Reejil's POV
Maaga akong nagising at nag ayos ngayon ang araw na pinakatinatakutan ko para kay Lucy.
Kilala ko si Lucy hindi yon papayag na may naiipit na tao lalo na involved den siya, noon pa man ay na ang problema ko sa kanya masyado siyang matapang na akala mo may siyam na buhay. Umiling iling nalang ako at nagsimula nang mag ayos.
Maya maya ay naayos ko ang mga gamit ko saka naman ako nag madaling lumabas ng bahay at saka sumakay sa kotse, mahina ang takbo ko dahil sa hindi pa ako nakakatulog sa dami ng inaasikaso ko.
Papalapit na ako sa bahay nina Lucy nang may makita akong pamilyar na sasakyan.
Tatiana...
Lumabas ako ng kotse ko at nakita ko kaagad si Tatiana na nakasandal sa kotse niya napatingin naman siya sa akin kaya nilapitan ko na siya.
"Good morning, ang aga niyan ah." bati ko at itinuro ang yosi na hawak niya.
"Breakfast." biro niya pa.
"Bakit hindi kapa pumapasok?"
"Kita mo naman yang bahay ni Lucy mamahalin tingnan pag sa loob ako nag sindi baka umusok sa buong kabahayan." sabi niya at natawa siya. Ano daw?
Magsasalita na sana ako nang magsalita si Lucy sa harap namin. "Pasok na muna kayo, hintayin nalang natin ang pinadala ni Supre." saka naman siyang naunang pumasok agad kaming sumunod ni Tati saka umupo siya sa sofa.
"Lakas mo talaga kay supre noh?" amaze na sabi niya.
"May kapalit yan." sabat ko pa
"Kung alam ko lang ikaw ang gusto niya na pumalit sa kanya." sabi niya kay Lucy at wala naman siyang imik.
"Hindi pwede si Lucy." agad naman na sabi ko at tumingin naman sa akin si Tati.
"Edi ikaw nalang." natatawang sabi niya pa.
"Tch." at nag tawanan naman sila ni Lucy. Mga babae talaga mga baliw.
Tumagal ang ilang oras at dumating na ang mga pinadala ni Supre, may mga grupo ng kalalakihan na kung bibilangin nasa sampo. Agad naman kaming umalis sa bahay ni Lucy para pumunta sa Samar.
Sakay kaming tatlo ng helicopter habang ang ibang lalaki naman ay isa pang helicopter. Maya maya pa ay nakarating na kami ng Samar.
Nandito kami sa isang masukal na lugar kung saan nag land ang helicopter.
"Planado talaga to ah salute kay Supre." muling sabi ni Tati.
Talagang hindi kami binigo ni Supre.
Nang makababa na kami ay agad kaming sumakay sa isang kulay puting van.
"Saan tayo mag s-stay dito?" tanong ko pa.
"May rest house si Supre dito at doon tayo." nakangiting sagot ni Lucy. Sumunod naman kaming dalawa sa kanya.
Nakarating kami sa rest house ni Supre, malapad ito at may napakangandang tanawin kaya talagang masasabi mong safe na nandito kami gayong may kasama kaming banned person.
"Magpahinga muna kayo, may pupuntahan lang ako." si Lucy.
"Hindi kaming pwedeng sumama?" tanong pa ni Tati.
"Kaya ko na to." mayabang pa na sabi nya.
"Lucy, saan ka pupunta?" tanong ko.
"Kay Mellisa." sagot niya at napataas naman ang labi ni Tati dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Sasama kami." si Tati saka naunang naglakad wala namang nagawa si Lucy kaya naman sumunod nalang ito.
Habang nasa loob kami ng sasakyan ay may inilabas si Tati sa kanyang bulsa.
"Use this." sabay bigay ng isang bonet at maskara kung saan sapat na para hindi makilala si Lucy.
Kinuha naman iyon ni Lucy tiningnan. May mask na itim na nasa loob nito. Mabilis lang biyahe at agad kaming nakarating sa harap ng malaking bahay.
"Ito ang bahay ni Wilson Henoroso nandyan si Melissa sa loob." Lucy.
"Gusto mo bang ako ang pumasok diyan, anong bang itsura nyang Melissa?" si Tati.
"Hindi na mas mapapadali kung ano na ang papasok besides alam ko kung nasan ang kwarto niya doon siya nakakulong."
"Paano kong kung mahuli ka?"
"Doon na kayo kumilos."
"Wala man lang kaming armas?"
"Hindi ka hahawak ng baril Tati, alam kong magaling ka pag dating sa baril pero ipaubaya mo na yan sa akin." sabi pa ni Lucy at napanguso nalang si Tati.
"Text me pag kailangan mo ng tulong." at tumango naman si Lucy.
Lumabas siya ng van nang nakasuot ng mask at saka bonet lahat ng suot niya sa kanyang katawan ay kulay itim.
Natanaw pa namin na pumasok na papasok siya sa bahay ng mga Henoroso pero mukhang di siya makakapasok dahil sa dami ng nakabantay.
"Hindi pa din siya nakakapasok." si Tati habang pinagmamasdan namin Lucy na nagtatago sa malaking halaman sa gilid.
"Dito ka lang lalabas ako." sabi niya at nagulat naman ako.
"Diba sabi ni Lucy wag kang lumabas?" nag aalalang tanong ko.
"Hindi nga siya makapasok oh papasukin ko lang siya saka ako babalik dito." sabi niya pa nagsuot din siya ng mask na itim saka lumabas ng van.
Pasaway talaga.
Tinanaw ko si Tati na naglalakad papalapit sa mga bantay sa labas. Dahan dahan niyang tinakpan ang bibig ng isang lalaki dahilan para hindi ito makapagsalita mabilis namang nawalan ng malay ang lalaki at natumba ito nagulat pa ang isang lalaking nasa harap nito nang makitang nakahiga na ang isa kaya agad itong sumugod kay Tati.
Mabilis niyang inikot ikot ang kamay ng lalaki saka ito pinagsuntok suntok. 2 down.
Sunod naman ay hinawakan ni Tati ang leeg ng isang lalaki at patalikod niya itong sinugod dahilan para mapayuko ito sa sakit, nakita ko namang nakapasok na si Lucy sa loob akmang lalabas pa sana ako may makita kong may parating na sasakyan.
Shet.
Nakaramdam naman si Tati dahilan para tumakbo ito sa likod ng kabahayan ng mga Henoroso. Hindi ko silang natanaw pareho.
Nagulat ako nang lumabas si Wilson Henoroso sa kotse. Sa oras na makita niya si Tati baka mapahamak ito at si Lucy na nasa loob ng bahay.
Nagulat nang bumaba si Wilson sa kanyang sasakyan at nakita ko pang nagulat siya sa mga nakatumbang lalaki na nasa harap niya tumingin pa ako sa likod at nakita ko si Tati na may hawak nang baril saka ito nakatutok kay Wilson, kitang kita sa mga mata niya ang takot.
May sinasabi pa si Tati pero hindi ko maintindihan ang alam ko lang nagulat si Wilson dahilan para matakot siya. Lagot na.
Nakita ko naman si salamin ng bintana ang itim na suot ni Lucy batid kong nasa loob na siya ng bahay.
Labis ang pag aalala ko sa dalawa kay Tati na hindi niya alam kung sino ang kaharap niya at kay Lucy na nasa loob na ng bahay ng mga Henoroso.
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomanceWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.