(DEATH THREAT$)

100 7 0
                                    

Reejil's POV

Nagsimula akong gumalaw para tulungan si Lucy sa kaso niya alam kong hindi ito madali. Kasalukuyan akong nagmamaneho ng sasakyan papunta sa Hospital kung saan naka duty ang aking kapatid.

Nakababa ako ng kotse at nakita kung paano magtilian ang mga babaeng nurse na nakakita sa akin.

Sa pogi kong ito bakit hindi?

"Hi miss.." nakangiting bati ko sa isang nurse pero hindi ito ang inaasahan kong reaksyon niya nang makita ako.

Nakataas ang kilay nito na animo may ginawa akong masama.

"Ano yon?" malamig na tanong niya.

Napalunok naman ako saka nagsalita. "I'm looking for Doctora Regina Casile?" nakangiting tanong ko

"Nandun." at tinuro ang OR

"Nasa OR?" tangang tanong ko

"Hmmm." tangong sagot niya.

Dahan dahan akong tumungo papunta sa pinto ng OR pero agad akong hinarang.

"Excuse me, bawal po kayo dito."

"Ah hinahanap ko lang si Doc. Casile." nakangiting sagot ko

"May operation po siya ngayon, hintayin niyo nalang po siya sa lobby." sabi nito at agad na umalis.

Mga bastos to ah, hindi ba nila ako kilala?

Buntong hininga akong bumalik doon sa kinarooon ng babaeng masungit na nagturo sakin na pumunta ng OR.

"Ah bawal pala doon hehe." tawang tawa na sabi ko

Pero inirapan niya lang ako.

Aba ibang klase.

Kanina lang todo tili ang ibang nurse ah, Pambihira.

Matagal akong nakaupo sa lobby at sobra na nagulat sa dami ng mga pasyenteng nandito.

Isang surgeon ang ate ko, bago siya maging isang doctor ay tulad ko di biro ang ginawa niya. Nakikita ko noon na sobra na siyang nahihirapan sa pag aaral niya pero yon ang pangarap niya ang maging Doctor.

Ngayon isa na siyang ganap na Mang-gagamot hindi ko hahayaang mawala ito sa kanya ang paghihirap para marating ang ano man ang meron siya ngayon. Nagtitiwala ako sayo Lucy. Tutulungan kita na manalo sa kaso.

Maya maya ay may tumapik sa aking balikat hudyat na magulat ako.

"Nakatulala ka dyan." natatawang panimula ni ate.

"Ano kaba, bakit moko ginugulat?" inis na tanong ko nakita kong andaming tao ang nakatingin sa amin ngayon siguro akong nakita nila kung paano ako magulat.

"Para ka kasing baliw dyan tumango tango kapa habang nakatulala." natatawang sagot niya.

"Ate, may kailangan ako sayo." agad na sabi ko.

Paano ko nga pala tatanungin sa kanya kung ganoong di ko naman alam kung anong pangalan ng Doctor na iyon.

"Ano yon?" natatawa parin na tanong niya.

Agad kong nilabas ang phone ko para itext si Lucy at itanong kong anong pagalan ng Doctor na iyon agad naman siyang nag reply.

Joe Rosales

"Hoy ano na?" muling pang-gugulat niya sa akin.

"Ate naman, aatakihin ako sayo sa puso e." naiinis na sabi ko

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon