CHAPTER 37

83 5 0
                                    

Mellisa's POV

Flashback

Nakaupo ako sa aking sasakyan nang makita ko ang ina ni Allyson agad ko siyang nilapitan para sana mag bigay ng galang dito.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa iyo pero salamat dahil nagsalita ka para sa anak ko pero hindi mababalik ang meron noon."

"Tita, bumabawi naman po ako sa anak ninyo."

"Bumabawi ka oo pero tama na hija, anong gusto mo mapahamak pa siyang ulit?"

"Hindi naman po sa ganun."

"Pwes, layuan mo ang anak ko!" diin niya sa salitang anak.

"Mahal ko po si Allyson.."

"Hindi tama yang pagmamahal na meron ka, nakakamatay na yang pagmamahal mo." malakas na sabi niya saka ako tinalikuran.

Bumuntong hininga pa ako saka ako nagdesisyon na bumalik sa loob ng sasakyan.

End of flasback.

hindi ko alam ang gagawin ko, sobra na akong nahihirapan.

Hindi ko naman pwedeng iwan nalang basta basta si Allyson dapat siguro ay saktan ko pa siya nang saktan.

Totoo lahat ng sinabi ko sa kanya oo masakit sa akin na si Lucy padin ang hinahanap niya at hindi ako pero wala nga siyang ginagawa para maging maayos kami.

Hinayaan niya akong talikuran siya at hindi niya man lang ako hinabol para humingi ng tawad at sabihin na ako lang ang mahal niya.

Kasalukuyan akong nakatingin sa kisame habang nagiisip. Isang buwan na ang makalipas nang mangyari iyon pero wala namang nangyayari.

Lumabas ako ng aking kwarto para sana kumuha ng tubig pero nagulat ako nang makita si Daddy na nasa baba at nakaupo sa sala.

"Dad?" tanong ko pa sa kanya at lumingon siya agad.

"Anak.." nagulat pa ako nang lumuhod siya. "Anak patawarin mo ako." agad naman akong tumakbo para patayuin siya.

"Dad, naintindihan ko na kayo alam kong ginawa mo iyon dahil ayaw mo akong masaktan pero sana Daddy maging pabor ka samin ni Allyson dahil mahal ko siya." at nagulat ako nang tumango tango siya.

Nagulat pa ako nang biglang lumabas si Allyson galing sa pinto.

"Hindi siya nag sampa ng kaso sa akin sa kabila ng ginawa ko sa kanya doon ako napahanga sa kanya at pinapangako ko na sa lahat ng tao na ayaw sa katulad ninyong nagmamahal ay ako ang magiging taga pag tanggol ninyo, ipapakita ko na kamahal mahal kayo at katanggap tanggap." saka naman unti unti lumapit sa amin si Allyson.

Lumaki ang mata ko nang yakapin niya kaming dalawa ni Allyson. "Stay inlove." ngiting sabi niya sa amin saka naman ako mapait na tumingin kay Allyson.

"Maligayang pagbabalik po Mr. Henoroso." pormal na bati nito kay Daddy.

"Maraming salamat, Allyson. Maraming salamat sa panibagong buhay at pangalawang pagkakataon. Salamat anak." saka niya hinawakan sa balikat si Allyson.

Anak?

Tinawag niyang anak si Allyson.

Ngumiti naman si Allyson sa kanya saka tumango tango.

Pagkatapos noon ay mangiyak ngiyak pa akong pumunta kay Allyson. "Thank you." saka ko siya tinalikuran.

Masakit pa din at hindi na iyon mawawala. Nakita ko pang nagulat si Daddy sa inasta ko kay Allyson at narinig ko pang nag tanong ito kay Allyson kung anong nangyayare sa amin.

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon