EPILOGUE

337 6 0
                                    

Lucy's POV

Kasalukuyan akong nandito sa Airport at papunta na ako ng Samar sa ilang years ng paghihintay sa akin ni Allyson ay ito ang muli naming pagkikita.

Nakababa na ako ng eroplano at kaagad akong napunta sa rental cars para mag renta ng sasakyan saks naman ako pumunta sa Prema Hotel para mag check in.

Pagpasok na pagpasok ko ng hotel ay agad nagaligaga ang mga tao nandun kaya naman nagulat ako.

"Room for me." nakangiting sabi ko sa babae pero nakatitig lang siya sa akin tumingin pa siya sa itaas at saka muling tumingin sa akin.

Lumingon naman ako para tingnan ito pero nagulat nang makita ang aking mukha sa isang painting. Napapalibutan ito ng mga kulay pink na bulaklak na tila bang mabango sa paningin. Wala sa sariling lumapit ako sa painting na iyon saka ako nagulat nang makita ko ang nasulat doon.

"Ang hintayin ka ang pinakamaganda desisyon na ginawa ko sa buhay ko."

Tumingin pa ako sa baba ng painting at nakita ko kung sino ang pintor na nag pinta nito, walang iba kundi si Allyson.

Napalunok ako saka ko naman ito litong tinalikuran bumalik ako sa lobby at saka kinuha ang aking id at naglakad.

"Sino yon?"

"Yan ang babaeng pinakahihintay ng may ari ng hotel na ito, hinintay niya yan ng 7 years." sabat naman ng isang babae.

Muli akong napalunok saka nagpatuloy sa paglalakad, nang makasakay ako sa elevator ay mabilis akong nakaakyat.

Tiningnan ko ang aking kwarto at nagulat ako pag pasok ko may nakaukit ditong pangalan ko.

Lucy

Napakagat ako sa aking labi nang lapitan ko ang napakadaming sulat na sa palagay ko ay naimbak sa loob ng pitong taon. Binuksan ko ang isang maliit na papel at binasa ito.

Day 1056

"Hinihiling ko na sana wag kang mapagod na isipin na nandito ako at hinihintay ka."

Day 2024

"Sana balang araw mabasa mo lahat ng ito para malaman mo kung gaano kita kamahal."

Napahawak pa ako sa aking bibig sa gulat. Nagsusulat siya araw araw sa loob ng 7 years na pag hihintay niya sa akin?

Hindi ko naman maiwasang humanga totoo ang pagmamahal na meron siya para sa akin.

Lord, bakit mo hinayaang may masaktan pa kaming tao.

Nagsimula akong maging emosyonal nang makita ang isang bottle na may lamang mga maliit na shells saka ko naman nakita ang ang liham dito.

"Sa pitong taon na hindi kita nakasama sinubukan kong kumuha ng mga ito sa iba't ibang lugar na napuntahan ko sa ganun kahit paano ay kasama kita."

Wirdo.

Tumungo pa ako sa dulo ng kwarto ay nakita ko ang nakapakagandang view sa palagay ko ito ang pinakamagandang kwarto.

Maya maya ay bumukas ang pinto lumingon naman ako at bumungad sa akin si Allyson.

"It's nice to see you here." panimula niya pa habang nakapamulsa na naglalakad papunta sa akin.

"How are you?" muling tanong niya saka ako sumagot.

"Okay lang." matipid na sagot ko tatalikod na sana ako nang hawakan niya ako sa balikat saka muling hinarap sa kanya.

"It's been 7 years, pitong taon akong naghintay." sabi niya pa.

"Sinabi ko bang hintayin moko?" mataray na tanong ko.

"I love waiting, i love you." banat niya pa.

Sa pitong taon na hindi kami nagkita ay nagbago siya, hindi na siya ang dating Allyson na pag tiningnan mo isang sapak tulog agad sa ngayon ang nakikita kong Allyson ay ang Allyson na kayang kang ipagtanggol sa mundo.

"You are glowing." hindi ko maiwasang sabi.

"Well." at saka ito nag kibit ng balikat.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, nakapalinis niyang tingnan sa kanyang suot. Naka polo ito ng kulay brown at bagay na bagay ito sa kanya.

"So anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" taas kilay na tanong ko.

"Hmmm nung may nagsabi sakin na nandito daw yung babaeng ilang taon ko hinintay kaya pumunta na agad ako dito."

"And?"

"And i want to see you, i miss you." at saka niya ako yinakap.

Napangiti naman ako sa ginawa niyang yon saka niyakap ko nadin siya.

"May sasabihin lang ako sayo." sabi ko habang magkayakap bumitaw naman siya sa pagkayakap saka ako hinila paupo sa sofa lalayo sana ako nang hinila niya ang aking kamay at napaupo ako sa kanya.

"Ano yon?" malambing na sabi niya saka naman tumingin sa akin ng napakalagkit.

"Ah-" nauutal pa ako nang tinaas niya ang kanyang kilay. "Ah gusto kong sabihin na tapos na." nakangiting sabi ko.

"What do you mean?" naguguluhan niyang tanong niya.

"I appreciate you, thank you for waiting me. Today." sabay hawak ko sa kanyang mukha. "Sa buong buhay ko ay ngayon ko nalang ulit ito sasabihin." bitin ko pa saka naman siya tumingin na naman sakin. " I love you." nang masabi ko iyon ay nagulat ako nang bigla naramdaman ko ang kanyang labi sa aking labi.

Sa pitong taon na naghintay siya ay deserve niya ito. "Please, say it again." bulong niya sa tenga ko.

"I love you." ulit ko at sa pangalawang pagkakataon ay dumampi na naman ang kanyang labi sa akin.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nahihiya ko siyang tiningnan saka napatayo. Isinandal niya naman ang kanyang mga balikat sa sofa saka matalim na tumingin sa akin.

"You're so beautiful..." sabi niya saka naman ako napahawak sa aking labi.

Muntik ko na siyang masapak nang tumawa siya gusto kong magtago dahil sa hiya. Sa palagay ko ay nabalutan niya ang buong pagkatao ko.

"Hey beautiful.." tawag niya sa akin.

"Tumigil ka diyan baka masapak kita." banta ko pa saka ako ngumiti nang marinig ko ang kanyang tawa. Masarap iyon sa pandinig na tila na para iyong musika na magiging paborito ko.

Kunwareng nag aayos ako ng mga gamit ko nang yakapin niya ako ng patalikod. "You love me?" tanong niya hindi ko siya sinagot.

"Finally, narinig ko din sayo. I like it, say it again." at inilapit niya ang kanyang sarili sa akin.

Hindi na ako nakagalaw dahil sa para akong nagyelo nagulat pa ako nang hilahin niya ako dahilan para maharap ako sa kanya.

"Mas mahal kita." matipid na sabi niya. "Araw araw kitang minamahal." sabi niya saka naman ako napangiti. "At hindi ako magsasawang mahalin ka."

THE END....

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon