CHAPTER 39

74 6 0
                                    

Mellisa's POV

Wala sa sariling lumabas ako ng bahay at sumakay sa aking sasakyan. Tinatanaw ko ang daan at tila kinakabahan ako hindi ko alam pero alam kong maiiyak ako.

Maya maya ay nakarating na ako sa bahay nila Allyson sa labas palang ay kitang kita na ang mga tao.

Napatago pa ako nang makita kong bumaba si Lucy sa isang sasakyan at nakangiti itong sinalubong ni Allyson. Naguusap sila nang biglang lumitaw naman ang ina ni Allyson na sumigaw kay Lucy.

Kitang kita sa mukha niya kung gaano niya kagusto si Lucy para sa anak niya.

Niyakap pa si Lucy saka inakay itong pumasok sa loob ng bahay nila. Patago ko pa itong sinundan saka ako nakakita ng isang duyan kung saan natatakpan ng madaming tao dahilan para hindi ako makita. Nagtago ako sa duyan saka tinataw ko sina Lucy at Allyson na nakaupo.

Maya maya ay dumating na naman ang ina ni Allyson at proud na pinakilala si Lucy sa mga bisita. Paulit ulit nitong pinakilala si Lucy bilang abogado.

Napalunok ako nang makita ang mga reaksyon ng mga tao na masayang kinikilala si Allyson. Hindi sobrang layo kaya kahit paano ay naririnig ko itong naguusap dahil sa lakas ng boses ng kanyang ina.

"Nako, wag ang hanapin ang wala at harapan nalang ang nandito." yan ang narinig ko hindi ko masyadong maintindihan ang usapan.

Nagsimula ang thanksgiving mass hanggang sa matapos ito.

How i wish i'm Lucy. She's so lucky.

Naluluha kong tinanaw ang dalawa maya maya ay may lumapit na bata kay Lucy at ngiting ngiti niyang ginugulo ang buhok nito habang si Allyson ay nasa likuran ni Lucy na nakangiti sa dalawa na para bang isa silang pamilya.

Napahawak pa ako sa aking dibdib masyadong bumabagal ang pangyayari pero sobrang sakit ng lahat ng ito. Nakikita ko pa kung paano titigan ni Allyson si Lucy na para bang hinihiling nito na Sana ay sila nalang ulit.

Halo halo ang nararamdam ko, masakit ang aking ulo at sobrang sama ng aking pakiramdam hindi pa din ako kumakain kaya para akong hihimatayin sa mga nakikita ko.

Sobrang mahal ko si Allyson.

"I'm seeing my greatest love admiring her true love." mahinang bulong ko.

Tinatanaw kong paano silang magtawanan habang nakikipagkulitan sa bata. Sobrang sakit. It should be me.

Muling naguusap ang dalawa hindi ko mabasa ang mga sinasabi nila sa isa't isa pero nababasa ko ang expression ni Allyson at sa pinapakita nya ngayon ay pinapatunayan nyang walang wala ako kay Lucy.

Umiiyak akong tumakbo at bumalik sa aking sasakyan saka ito pinaharurot. Nakarating ako sa isang lugar kung saan puro dagat ang nakikita umupo ako sa tabi at doon ko binuhos lahat ng sakit.

Tila umuatungal ang dagat dahil sa aking pag iyak hinahawakan ko pa ang aking dibdib dahil sa nahihirapan akong umiyak.

Unti unti kong naramdaman ang lamig ng simoy ng hangin na tila ba niyayakap ako at pinapaalala sa akin na kahit paano ay may nandito sa tabi ko.

Nagtagal ako sa lugar na iyon at ang nagsimulang dumilim kaya naman tumayo na ako at bumalik sa aking sasakyan.

Muling pinaandar ko ang aking sasakyan saka pinaharurot ito pauwi. Nang makauwi ako ay nagulat ako nang makita ko si Daddy na nakaupo sa sala.

"Saan ka nanggaling kanina pa ako nag aalala sayo!" pagalit na sabi niya.

"Dad, wag ngayon please!" mahinang sagot ko saka umakyat.

Naglock ako ng pinto hanggang sa may kumatok dito. Inayos ko muna ang aking mukha saka ito binuksan.

Si Daddy.

"Kumain kana anak, kanina kapa hindi kumakain." abot niya sa akin ng pagkain.

"Thank you, dad."

"Hindi kita pipilitin na mag sabi sa akin hihintayin kong kusa kang mag kwento sa akin. Kumain ka at wag kang magpapagutom ayusin mo ang sarili mo Mellisa." saka niya ako tinalikuran.

Isinara ko ang aking pinto saka nilapag ang pagkain nagsimulang umiyak habang niyayakap ang sarili.

Maya maya ay nagsimula na akong kumain dahil sa nanghihina na ako may oras pa na tinitingnan ko ang aking phone at tinatingnan kong tumawag ba si Allyson pero wala.

Nang matapos akong kumain ay saka naman ako nakapagdesisyon na maligo ibinabad ko ang aking sarili sa bath tub. Umiiyak kong tinitingnan ang aking sarili.

"Ano pa bang kulang sa akin?" kuwestyon ko sa sarili. "Ano bang meron siya na wala ako?" umiiyak na tanong ko pero nasasaktan ko lang sarili ko dahil wala akong natanggap na sagot.

Nang matapos akong maligo ay agad na akong humiga sa aking kama at hindi ko namalayaan na nakatulog na pala ako.

"Anak..." boses iyon ni Mommy.

Umiiyak kong hinanap ang boses na iyon at napagtanto kong nasa likod ito.

"Mommy.." umiiyak na tawag ko.

"Anak, sadyang may mga bagay na binibigay sa atin pansamantala tulad ng mga taong naging atin sa maikling panahon. Anak, kahit anong mangyari ang pag tanggap sa pagkatalo ay hindi mali kundi ito ang isa sa pinakamagandang paraan ng paghilom."

"Mommy..."

"Mellisa, madami ang nag aantay sayo huwag kang magpapakulong sa isang bagay na alam mong hindi para sa iyo."  pagkasabi iyon ni Mommy ay bigla akong narinig.

"Mommy..." umiiyak na tawag ko.

Sa buong buhay ko iyon ang pinakaunang pagkakataon na nagpakita siya sa akin sa panaginip. Pinunasan ko ang aking luha saka bumangon.

Napatingin ako sa labas nang makita kong umuulan ng sobrang lakas. Yung garden.

Kaya mabilis akong bumaba saka nag tungo sa garden pero nagulat ako nang makita si Daddy na inaayos ito.

"Daddy?"

"Nakita kong sobrang lakas ng ulan pinasok ko lang itong mga paboritong bulaklak ng Mommy mo." sabay buhat niya sa mga paso na nasa labas.

Napangiti ako kaya kahit umuulan ay tumulong ako napatawa pa ako nang nagbibiro siya na kunware ay nadudulas siya.

"Daddy!" saway ko pa saka tumawa.

"Ayan, napakaganda mong tingnan anak kapag nakangiti ka." sabay lapit sa akin nilagyan niya pa ako ng bulaklak sa tenga.
"Kamukhang kamuka mo na ang Mommy mo." nakangiting sabi niya.

Hinayaan kong mabasa kami ng ulan nag laro pa kami ni Daddy sa garden hanggang sa tumila ito tawang tawa pa ako  nilagyan ko din siya ng bulaklak sa kanyang buhok.

Pagkatapos ng mga nangyari nandito padin ang mga magulang ko at lagi akong ginagabayan at nagpapaala na ako si Mellisa na hindi kailanman pwedeng masaktan.

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon