Allyson's POV
Di ako nag dalawang isip na binaybay ang Samar hanggang Maynila. Isa lang ang pakay ko rito si Lucy.
Gusto ko siyang makausap simula nung makita ko siya noon sa Samar, nag bago ang tingin ko kay Melissa.
Agad kong tinawagan si Lucy.
“Hello?” agad na sagot niya parang nagulat pa siya sa tawag pero may bahid ng lamig ang boses nito.
“Lucy, can we talk?” panimula ko.
“May mental disorder kaba, nung last tayong nagkita winiwish mong sana di tayo nagkakilala ngayon magtatanong ka kung pwede tayo mag usap?” galit na tanong niya sa akin.
“Please, Lucy. I just need to clarify things and i promise after that mananahimik na ako.”pagmamakaawa ko.
“Ano pa bang kailangan mong i-clarify?” inis na sabi niya.
“Just please, talk to me Lucy. parang naiiyak na pakiusap ko.
“Fine, mag usap na tayo ngayon dito. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin.” malakas na sabi niya pero sumingit naman ako agad sa kanya.
“Pero-”
“Ano?”
“I want to see you.”
“Ngayon pa nakaalis nako ng samar?” inis na tanong niya sa akin.
“I'm in Manila right now.“ sabi ko at bigla naman siyang di nagsalita saka pinatay niya ang tawag.
Maya maya ay nakatanggap ako ng text message.
”Send me your location ako na ang pupunta dyan” nasisiguro kong si Lucy ito kaya agad agad ko naman binigay ang location ko.
Maya maya ay may nakita na akong isang sasakyan na pumarada sa labas ng coffee shop kung saan ako narooon inaasahan kong si Lucy na ito kasi iba ang pakiramdam ko para akong kinakabahan. Di nga ako nagkamali dahan dahan bumaba si Lucy sa sasakyan at inayos ang suot niyang blazer saka pumasok.
Parang nags-slowmo bigla at dahan dahan siyang lumalapit sa akin. Nakaramdam naman ako ng pagkamangha ng alam niya agad kung saan ako nakapwesto.
Tatayo na sana ako para alukin siya ng upuan pag lapit niya pero sumenyas siyang wag na at parang sinasabing kaya niya ito.
She's really independent.
Nakaupo siya sa harap ko ngayon at nakataas ang kilay.
“What?” mataray na aniya agad naman akong nag iwas ng tingin.
“Do you want some, coffee?” alok ko sa kanya
“Di ako nagkakape” agad niyang tanggi.
Tumango tango naman ako saka nagsimulang magsalita.
“Hindi na ako magpapaligoy ligoy, di ko alam kung bakit ako nandito. Alam kong nasasaktan ko na si Melissa sa mga actions ko lalo na pag magkasama kami gulong gulo nako Lucy. Hindi ko alam kung infatuated lang ba ako or ano?” seryosong sabi ko. “Noong makita kita umiba bigla ang ihip ng hangin sa akin. Believe me or not pinigilan ko ang isipin ka Lucy, pero dumating ako sa point na pinagk-kumpara ko na kayo ni Melissa.” di ko natatapos ang sinasabi ko nang sumabat siya.
“Gago ka pala e” galit na aniya
“Alam kong mali, alam kong nasasaktan ko siya pero Lucy nagsimula ito noong makita kita.”
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomanceWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.