Mellisa's POV
Umiiyak ako nang maalala ko lahat ng nangyari sobra akong natakot pero kahit ganun ay nagtiwala ako kay Lucy.
Nandito ako ngayon sa Hospital dahil dinala namin si Allyson nakasalubong ko pa ang pamilya ni Allyson.
"Kung balak mo ulit na ipahamak ang anak ko, please lang nag mamakaawa ako tigilan mo na siya." iyak na sabi ng kanyang ina sa akin.
"Alam ko pong pamilya ko ang may kapana ng lahat ng iyon pero maniwala po kayong wala akong kinalamaan doon." umiiyak pang sagot ko.
Umiling iling pa siya bago ako sinagot. "Dalawang beses nang napahamak ang anak ko noong una ay kagagawan din ng tatay mo ngayon naman ang Congressman." umiiyak na sabi nito. "Kaya nag mamaakaawa ako sayo bilang ina layuan mo na ang anak ko." saka niya ako tinalikuran.
Napaupo ako sa sobrang sakit nanghihina na ako at mas lalo akong naghina sa sinabi niyang iyon.
"Mga nagbabagang balita." napatingin pa ako sa isang malaking digital na tv na nasa harap ko. "Arestado ang Congressman ng Samar na si Congressman Henoroso matapos ang pag akusa ng kasong Kidnapping sa isang business woman na si Allyson Gedotee. Ngunit malungkot na balita ang Congressman ay pumanaw matapos may isang hindi nakikilalang sniper ang bumaril sa gitna ng pag aresto dito." napatakip ako ng bunganga ko saka ako umiyak.
Halo halong emosyon ang naramdam ko sakit, inis, at galit. Hindi ko naman naiwasang mag alala kay Daddy.
"Dagdag na balita kasama si Atty. Wilson Henoroso na kapatid ng Congressman ay kinasuhan ng Kidnaping at inaresto sa mismong bahay nito." hindi ko alam ang mararamdam ko nung mga oras na ito.
Gulong gulo ako nung mga oras na iyon wala sa sariling lumabas ako ng Hospital, wala akong sapat na lakas para harapin ang mga tao.
Palabas nako ng hospital nang makita ko si Lucy na nakasandal sa kotseng puti agad ko naman siyang nilapitan.
"Lucy... I'm sorry." saka naman siya matalim na tumingin sa akin.
"Hindi mo kasalanan yon Melissa, wala kang ginagawa masama."
At nagsimula naman akong umiyak. "Lucy ang gulo na, halo halo na naramdam ko ang sakit na ng ulo ko kakaisip."
"Naiintindihan kita, sumakay kana ihahatid kita sa inyo." saka niya ako pinagbukas ng sasakyan.
Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan at wala padin siyang imik. Nakatulala naman akong naka tingin lang sa daan.
Maya maya ay nakarating na kami sa bahay nauna naman siyang bumaba saka ako pinagbuksan ng pinto.
"Magpahinga kana, mag ingat ka." bilin niya pa sa akin.
"Lucy.." tawag ko sa kanya saka naman siya lumingon.
"Sa oras na wala nang para kay Allyson please, be with her." nagmamakaawang pakiusap ko.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Madami nang tao ngayon ang galit sa akin, at nangako ako sarili kong makita lang natin siyang buhay ay ako na mismo ang lalayo sa kanya."
"Ipaglaban mo siya, mahal mo siya hindi ba?" at tumango lang ako.
"Hindi importante ang sinasabi at opinyon ng ibang tao basta alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawa masama ipaglaban mo." saka niya ako tinalikuran.
Pinaandar niya ang makina ng kanyang sasakyan saka pa bumusina sa akin ng tatlong beses.
Tumingin pa ako sa langit bago ako pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko pa ang isang tasa na nakalapag sa sala.
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomansaWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.