Lucy's POV
Gabi na at napasya akong lumabas ng aking kwarto para sana salubungin ang aking mga magulang na darating ngayon. Pagkatapos kung magbihis ay agad akong bumaba at nadatnat ko ang Mommy ko na natutulog sa sofa bakas sa mukha niya ang pagod.
Ganito kaming mga abogado ultimong oras para mag party ay aasikasuhin pa namin ang mga hawak naming kaso.
Sa ngayon hawak ko ang pinakamalakas na kaso sa buong Samar at pati sa Maynila. Base sa research ko ay makapangyarihan talaga ang taong babangain ko.
Puro illegal business ang meron sa Congressman na iyan, mula sa sari-saring gamblings and human trafficking pati ang pagiging isa sa pinakamalakas na sindikato ay hawak niya.
Sa totoo lang, kinakabahan din talaga ako pero hindi para sa akin kundi para sa mga magulang ko batid kong alam nilang parehas abogado ang mga magulang ko.
Sa oras na matalo ako ang kaso na ito ay paniguradong babagsak kami at makakaapekto ito sa pangalan ng aking Ina.
Di ko hahayaang masira ang pangalan ng Mommy ko.
Kaya naman kailangan kong manalo sa kaso na ito. Sa pagkakaalam ko ay ito na ang pagatlong apila ng pamilya ni Patrick laban sa mga Henoroso.
Kasalukuyang nasa kulungan si Patrick at ang tanging witness na nandun at nakakita sa pangyayari at hawak ng mga Henoroso. Hindi din nila puwedeng patayin iyon pag nagkataon walang wala akong doon.
Kinabahan naman ako bigla sa naisip ko aaminin kong malakas nga talaga ang kalaban ko. Napaupo ako sa sofa kung saan natutulog ang aking Ina, tahimik ko siyang tinitingnan nang biglang may magsalita sa likod ko.
"Haya.." agad akong lumingon at nakita ko ang aking Ama. Galing siya ng ibang bansa dahil nandun ang mga negosyo niya kagaya ng mga Luxury Hotels and Bars.
Agad ko siyang sinalubong para mag mano, nakasanay kong mag mano sa kanya dahil sa lola ko.
"Pakiramdam ko ay lumiit ang mundo ko nung malaman kong hahawakan mo ang kaso ng mga Henoroso." agad na panimula niya.
"Pati ba naman yan ay alam niyo?" naiinis na tanong ko at naramdaman ko namang nagising ang aking Ina.
"Batid kong kilala mo siya, Lucy hindi basta bastang tao lang ang babangain mo."
"Alam ko na yan.''
"May kapatid din iyang abogado na nakalaban ko natalo ko ang kapatid niya kaya galit na galit sila sa akin." napatahimik naman akong bigla.
May kapatid siya?
"Si Atty. Henoroso ay may anak na babae na ngayon siya na taga pagmana ng mga Henoroso."
"Panong nangyari iyon?" takang tanong ko "Base sa sa investigation ko ay nag iisang anak ang Don. kaya si Robert Henoroso ang nag iisang taga pagmana."
"Dyan ka nagkakamali, dalawang silang magkapatid at may mga anak silang pareho."
The fuck may magmamana pa talaga ng mga ari-arian nilang walang kwenta.
Babae?
Sino ka naman?
"Ngayon palang ay pinapaalalahanan na kita, Lucy mag iingat ka. Dapat siguro ay ituloy mo na firing range."
"No." agad naman na sabat ng aking Ina.
"Sa paraan na iyon mapprotektahan niya ang sarili niya." malakas na sabat ng aking Ama.
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomanceWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.