfriend?" at agad siyang tumango. "A friend?" pagsisinungaling ko pa.
"Friend, Hindi ko alam na nakikipag kaibigan na pala siya that's new huh." maarteng sabi niya.
"Kilala mo siya?"
"Of course she's my classmate." at nagulat naman ako sa sinabi niya.
Ibig sabihin noon ay mas matanda sa akin si Mellisa? Hindi halata iyon.
"Anyways did Atty. Casile and Regina Casile are related?" tanong niya.
"Yes magkapatid sila."
"I knew it."
"What?"
"Magkamukha sila e, Regina is my partner in medical field." kwento niya pa. "Saan siya ngayon?" tanong niya
"Manila." matipid na sagot ko.
"Hmmm interesting." tango tango na sabi niya maya maya ay sinerve na ang ginawa niyang cupcakes.
Hindi ako mahilig sa cupcakes pero kailangan ko itong kainin dahil kung hindi baka bawiin niya pa ang pagttestigo niya.
Isenensyas niya ang cupcakes kumuha naman ako ng isa saka ito tinikman. Hmmm masarap naman siya.
"How is it?" tanong niya.
"Good masarap." sagot ko totoo namang masarap ito.
Nang maubos ko ang aking cupcake ay ininom ko naman ang juice na kasama nito saka ako nagpaalam na aalis na.
"So see you tomorrow, here." at binigay sa kanya ang adress at location ng trial. "You can contact me tomorrow if there's a problem pwede din kitang ipasundo kay Atty. Casile dito sa Samar papunta ng Manila." di ko pa natatapos ang sasabihin nang sumabat siya.
"Really that's great!" malakas na sabi niya saka ngumiti.
Confirmed!
Malakas ang tama kay Reejil. Natawa nalang ako sa naisip ko.
"Okay, thank you." ngumiti din ako sa kanya saka tinalikuran siya.
Nang makalabas ako ay bumuntong hininga naman ako umiling iling pako mabilis akong nakasakay sa aking sasakyan saka nag simulang paandarin ito.
Alas 3 na ng hapon nang makabalik ako sa Hotel pagod kong hiniga ang aking sarili sa kama.
Matatapos nadin ito bukas Lucy. Hindi ko namalayaang nakatulog na pala ako sa pagod.
Pag tingin sa oras ay nagulat ako alas 6 at kailangan ko mag handa dahil 15 minutes nalang at mag ala siyete na.
Naligo nadin muna saka ako nag ayos suot suot ang aking Blazer. Pagkatapos ko ay lumabas na agad ako ng kwarto saka sumakry ng elevator abala pako sa mag aayos ko ng blazer nang tumunog ang elevator at kailangan ko na bumaba.
Naglakad ako palabas ng hotel tiningan ko ang oras at 7:05 na ang bilis naman nun.
Naglakad muli ako papunta sa tinuro niyang restaurant nasigurado nandun na siya nang makita ko ang sasakyan niya sa labas ng restaurant.
Pumasok naman agad ako nakita ko siyang nakaupo sa isang na good for two.
"Im sorry na late ako." paumanhin ko pa at tumango lang siya agad akong umupo sa harap niya saka naman siya.
"Nag order na ako food i hope you like it." sabi niya pa.
"Ano bang paguusapan natin at masyado kang seryoso?" tanong ko pa.
"Si Allyson.."
"What about her?"
"Does she still love you?" naiiyak na tanong niya.
"Bakit mo naman nasabi yan?"
"Lucy, hindi na siya ang dating Allyson hindi ko na siya kilala. Minsan naaayos nalang yung away at tampuhan namin dahil ako yung nag aadjust and i'm so tired. Pagod na akong umintindi palagi, pagod na akong mag lunok lunok ng pride kahit hindi pinaguusapan." nagsimula siyang umiiyak. "Wala kang kasalanan Lucy, i know you tried na umiwas sa amin and believe me or not napansin ko iyon. Pero hindi ko na kaya Lucy simula't sapol wala kaming napagusapang problema." sabi niya saka umiling iling.
"Alam ko na ginawa mo akong tulungan para matapos ang communication na meron kami ni Allyson, alam ko at aware akong nasasaktan din kita. I'm sorry."
"No, wala kang kasalanan. Maging mabuti ka amin siya ang problema." iling iling niya.
"Pag usapan niyo, wag kang papayag na hindi kayo mag usap. Try ko communicate with her." di ko pa natatapos nang magsalita siya.
"I always do, hinihintay ko nalang na mapagod ako." naiiyak na sabi niya saka naman ako napalunok lunok.
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomanceWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.