Mellisa's POV
Nakamukmok ako sa aking kwarto habang niyayakap ang aking sarili nang marinig na may pumihit ng door knob ang ineexpect kong si Daddy at hindi.
Nagulat ako nang makita kung sino ang nasa harapan ko isa itong babaeng naka itim ang pang baba na sapat na para mabalutan ang katawan at kanyang mask.
"Tumayo ka dyan at sumama ka sa akin." utos pa ng pamilyar na boses.
Lucy.
"Lucy, ikaw ba yan?" pagk-kompirma ko pa.
"Ako nga bilisan mo Mellisa dahil pag sinara ko ang pinto na ito ay mahihirapan na tayo, hindi na akong pwedeng pumasok diyan para alalayan ka at pareho tayong makululong dito." mabilis na sabi niya kaya naman kahit nanghihina na ako ay kinaya ko para lang makatayo.
Nakalabas na ako ng aking kwarto at mabilis niya akong hinila. "Kailangan na nating bilisan nandiyan na ang tatay mo." sabi niya pa. "Tulungan mo ang sarili mo, Mellisa." batid niyang nanghihina na ako sa pagkakataong ito kaya naman naintindihan niya kung bakit hindi ako makapag salita.
Mabilis kaming nakababa hanggang palabas na ng bahay nang makita ko si Daddy tinutukan siya ng baril ng isang babaeng hindi ko kilala.
"Saan niyo dadalhin ang anak ko?" tanong ni Daddy kay Lucy pero hindi niya ito sinagot.
"Nagtanim ako ng bomba sa bahay mo sa oras na sumunod ka samin at nasaktan kami isang pindot ko lang ay patay kana kaya wag ka nang pumalag." sabi pa ng babae habang nakatutok padin ang baril kay Daddy.
Kahanga hanga dahil nakakilos sila ng ganun ka tahimik wala man lang akong narinig na kahit ano pang ingay sa labas. Nakita ko pang tulog na ang iilan sa mga lalaking nakabantay sa bahay namin.
"Mellisa anak." tawag pa sa niya sakin pero nagtuloy tuloy si Lucy sa paglakad ganun nadin ako.
Nang makapasok ako sa loob ay nagulat ako nang makita ko si Reejil na nakaupo.
Sino iyong babae kanina?
Nanghihina na ako kay wala na akong sapat na lakas para kausapin pa si Reejil na ngayon namang inaalayan ako dahil si Lucy ay muling lumabas.
"Lucy bumalik na kayo!" sigaw pa ni Reejil.
Thank you, Lucy.
Muli kong tiningnan sina Lucy at pareho silang may hawak na baril na nakatutok mismo kay Daddy.
Kahanga hanga ang mga galaw ni Lucy, umaatras ito habang matalim ang titig sa kanyang kaharap nakakatakot din ang kanyang mga titig na para bang kaya ka nitong patayin.
Habang ang isang babae naman ay seryoso din na nakatutok ang baril sa aking Ama, kitang kita naman ang takot nito.
Hindi ko kilala kung sino ang babaeng ito pero malinis ang kanyang mga galaw walang mintis at walang iniiwang marka masasabi mong sanay siya sa gawain na ito.
Sino siya?
"Mellisa, are you okay?" biglang tanong ni Reejil tumango lang ako at nag abot siya ng tubig sa akin.
"Inumin mo ito." kinuha ko naman ito agad saka ininom.
Muli akong napatingin sa labas at nakita kong dahan dahan na silang umaatras pabalik sa sasakyan. Walang isang minuto at nakasakay na sila bitbit ako.
"Sa rest house." utos naman ni Lucy at kaagad na nagmaneho ang lalaki.
"Paano ka nakapunta dito gayong bawal ka?" nagtatakang tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomanceWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.