Allyson's POV
Kasalukuyan akong nandito sa court at nakatingin kay Lucy kanina ko pa siya gustong lapitan pero sadyang madaming tao ang gusto siyang kausapin.
Lalapitan ko na sana siya nang may biglang lumapit sa kanyang isang lalaki na may inabot na tissue at tubig.
And who the hell are you?
Napailing nalang ako saka ako naglakad papunta sa loob ng Hotel umupo ako sa lobby ng hotel at tinawag ang isang staff doon.
"Kilala mo ba kung sino yung lalaking kasama ng abogadong naka duty dyan sa labas?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Mr. Reejil Casile."
"And?"
"Wala na po akong alam tungkol sa kanya." napayuko naman siya.
Bumuntong hininga lang ako saka siya pinaalis. Maya maya ay nakita ko na naglalakad si Lucy alam kong nakita nya ako pero naglalakad syang parang walang nakikita.
"Ang bastos naman ng abogadong di man lang binabati ang may ari ng hotel kung saan siya tumutuloy ngayon." malakas na sabi ko pero natuloy tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa elevator dali dali ko naman hinarangan ng mga braso ko ang magkabilang pinto ng elevator.
Nakapasok ako sa loob at tila wala siyang naririnig at nakikita.
Badtrip naman oh, ganyan siya ka manhid.
Nasa likuran ko siya pero kahit hininga ay wala akong naririnig sa kanya. Tumunog na ang elevator kaya agad akong humarap sa kanya.
"How i wish i never met you.." maangas na sabi ko pero tila wala siyang naririnig lumabas siya ng elevator na walang reaksyon at ni hindi man lang bumangga ang katawan niya sa akin nakalabas siya nang walang bakas ng ingay.
Pambihira.
Inis kung pinindot ang elevator papunta ng ground floor. Mabilis akong naglakad nang makalabas na ako.
"Bukas na huling araw nila dito, naku laking pagsasalamat ko talaga at may ganyang libreng programa ang gobyerno." Malakas na sabi ng matanda na nasa harap ko sinadya kong bagalan ang paglalakad ko para marinig ko ang pinaguusapan nila.
"Sa palagay ko naman ay babalik pa sila dito lalo na't hawak na ni Atty. Galvez ang kaso ni Patrick"
"Oo nga pala, matindi ang kakalabanin nya."
Hawak niya pala ang kaso iyon kakalabanin si Congressman Henoroso.
"Di naman siguro siya pababayaan ni Atty. Casile lalo na matalik niya iyong kaibigan."
I knew it.
Binilisan ko na ang paglalakad ko at nauna na ako sa kanila, sumakay kaagad ako sa kotse ko saka naman tinawagan si Melissa.
Lucy's POV
Maaga akong nagising bukod sa excited akong matatapos na ang mission ay gusto ko din makita kung paano padin ang mga tao ngayong alam nilang pang huling araw na ito.
Nagasikaso kaagad ako at saka ko naman tinext si Reejil na lalabas na ako. Naglalakad sa Hallway nang may naririnig akong yapak sa likod ko. Nakikiramdam ako pero walang tao na lumabas doon paglingon ko.
"Lucy, napaka delikado ng taong iyon, may sumubok humawak ng kasong yon anong nangyare pinatay diba?"
Nagflashback sakin ang linyang iyon na sinabi ni Reejil pero nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makasakay na ako sa elevator. Unti unting bumungad sakin ang isang pormal na isang lalaking may dalang briefcase di ko nalang siya pinansin at patuloy sa pagpasok.
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomanceWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.