ONE WEEK BEFORE TRIAL

90 7 0
                                    

Lucy's POV

Nakaupo nang matanggap ng text kay Reejil, sigurado akong nandoon siya ngayong kung saan naroon ang kapatid niya.

"Lucy, anong pangalan ng Doctor?" napailing iling nalang ako.

Palpak talaga kahit kailan pupunta nalang doon wala pang alam. Buntong hininga ko siyang nireplyan.

Pagkatapos ay pumasok na ako ng aking kwarto para maligo mag gagabi na at walang akong ibang iniisiip kundi ang paparating kong trial.

Nagpapahinga ako nang makarinig ako ng sigaw ng isang babae sa baba batid kong ang aking kasambahay ito. Agad akong bumaba dala ang aking baril.

Nagulat ako nang nakatakip na ang bibig neto habang nasa likod nito ang aking Guwardiya. Bababa na sana ako nang may magsalita sa likod ko.

"Walang hiya ka, malas mo ngayon at di mo ako tinuluyan kaagad noon." Malakas na sigaw ng lalaking binaril ko nung nakaraan.

"Hanep, buhay kapa?" natatawang biro ko.

"Ang tapang mo din no?" tanong niya sakin at saka ako tumango tango.

"Oo naman di naman ako kasing duwag mo." sabi ko pero bigla kong nakitang nainis siya sa sinabi ko.

"Hahaha paano mo kayang ililigtas ang buhay ng mga ito ngayon ha?" matapang na tanong niya habang natutok ang baril sa kasambahay ko. Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko at may mga kasama siyang nakatayo lang at tila nanonood sa amin.

"Ganyan kaba ka duwag? Ako ang ipinunta mo dito diba?" tanong ko.

"Oo naman sabik na sabik na akong mapatay ka." saka siya humahalakhak.

"Pwes wag mo idamay ang dalawang yan, tara dito 1v1." matapang na sabi ko.

Sumalubong ang mga kilay nito at tila nainis sa sinabi ko. Napailing iling naman siya nang makitang umiiyak ang aking kasambahay.

"Alam mo, kasambahay din ang nanay ko dati kaya kahit paano ay may awa ako rito." sabi niya pa at itinuro ang kasambahay ko.

Hindi ako pwedeng maglabas ng baril dito at nandito ang mga kasambahay ko.

"Ito ang tatandaan mo, magkikita pa tayong muli at sa pagkataong iyon sisiguraduhin kong mapapatay na kita." banta nya sa akin hindi nalang ako nagsalita at dahil nakatingin ako sa dalawang nakagapos.

Tinanaw kong makalabas sila nang bahay saka ako tumakbo papunta sa dalawa. Nakita kong tumutulo ang luha ng kasambahay ko at takot naman ang nakikita ko sa guwardiya.

"Pasensya, siguro mas nakakabuting umuwi na kayo sa kanya kanya ninyong pamilya masyadong magulo ang buhay ko ngayon at hindi ko hahayaang madamay kayo." agad na sabi ko habang tinatanggal ang mga gapos nila hindi naman sila nakapagsalita.

"Hintayin niyo ako.." sabi ko pa at umakyat sa kwarto para kunin ang kanilang mga sahod.

Hindi ko na hahayaang may sumunod pa sa guwardiyang namatay na noong una.

Bumaba ako at nakaupo silang dalawa sa sofa. "Ito ang pang isang taon na sahod ninyo sa oras na matapos ang kaso ko ako mismo ang maghahanap sa inyo para bumalik sa trabaho niyo."  pait na ngiti ko.

"Pasensya po ma'am, wala akong nagawa kanina masyado po silang madami nabalutan na po ako ng takot." paumanhin pa ng guwardiya.

"Hindi mo iyon kasalanan mapapanatag ako pag nakauwi kayo sa kanya kanya ninyong pamilya." sabi ko pa

"Pasensya na po ma'am, may asawa at anak ako." agad na sabi ng kasambahay ko tinanguan ko lang sila.

"Mag iingat kayo." bilin ko saka sila tinalikuran.

Bumuntong hininga akong pumasok ng kwarto ko saka ako nag pasyang matulog na.

Ang hirap hirap isipin na madaming tao ang pwedeng madamay dahil lang sa kasong iyon.

"Kung ganon pinanindigan mo ngang duwag ka Henoroso." bulong ko pa at hindi ko namalayang nakatulog ako.

Kinabukasan ay maaga akong gumsing at tiningnan kung nandito pa ba ang aking kasambahay, bumaba ako ng hagdan nang walang kabuhay buhay ang bahay. Ang lungkot ng aura nito dahil bukod sa walang tao ay napapaligiran ito ng mga memoryang muntik nang makapatay ng tao.

Nakangiti kong inalala ang nakaraang walang bahid ng pag alala ang buhay ko.

Totoo nga ang sinabi nilang kapag naging abogado kana ay hindi kana makakaranas ng tahimik na buhay.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita wala na dito ang aking kasambahay pero nagulat ako nang makitang may nakatakip na pagkain sa lamesa binuksan ko ito at nakita kong mainit pa ang pagkain. Napaangat ang ulo ko nang makita ko ang isang maliit na papel.

"Ma'am naging mabuti ka sa amin, ipagdadasal kong maging matagumpay ka sa kasong meron ka ngayon." nasisigurado kong ang aking kasambahay ang may gawa nito napangiti naman ako.

Ginalaw ko ang pagkain na inihanda niya saka ako naman ako lumabas ng bahay nakita kong paano sumikat ang araw at napakaganda itong tingnan.

Bigla naman akong napatingin sa mga halamang basa pa na tila bagong binyag magaganda ang mga ito at sa araw araw na pamumuhay ko sa bahay na ito ngayon ko pa lamang nakitang may bulaklak pala kaming ganito kaganda.

Nakangiti kong tiningnan ang mga ito at pinagmasdan ang kabahayan. Malaki ang aming bahay pero dahil mag isa lang ako na nandito ngayon nasisiguro kong nagmumukha itong haunted house.

Kahit paano ay malinis naman ang bahay namin walang bahid ng dumi at mas lalong maganda itong pagmasdan ganun malamig sa mata ang kulay nito.

Totoo ngang naa- appreciate mo na lamang ang mga bagay bagay kapag natatakot ka. Aaminin kong natatakot ako pero hindi sa sarili ko kundi sa mga taong nasa paligid ko.

Sa mga magulang ko batid kong nasa ibang bansa sila pero hindi ko padin maiwasan na mag alala ngayong hindi ko naman nasisigurado ang lahat.

Si Reejil, siya ang pinakaapektado ngayon lalo na't alam ng mga Henoroso na siya ang kasangga ko hindi ko maiiwasang isipin na madaming tao ang nakabantay sa kanya.

Si Laura, ang isa sa mga kaibigan kong umiiwas sa akin ngayon dahil lang sa kalaban ko ang kamag anak niya alam ko naman ang nararamdam niya na nag aalala siya saakin pero hindi naman tama na iwasan  niya ako.

Kay supre, alam kong umaasa siyang kahit paano ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak.

Si Aling Maring, alam kong siya ang mas nahihirapan lalo na't usapang anak ang papasukin ko.

At higit sa lahat si Allyson, alam kong may kanya kanya kaming problema ngayon pero hindi ko maiwasang mag alala sa kanya gayong wala siyang alam na Henoroso si Melissa.

Madaming tao ang pwedeng madamay dito pero ipapangako kong hindi ko sila pababayaan.

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon