Mellisa's POV
Dalawang araw makalipas ang nangyari nandito ako sa bahay namin at naka kulong hindi ako makalabas ng bahay dahil sa dami ng bantay ni hindi din ako makalabas ng kwarto ko dahil naka lock ito sa labas.
I'm sorry Allyson...
Alam kong kasalanan ko ito lahat wala man lang akong magawa, sa ugali na pinakita ni Daddy hindi ko man lang naisip na gagawin niya iyon.
Bata pa lang ay masasabi ko nang mahal na mahal ako ni Daddy ang hindi ko lang matanggap ang ginawa niya ngayon kay Allyson.
Flasback.
Nagulat ako nang may mga grupo ng lalaki ang kumuha sa akin sa bahay at dali dali nila akong isinakay malaking van.
"Ano ba sino kayo, anong kailangan niyo sa akin?" malakas na tanong ko.
"Pinaguutos lang po ng Daddy niyo." sagot pa ng isa.
Si daddy? Bakit kailangan pwersahan akong dalhin dito. Bigla naman ay nakaramdam ako ng kaba.
Hindi kalayuan ay huminto ang van hudyat na nandito na kami nanlumo nang makita ko si Allyson na sugatan at punong puno ng dugo sa mukha.
"Dad?" gulat at naiiyak na tawag ko. "Dad anong ginawa mo?" sigaw ko pero tila wala siyang naririnig. Sumenyas naman si Daddy at hinawakan ako ng mga lalaki na para bang wala na akong kawala.
"Ito ang kapalit ng pag suway mo sa akin, Mellisa." galit na sagot niya sa akin.
"Dad.. i can't believe...Why?" umiiyak na tanong ko at tumingin ako kay Allyson.
Umasta akong lalapitan si Allyson pero hinawakan ako ng dalawang lalaki. Lumapit naman ang ibang ilang lalaki kay Allyson saka ito pinagkakaisahan.
Kitang kita ko sa mukha niya ang sakit at pagod.
"Allyson!" malakas na sigaw ko habang umiiyak.
Pero wala akong nagawa nung mga oras na iyon kundi ang panoorin siyang masaktan.
Allyson...
End of Flasback.
Umiiyak akong inalala ang nangyari. Kamusta kana Allyson please kayanin mo.
"Allyson..." umiiyak na bulong ko.
Napaupo ako sa sahig at niyakap ang aking sarili nababalutan ng dilim ang aking buong kwarto dahil sa walang ilaw.
Bago ako dinala dito ay sinugurado nilang hindi ako makakatakas.
Umiiyak kong sinasabunutan ang aking sarili saka unti unting bumukas ang aking pinto.
Nakatalikod ako sa pinto kaya hindi ko alam kung sino ito pero tanging alam ko lang ay si Daddy.
"Sana maintindihan mo kung bakit ko ito ginagawa." panimula niya pero hindi ko siya pinansin bagkus nag tuloy tuloy lang ako sa pag iyak.
"Para sa iyo ang lahat ng ito anak." sabi niya pa at nainis naman ako.
"Hindi ko kailangan ng lahat ng yan mas lalong hindi ko kailangan ng pera niyo!" malakas na sigaw ko.
"Pag nawala ako ay maiiwan na kita wala na nga ang Mommy mo at wala ka nang makakasama. Gusto kong magkaroon ka ng sarili mong pamilya anak, at higit sa lahat yung hindi ka iiwan." sabi niya. "Ginagawa ko ito para sa iyo at para sa ikakaganda ng buhay mo." dagdag niya pa.
"She's my life." maikling sagot ko. "Si Allyson ang buhay ko." at napansin ko naman ang pananahimik niya.
"Hindi ko na hawak si Allyson ngayon.." sabi niya at nagulat ako.
"Anong ibig ninyong sabihin?" at lakas akong tumayo at hinarap siya.
"Hawak na siya ng tito mo." sabi niya at lalo akong napaiyak.
"Walang hiya kayo!" iyak na sigaw ko at saka ko siya nilapitan saka sinuntok suntok sa dibdib. "Wag kayong gagawa ng masama kay Allyson kapag may nalaman pa ako ay ako mismo ang puputol ng buhay ko." sabi ko at nagulat naman siya.
Pero ang akala kong may sasabihin siya ay wala, dahan dahan siyang lumabas ng kwarto ko at saka na naman ito nilock.
Napaupo ako sa likod ng aking kwarto saka muling niyakap ang sarili habang umiiyak.
"Sobrang dami ko nang nagagawa kasama ka Allyson, please stay strong, please stay alive..." umiiyak na sabi ko sa aking sarili.
Wala akong magawa ngayon nanghihina nadin ako dahil hindi ako kumakain tanginh tubig lang ang laman ng aking tiyan. Simula nung mga araw na yon ay wala na akong ganang kumain.
Lumingon pa ako sa labas at nakita kong umuulan mas lalo akong naiyak sa sitwasyon ngayon ni Allyson.
Kasalanan ko lahat ng ito.
Umiiyak akong tumayo tumungo pa ako sa aking bintana nang makitang sobrang dilim na kaya na binuksan ko ang aking ilaw para magkalungkat ng gamit.
Hindi ako makatawag ng tulong dahil kinuha ni Daddy ang aking phone pero nagkaroon ako ng lakas nang maalala ko ang aking laptop.
Naiiyak ako kinuha ito at binuksan.
Thanks God.
Agad kong inisip kong anong gagawin ko. Si Lucy.
Agad ko siyang hinanap para makausap ito. Ilang oras pa ang makalipas at nag message ako sa mismong page ni Lucy at tanging ang moderator nito ang sumagot sa akin.
Please Lucy...
Ilang oras akong nakatulala nang tumunog ang aking laptop.
Lucy's calling•
Agad ko itong sinagot at nagulat pa siya pa nang makita ang aking sarili sa camera.
"What happened, ilang araw kitang tinatawagan bakit walang sumasagot sa akin. Nasan si Allyson?" kaagad na tanong niya.
"Lucy, please help.." nanghihina na sagot ko.
"Anong nangyari?" naiinis na tanong niya.
"Nasa kamay ngayon ni Congressman Henoroso si Allyson please do something baka patayin nila si Allyson."
"Nasan ka?" nag aalalang tanong ko.
"Hindi ako makalabas ng bahay nakakulong ako dito." malakas na sigaw ko at biglang bumukas ang pinto.
"Who are you talking to?" nagulat ako nang sumigaw si Daddy.
Mabilis siyang tumingin sa akin nang may galit at saka kinuha ang laptop nakita ko pa kung paano niya ito binagsak sa sahig dahilan para masira ito.
"Sa ginagawa mong yan mas lalo akong nagagalit, Mellisa. Desperada kana pag dating sa babaeng iyon!" malakas na sigaw niya.
"Oo desperada na ako anong namang tawag sa inyo demonyo?" sabat ko at nagulat ako nang sampalin niya ako.
"Yan ang hinihintay ko ang sampalin niyo din ako hindi ba wala naman kayong nagawa nung ilang beses akong sinampal ng kapatid mo?" naiiyak na sabi ko at nakita ko sa mata nya na umiwas siya sa tanong na iyon. "Ngayon mo sabihin para sa akin lahat ito? Kung pera lang naman ang para sa sakin pwes ayoko ng pera mo!" malakas na sigaw ko dahilan para manggalaiti siya sa galit.
Walang awa niya akong tinalikuran at muling binagsak ang pinto ng aking kwarto.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak pinagtatapon ko ang mga gamit nasa taas ng aking table sa sobrang inis. Galit na galit ako sa sarili ko kasi wala akong magawa.
Allyson i'm so sorry....
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomanceWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.