TULONG

81 7 0
                                    

Lucy's POV

Isang linggo ang nakakalipas matapos akong manalo sa kaso ay tila lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon ay napakomplikado.

Flashback

"Maraming salamat, attorney." umiiyak na sabi ni Aling Maring. "Nawawalan ako ng pag asa noon pa man dahil tila lahat ng abogado ay ayaw tanggapin ang kaso ng aking anak pero ikaw." umiiyak parin na sabi niya.

"Wala po yon, masaya akong natulungan ko kayo." ngiti pang sabi ko at niyakap niya naman ako.

Agad ko namang pinuntahan si Joe Rosales na tila nakaupo lang sa isang tabi.

"Thank you for doing this hindi mo alam kung gaano mo pinasaya at binigyan ng pag asa ang pamilyang iyan." turo ko kina Aling Maring.

"Wala yon besides konsensya ko din iyon." natatawang sabi niya.

"I keep my promise, hintayin mo nalang akong makabalik sa Samar para sa balita." pero nagulat ako nang hawakan niya aking kamay.

"Masaya ako na nakatulong, alam mo i enjoyed the journey of being a doctor and it's enough." malumanay at ngiting sabi niya. "It's more than enough for me. Sa totoo lang hindi naman talaga iyon ang pangarap ko e." malungkot na sabi niya.

"What do you mean?" nagtatakang tanong ko.

"Masaya nako sa kung anong meron ako ngayon and magiging masaya lalo kapag nagawa ko na yung gusto ko. Hindi mo na kailangan mag abala."

"Hindi ko maintindihan."

"Iba ang gusto ko at hindi ang pagiging Doctor."

"Ibig mong sabihin-" di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang tumango siya at magsalita.

"Yes. Masaya akong natulungan ko sila at masaya din akong nagtagumpay ka." ngiting sabi niya.

"Salamat." at ngumiti din ako sa kanya.

Sabay sabay kaming lumabas at nakita ko kung gaano kagalit si Congressman Henoroso kay Atty. Loyola.

Dismayado ka kaba?

Natawa nalang ako sa naiisip ko habang naglalakad kami ay napansin ko ang naiwan kong susi hindi ako nagpaalam at bumalik ako ng court room. Nakita ko ang susi kong saan ako nakaupo.

Naglalakad ako nang marinig kong magsalita si Congressman Henoroso sa aking likuran.

"Hindi pa tayo tapos." makapangyarihan na sabi niya.

Napalingon naman ako saka ngumisi.

"Kung ako sayo mag hanap ka ng abogadong kapangalan ko sa ganun may chance kang manalo." mayabang pang sabi ko saka siya tinalikuran.

Bumuntong hininga naman ako, sa totoo lang hindi madali ang pinasok ko lahat ng tao sa paligid ko ay pwedeng mapahamak. Mabilis akong naglakad palabas tinawagan ko naman si Reejil.

"Nasan kana?" tanong ko pa.

"Ihahatid ko muna sina Aling Maring pauwi ng Samar kasama si Joe." sabi niya pa.

"Buti naisip mo yan."

"Tch akala mo sakin walang isip?"

"Tf may sinabi ba akong wala kang isip?"

"Yeah yeah." pagtatapos niya sa usapan saka pinatay ang tawag.

Baliw

Panatag na ako ngayong makakasama na ni Aling Maring ang kanyang anak at higit sa lahat hindi na silang pwedeng galawin ni Henoroso dahil makakasuhan siya.

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon