CHAPTER 15

104 7 0
                                    

Lucy 's POV

Maaga akong nagising dahil sa maingay na tumutunog kong cellphone inis kong sinagot ang tawag na nangagaling kay Reejil.

"I have something to tell you, this is all about Henoroso-" di niya natatapos ang sasabihin niya nang sumabat ako.

"Magkita tayo ngayon, mag-aayos lang ako. Sa Tatias Coffee Shop." at ibinaba ko na agad ang tawag.

Dali dali naman akong bumangon sa kama at naligo pagkatapos ay naglagay lang ako ng make up sa mukha saka nag pasyang lumabas.

"Ma'am nakaluto na po ako ng breakfast, kumain po muna kayo." nakangiting panimula ng aking kasambahay.

"Good morning, may lakad ako. Kumain ka dyan and lock the door hangga't wala pa yung guard na nakaduty sa labas." bilin ko pa.

"Yes ma'am.." nakangiting sagot niya saka naman ako tumango tango at kaagad na umalis.

Sumakay ako sa aking sasakyan saka naman ito mabilis na pinaharurot. Hindi ko alam ang pakiramdam ko ngayon tila madami at importante ang balitang dala ni Reejil.

Agad akong nakarating sa coffee shop at lumabas na ng sasakyan, papasok na ako nang makita ko si Reejil na nakatingin sa phone niya na kaharap ng isang laptop.

"Sit, you want some?" alok niya saakin agad namang may lumapit sa akin at nag order ako ng drinks.

Hindi ako mahilig sa coffee, gusto ko pag gising ko ay soda agad ang bubungad sa akin.

Everything that kills me makes me feel alive.

Maya maya ay ibinigay na aking drink agad ko naman binigay ang aking bayad saka tumingin kay Reejil.

"Trial, next week." panimula ko

"Yeah, are you ready?" tanong niya pa sa akin.

"Reejil, kailangan na mahanap ko sa takdang panahon ang doctor na nandoon at may hawak medico-legal." seryoso ani ko.

"Hindi madaling mahanap siya Lucy ganoong sabi mo na natanggalan siya ng lisensya." nawawalang pag asang sabi niya.

"Alam ko kaya nga ako nagpapatulong sayo diba? Besides alam ko naman na matutulungan tayo ng kapatid mo hindi ba?" nakangiting tanong ko.

May nakakatandang kapatid si Reejil na siyang doctor sa Maynila, alam kong ayaw ni Reejil na mainvolve sa kasong ito ang kanyang kapatid pero kailangan ko siya.

"Lucy, natatakot ako para sa kanya." agad na sabi niya at napalunok naman ako.

"Alam ko, ako den naman natatakot ako lalo na madadamay siya sa kasong ito pero pinapangako ko sayo ni isang letra ng pangalan niya ay walang siyang ilababas, Reejil just trust me." nakangiting sabi ko.

"Anong binabalak mo?" tanong niya.

"Sabi nila, ang mga abogado ang may pinakamadaming kasalanan sa mundo. Dahil lang sa nasisinungaling tayo at sa ipinaglalaban naten ang hindi tama." seryosong ani ko. "Pinanganak tayong hindi tanga tanga at mas lalong lalaki tayong hindi tatanga tanga." dagdag ko pa.

"The hell, ang mga kasalanan ay kapatid na natin." natatawang biro niya.

Natawa nalang din ako saka nagsalita. "Total nandito na tayo at di na tayo mapapatawad ng diyos sa ginagawa natin lubos- lubusin na." at nakatingin ako sa labas ng shop.

"Lucy, so far ito ang pinakamalakas na kasong hahawakan mo si Atty. Loyola ang makakalaban at hindi ang isang Henoroso.

"Sinong Loyola, yung Tito ni Laura?" nagulat na tanong ko

"Ah huh." tangong tango na sagot niya.

"Pambihira, siya pala iyong nasa elevator." natatawang biro ko.

"Nahihiya nga sayo si Laura sa dami ng taong pwede mong kalabanin iyon pang kamag anak niya." sabi niya nakataas naman ang kilay ko.

"Kaya ba hindi siya nagpapakita sa akin?" masungit na tanong ko.

"Alam nating dalawa na malakas si Loyola, walang pintis iyon kung makipagdebate sa korte ultimo pagsisinungaling ay normal sa kanya."

"Tch."

"May anak na babae si Atty. Henoroso-"

"Wala bang bago?" inis na tanong ko

"And i know her name." pabitin pa na sabi niya

"Ano?" walang ganang tanong ko

"Mellisa.." tila nabingi ang ako sa narinig ko.

"Mellisa?" nagtatakang tanong ko at saka niya inikot ang laptop ang nakita ko ang litratong nandoon. Walang iba kundi si Melissa, si Melissa na girlfriend ni Allyson.

"Siya ang nag iisang anak ni Wilson Henoroso, ang nag iisang heredera ng mga Henoroso simula nang mamatay ang anak ng Congressman."

"Panong nangyari?-"

"Do you know her?" tanong niya at tumango tango naman ako.

"Nagkakilala din kami sa Samar."

Pero paano? Alam ba ito ni Allyson gayong alam niya na hawak ko ang kaso ng mga Henoroso.

"Kaya siguro di mo alam na Henoroso siya kasi ang apelyidong gamit niya ay galing pa sa kanyang ina na namatay." panimula niya.

"What do you mean?" naguguluhan na tanong ko.

"Ang alam ko ngayong siya nalang ang nagiisang heredera ay gagamitin niya na ang apelyido ng kanyang ama which is the Henoroso. Hindi siya nabigyan ng pagkakataon na magpalit noon dahil sa sinasabing anak siya sa labas ni Wilson." seryosong kwento niya. "Nagpakasal si Wilson Henoroso pero namatay ang babae hindi siya nagkaroon ng anak doon pero hindi pumayag ang pamilya ng babae na magkaroon ulit ng asawa si Wilson kaya nakipag relasyon siya kay Melsey Page isang sikat noon sa Samar at nagkaroon sila ng anak na ngayon ay si Mellisa Page. Kalaunan ay namatay din si Mesley sa sakit na Cancer." mahabang kwento niya.

"Kung ganoon ayaw ng Congressman na si Melissa ang magmana ng lahat ng meron sila?"

"Hmmm exactly, pero nagbago iyon nang mamatay ang anak ni Congressman Henoroso. Malakas sila, Lucy. Sila ang nagmamay ari ang pinakamalapad at pinakamahabang Hacienda hindi lamang sa Samar at Leyte kundi pati naden sa Surigao Del Sur at Norte kung saan nakatira ang kanilang Ina."

Napalunok naman ako. "Ano pang meron sila?"

"Ang Congressman din ang may hawak ng pinakamalakas na Casino sa iba't ibang bansa."

"Kung ganun saan nanggaling ang salitang malakas siya?"

"Lucy, mahihirapan ka sa kaso mo kung ganoon paano naging magkaibigan sina Robert at Patrick na nasa magkaibang katayuan sa buhay?"

"Hindi ba pwedeng magtiwala ka nalang?" naiinis na tanong ko bumuntong hininga lang siya saka naman saka tumango tango.

Tinapos ko ang aking drinks saka ko ito padabog na binagsak.

"Thanks.." at agad ko siyang tinalikuran.

Mellisa Page Henoroso?

Napabuntong hininga ako saka tumuloy sa pag alis.

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon