WILSON HENOROSO

64 7 0
                                    

Reejil's POV

Maaga akong nagising at nagulat nang makita ko si Mellisa na nakaupo sa labas kaya naman agad ko siyang nilapitan.

"Good morning.." bati ko pa at nakangiti siyang lumingon sa akin.

"Good morning." matipid na sagot niya.

Umupo naman ako sa tabi niya. "Kamusta na kaya si Allyson." mahinang tanong niya sa akin.

"Magtiwala ka nalang kay Lucy, mahahanap din natin siya." nakangiting sabi ko pa saka naman siya ngumiti sa akin.

"Pagkatapos ng mga nangyare sa amin pakiramdam ko lahat ng ito ay kasalanan ko." sabi niya at hindi naman ako nagsalita. "Noon pa man ay ayaw na ni Daddy sa kanya pero pinaglaban ko siya kasi siya ang buhay ko hindi ko kaya nang wala siya." dagdag niya pa at nag simula siyang maging emosyonal. "Kaya pinapangako ko makita lang natin siyang buhay ay puputulin ko na lahat."

"What do you mean?"

"I'm blaming myself for what happened."

"Pero hindi yon sapat na rason para iwan mo siya sa tingin mo ba kung maririnig nya yan ngayon matutuwa siya?" pagalit na sabi ko.

"Hindi ko alam." walang ganang sagot niya.

"Bakit ganyan ka mag isip?" inis na tanong ko.

"Isn't stupid?" balik niya ng tanong sakin.

"You stupid." malakas na sabi ko at hindi naman siya nakapagsalita.

Nangingibabaw ang katahimikan sa aming dalawa nang may magsalita sa likuran namin.

"Kailangan na nating maghanda, Mellisa." si Lucy at tinawag niya naman si Mellisa agad naman itong sumunod sa kanya.

Pumasok sila sa loob ng bahay at nagulat nang makita ang mga nagsisidatingang mga lalaki na nakasakay sa itim na kotse nakahinga ako ng mahulog nang makita kong may sign ni Supre ang kotse.

Pumasok ako sa loob para ibalita kay Lucy na may mga tao na sa labas nakita ko naman siyang naglilinis ng baril.

"Ilang tao na ang namatay diyan?" birong tanong ko.

"Wala pa ikaw ang mauuna." biro niya din.

"Don't worry di ko hahayaang mangyari yan." bigla naman na sabat ni Tati kaya nagtawanan lang sila ni Lucy.

Maya maya ay nagsimula na silang magasikaso nauna si Mellisa sa baba na nanatili pading nakatulala.

"Tara na, Reej kay Tati kana sumakay. Let's go Melissa." at nauna naman silang umalis ni Melissa.

Kasalukuyan naming sinusundan ang kotseng kulay puti ngayong dala ni Lucy nang mapansin kong may nakasunod sa amin. Sinubukan ko pang tumingin sa side mirror nang may mapansin akong naglabas ng baril. Nagulat ako nang inilabas ni Tati ang kanyang ulo sa bintana saka nagsimulang magpaputok.

Nagtuloy tuloy ang pagpapaulan ng bala sa amin saka din matapang na sinalo ito ni Tati. Nagulat pa ako nang makitang may bumagsak na isang lalaki galing sa sasakyan ng mga ito at saka ito tumawa.

Ang akala ko ipapasok niya ang kanyang ulo ay hindi kalahati na ng kanyang katawan ang nasa labas at aaminin kong natatakot ako dahil hindi biro ang ginagawa niya.

"One.. Two.. Try again later." pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagulat ako nang biglang umusok ang kotse na para bang nasusunog ang makina nito. Umusok at nabutas ang mga gulong ng mga ito.

Pambihira paano niya nagawa iyon?

Pagkatapos noon ay ipinasok niya na ang kanyang katawan sa loob saka pinagpag ang animo'y alikabok sa kanyang damit.

Binilisan ko ang pagmamaneho nang mapansin kong huminto si Lucy. Nang makatapat naman kami sa kanila saka niya ibinaba ang suot na sun glasses.

"Kamusta ang shooting?" tanong niya pa kay Tati.

Ngumisi pa si Tati saka nagsalita. "Mahina."

Napatingin pa ako kay Mellisa na gulat na gulat sa nangyari.

Talagang mahina pa iyon?

Tumawa pa si Lucy saka pinaharurot ang dalang sasakyan.

Hanep sa yabang, akala siguro ay siyam ang buhay.

Napansin kong pamilyar ang daan na tinatahak namin papunta ito sa bahay nila Wilson Henoroso.

Nang makarating kami ay agad na bumaba si Lucy kasama si Mellisa na hawak hawak sa kamay.

Nilapitan ko naman sila at nagsimula nang maging emosyonal si Mellisa.

"I'm doing this for you isipin mo nalang pagkatapos nito makikita na natin si Allyson." sabi niya pa kay Melissa.

"Gawin mo lahat ng kailangan mong gawin don't mind me." natatakot na sabi niya at nagsimula siyang hawakan ni Lucy sa leeg na kunware ay hostage.

Agad kaming nakapasok sa gate dahil sa isa lang ang bantay nito ngayon. Sinipa naman ni Lucy ang pinto dahilan para makapasok sila.

"Go.." hudyat kay Mellisa.

"Daddy!!" sigaw nito at mabilis na bumukas ang pinto ng isang kwarto sa taas.

"Mellisa, anak. Hayop ka anong ginawa mo sa anak ko?"

"Hindi masasaktan ang anak mo pag kumanta ka."

"Ano bang gusto niyo?"

Pababa na si Wlison at napatingin naman ako kay Tati na nagsindi pa ng yosi habang nakaupo sa sofa.

"Nasan si Allyson?" tanong ni Lucy

"Melissa you betrayed us para sa mga taong iyan ngayon sino ang traydor hindi ba sila?" malakas na tanong nito sa anak habang umiiyak ito.

"Magd-drama kapa ba dito, isang tanong isang sagot nasan si Allyson?" nanggigil na tanong ni Lucy habang nakatutok padin ang baril sa ulo ni Mellisa.

"Wag mong saktan ang anak ko." natatakot na pakiusap nito.

"Sagot!" sigaw ni Lucy.

"Nandon siya ngayon sa isang abandonadong casino ng Congressman sa Calbayog City." mabilis na sagot niya.

"Sa oras na mabawi ko si Allyson, ipagdasal mo na mabait pa ako dahil kung hindi isang putok ng baril mawawalan ka ng anak." panakot pa nito kay Wilson.

Naunang lumabas si Lucy dala dala padin si Mellisa.

"Daddy!" kunwareng takot na sigaw ni Mellisa.

"Mellisa anak!!!" sigaw nito habang naglalakad.

Nanatili akong nakatingin kay Tati na ngayon ay nakaupo pa din sumenyas naman ako sa kanya saka siya naglakad palabas.

Nauna na namang umalis sina Lucy kasama si Mellisa saka naman kami sumunod.

Maya maya ay nakatanggap kami ng text kay Lucy.

"Ako na mag isa ang pupunta ng Calbayog." at pinakita mo naman ito kay Tati saka naman siya nagkibit balikat.

"Then go she's Lucy Haya Galvez, wala siyang hindi kayang gawin it's her time to shine."

Wala naman akong nagawa kundi ang manahimik nalang hindi naman ako mananalo sa kanilang dalawa pero tama din naman si Tati. Hindi basta basta si Lucy kaya ka niyang paslangin nang walang gamit na armas.

Kilala ko si Lucy, malakas ang loob nito at alam kong kaya niya ito.

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon