Allyson's POV
Tatlong araw ang makalipas at hindi padin kami naguusap ni Mellisa kaya nakapagdesisyon akong puntahan ito sa kanila. Nang makarating ako dito ay napansin ko na wala ang sasakyan niya sa garahe pero kahit paano ay tumuloy padin ako.
Nakita ko naman ang kanyang Ama na nakaupo sa sala na may kaharap na kape.
"Magandang araw po."
"Oh Allyson, anong ginagawa mo dito?"
"Nandito po ba si Mellisa?"
"Wala siya dito ngayon, nag enroll kasi siya sa medical school kaya busy siya ngayon." ngiting sabi nito.
Nag enroll na siya?
"Saan po ba siya mag aaral?" agad na tanong ko.
"Sa ibang bansa." sagot nito.
"Pero wala po siyang sinasabi sa akin?" reklamo ko.
"Siya na lamang ang kausapin mo tungkol diyan." pagtatapos niya sa usapan.
"Sege po paki sabi nalang po na pumunta ako." at tumango tango lang ito.
Lumabas ako ng bahay nila at muling sumakay sa aking kotse saka ito pinaharurot. Bukas ang opening ng hotel at gusto ko sanang isama siya.
Tumungo nalang ako sa hotel tiningan ko ang mga tauhan na iniba ang designs. Naging mabilis ang pagbubukas ng hotel dahil sa excited na din ako.
Maghapon akong nasa hotel habang tinitingnan ang aking phone kung tumatawag o nag iiwan ba ng mensahe si Mellisa pero wala.
Ngumiwi lang ako saka nag isip ng iba, pinatuloy ko ang pag bantay sa mga taong nagttrabaho sa loob habang nakaupo.
Nang gumabi ay tumungo akong muli sa bahay nila Mellisa pero hindi ko siya nadatnan doon.
Ganun kaba ka busy?
Kaya umalis akong muli saka nagdesisyon nang umuwi. Nang nasa bahay na ako ay nagulat ako nang makita ko ang aking pinsan na nagttrabaho sa bayan.
"Allyson diba hindi pa naman kayo hiwalay ni Mellisa?" tanong nito kaya nanliit ang mga mata ko.
"Hindi kami nag hiwalay, bakit?"
"Nakita ko kasi siya kagabi sa bar may ibang mga kasamang grupo ng babae baka kaibigan?" tanong niya pa.
"Saang bar?" agad na tanong ko.
"Sa Gracey." walang ano ano'y lumabas ako ng bahay at sumakay sa aking sasakyan mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan saka tumungo sa bar na iyon.
Nang makarating ako dito ay nahirapan pa akong pumasok dahil sadyang mga high profile lang ang nakakapasok dito at bilang isang business woman hindi ko gustong makita ako ng mga tao na nasa loob ng Bar.
"Wala siya dito ngayon, nag enroll kasi siya sa medical school kaya busy siya ngayon."
Naalala ko pa ang linyang iyon na sinabi ng tatay ni Melissa.
Nang makapasok ako dito ay wala akong nakitang Melissa inisa isa ko pa ang mga tao pero wala akong nakita.
Paalis na sana ako nang may narinig akong naguusap at kahit malakas ang music ay parang henyo at naririnig ko padin ito.
"Kilala mo ba si Mellisa Henoroso?"
"Sinong hindi?"
"Nandito siya kagabi at ang ganda niya sabagay ang yaman ng babaeng iyon napakaswerte naman ng magiging asawa non."
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomanceWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.