CHAPTER 4

212 11 10
                                    

Lucy's POV

Maaga akong nagising at nagasikaso, naeexcite akong lumabas ng hotel ngayon sa di ko alam na dahilan. Agad agad akong naligo at nag lagay ng make up sa mukha suot suot ko den ang pinaka paborito kung blazer na nabili ko pa sa Japan

Yes, my Mom is Japanese.

Bilang anak ng isang haponesa lagi nyang binibilin sa akin na maging maganda at kaaya aya tingnan lalo na't abogado ako. They're both lawyers kaya matinding takot ang dala dala ko nung nasa LAW SCHOOL ako kasi parehong abogado ang mga magulang ko. Nag aral ako Elementary at High School sa Proveda kasabay ang pag aaral ko sa Japan. Nagtapos ako sa Japan sa loob lamang ng tatlong taon. Natatandaan ko pa lagi akong inaangasan ng isa kung classmate nung nag-prelaw ako kasi anak nga ako ng parehong abogado at tingin na nila sa akin para akong hanging judge. Pagkatapos ko mag trabaho sa ibang bansa saka ako nag aral, nong una ay ayaw nila akong payagan tungkol sa pagttrabaho pero wala den silang nagawa pareho. Napromote ako kaagad sa trabaho ko dahil nalaman kong binayaran ng Mommy ko ang company na pinagttrabuhan ko.

Tsk siraulo den e noh, bayad nya sahod ko lang din.

After kong magtrabaho ay nag Law school ako sa SAN BEDA dun ko ipinagpatuloy ang pag aaral ko hanggang sa naka graduate ako.

Oh tama na story time.

Natatawa ako sa sarili kong naiisip lumabas ako ng kwarto ko at confident na lumabas. Pag labas na pag labas ko ay may mga naka abang kaagad sa akin.

"Good morning, attorney." nakangiting bati nila sa akin ginantihan ko naman sila ng ngiti saka ako naglakad papunta ng court para tingnan ang mga tao doon.

Madami agad nakaupo sa upuan at punong puno ang mga ito.

Nakakalungkot madami pala sa kanila ay sinisigaw ang hustisya.

Nginitian ko lang ang mga tao na nasa loob ng court at saka ako naglakad papunta sa canteen nito.

"Uy ayan daw ang abogadong hahawak sa kaso ng anak ni Maring."

"Iyan bang naglalakad."

"Yan mismo."

"Kakayanin nya kaya?"

"Aba mare, madami na daw yang naipanalong kaso."

"Ganun ba, aba magaling."

Napangiwi lang ako sa narinig ko. Ang totoo ay di ko alam kung bakit tumanggap ako ng kaso ngayon siguro nga ay di ko lang talaga natanggihan pero wala na nandito nako, hawak ko na.

Matiwasay akong kumakain nang biglang may umupo sa harap ko. Nagulat ako na nandito siya ngayon sa harap ko.

"Kamusta?" nakangiting bati nya saakin.

"What are you doing here?" naiinis na tanong ko

Si Reej. Kasabayan ko siyang abogado isa den sa pinakamayabang na kilala ko bukod sa tatay ko.

"Grabe naman to kung mag tanong ka naman." natatawang sagot nya saka pormal na umupo at tumitig sa akin.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" naiinis na tanong ko ulit.

"Di kaba masayang nandito ako?"

"Hindi" agad namang sagot ko "Pinapunta kaba ni Daddy dito?" naiinis na tanong ko pa.

"Hindi ah, si Tito pa ang may sabi na wag ako pumunta dito at may duty ka."

"Oh sinabihan kana pala e anong ginagawa mo dito?"

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon