Lucy's POV
Gabi na at naghanda na ako sa plano ko, bago ako naligo ay lumabas muna ako sa para bumili ng mga kailangan kong gamitin.
Sukbit ang baril ay agad akong lumabas ng kwarto ko sumakay ako sa elevator at mabilis akong nakababa ng ground floor.
Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaharurot ito. Mabilis akong nagtungo sa bahay ng lalaking binaril ko noong una.
Nakalock ang gate nito kaya nagiisip ako kung paano ako makakapasok. Maya maya nagdesisyon akong akyatin ang gate na meron siya. Nang makapasok ako ay maingat kong pinihit ang door knob.
Napangiti ako nang makita ko itong nagluluto kaya dahan dahan ko siyang nilapitan at saka tinutok ang baril sa tagiliran niya.
"Kung mamalasin nga naman oh wala ka pang laban nandito na ako." maangas na sabi ko.
"Hayop ka, anong ginagawa mo dito?" galit na tanong niya sakin humalakhak naman ako saka binulong sa kanya.
"Ilang beses mo din pinasok ang bahay ko nag reklamo ba ako?" gigil na tanong ko at idiiin ang baril.
"Wag kang magkakamali nandito ang pamilya ko." banta niya pa.
Nilibot ko naman ang paningin ko at mukhang tahimik ko sigurado akong nasa kwarto ang asawa anak nito.
"Hahaha edi mas pabor sa akin." at napansin ko ang pagkatakot niya.
"Hayop ka talaga." galit na sabi niya.
"Sabi mo e, hayaan mo hindi naman babarilin ulit e. Ito ang tatandaan mo hindi ako ang papatay sayo kundi ang sarili mo." bulong ko "Sabihin mo sa boss mong hintayin niya ang pag bisita ko, sabik na akong makaharap siya." matapang na sabi ko saka mahinang idiin ang baril dahilan para masaktan siya saka ko siya itinulak. Muli ko siyang tinutukan nang baril saka tawa tawang tinalikuran siya. Mabilis akong nakalabas ng bahay nila saka sumakay sa sasakyan pinaharurot ko naman ito sunod na nagtungo sa bahay ni Wilson Henoroso.
Kasalukuyan akong nagmamaneho at agad na nakapasok sa subdivision nila.
"Masyado ka atang mabait para walang bantay tch, malas mo ngayon." bulong ko siya saka tumawa tawa.
Nang malapit nako ay pansin ko ang dalawang sasakyan na nasa labas ng bahay kaya naman nagtago muna ako sa malilim na lugar.
Nagtagal ng ilang minuto bago ako nag desisyong pumasok sa likod ako dumaan dahilan para walang makakita sa akin. Sa sobrang swerte ko ay nakabukas ang gate nila saka tawang tawa akong pumasok.
Nagulat ako nang may makita akong isang napakagandang garden na para itong paraiso. Sa buong buhay ko ay ito ang pinakamagandang nakita ko. Natigilan ako nang masagi ko ang isang bulaklak na kulay asul agad ko itong pinutol saka isinukbit sa aking tagiliran.
Mabilis akong napasok sa buong kabayan ng Henoroso napangiti ako nang makitang madilim dito hudyat na pwede akong lumusob.
Dahan dahan akong umakyat sa hagdan at naguluhan pa ako kung saang dito ang kwarto ni Wilson Henoroso. May isang kwaro sa bandang kanan na may bulaklak sa labas batid kong kwarto ito ni Mellisa hindi siya ang aking ipinunta dito kaya mabilis akong lumingat papunta sa kaliwa na kwarto.
Dahan dahan kong pinihit ang door knob at bumungad sa akin ang office ni Wilson Henoroso. Nakita ko pa sa sofa na natutulog.
Wala naman akong balak na gisingin siya. Agad kong inilabas ang papel na aking sinulat kanina gamit ang dinurog durog na water color na kulay pula dahilan na mag mukha itong dugo.
Mahimbing ang tulog niya bagamat kailangan ko nang bilisan baka nandito si Mellisa at makilala niya ako.
Mabilis kong inilapag ang papel na iyon sa tabi mismo ni Wilson saka itinabi sa kanya ang bulaklak na pinitas ko sa labas ng bahay nila. Saka ako maingat na lumabas ng office niya nanatiling tahimik ang kabahayan kaya swerte ako.
Nalakabas na ako ng bahay nila kasabay noon ang pag patak ng mahinang ulan kaya binilisan ko pag labas dito hanggang makasakay ako sa kotse ko.
Nagmamaneho ako nang mapansin ang dalawang tao na naghahalikan sa di kalayuan walang iba kundi si Melissa at Allyson batid kong hindi nila nakikita kung sino kasi bukod sa madilim ay tinted ang sasakyan na meron ako.
Binilisan ko nalang pagmamaneho ko para makalabas ng subdivision nila bumuntong hininga pa ako saka pinaharurot ang sasakyan para makabalik agad sa renting cars. Kailangan kong ibalik ang sasakyan na ito tinanggal ko ang plate number nito kaya naman alam kong hindi nila makilala kung sino ang pumasok sa bahay nila.
Nang makarating ako doon ay agad kong ibinalik ang kotse saka umuwi na ng hotel.
Papasok na sana ako nang makita ko si Allyson nakaupo sa may lobby ng hotel na tila ba may hinihintay. Naglakad ako bg deretsyo saka niya naman ako tinawag.
"Lucy.." tawag niya sa akin nilingon ko siya saka tinaasan ng kilay.
"Can we talk?" tanong niya
Agad ko namang napansin ang tingin ng mga tao dahil sa medyo malakas ang pakasabi ni Allyson.
"We already did earlier." walang ganang sagot ko.
"May importante akong sasabihin." saka ko siya pinuntahan.
"Pwes wag mo dito sabihin." saka ako naunang lumabas ng hotel at tumungo ulit sa kioks sa harap lang ng hotel.
"Gusto ka naming tulungan ni Melissa sa kaso mo laban sa mga Henoroso." sabi niya at nanggigil ko naman siyang tiningnan.
"Hiningi ko ba ang tulong nyo?" galit na tanong ko.
"Hindi alam kong tatanggihan mo ito pero-" di niya natatapos ang sasabihin niya nang sumabat ako.
"Alam mo pala e."
"Kilala ni Melissa kung sino ang doctor na may hawak ng medico-legal." sabi niya saka naman ako nagulat.
Kilala niya?
Muli akong napaisip isa sa mga dahilan kung bakit ako nandito ay para hanapin ang doctor na iyon panong nangyaring kilala iyon ni Melissa.
Sabagay, personal doctor siya ng mga Henoroso malamang kilala niya nga ito.
"Anong ibig mong sabihin na tutulungan ninyo ako?" nagtatakang tanong ko.
"Minsan mo na akong iniligtas at tinulungan gusto ko lang gumanti sa iyo pagkatapos ng laban mo ay titigil nako." seryosong sabi niya.
Inalok ko ang aking kamay sa kanya at nagsalita. "Deal." saka kami nag shake hands.
Isa sa mga problema ko kung paano ko mahahanap ang doctor na iyon ngayon sa wakas makikita ko na siya ngayon ko masasabing 100 percent akong mananalo sa kasong ito.
Tinalikuran ko siya saka ako pumasok sa hotel at mabilis na tumungo sa aking kwarto.
Nakarating ako sa kwarto agad kong kinuha ang aking phone para etext si Reejil.
"Pumunta ka na dito at may balita nako sa doctor na iyon."
Ngumiti pa ako saka nag pasyang mag asikaso para matulog.
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomanceWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.