CHAPTER 12

120 7 0
                                    

Allyson's POV

Mahigit isang linggo na akong nandito sa bodegang ito, madumi, at napakadaming daga.

Hindi ko padin makalimutan kung paano nila ako dinala dito.

Flashback

Tinawagan ko si Melissa na pupuntahan ko siya dahil gusto kong humingi ng tawad sa kanya naging insensitive ako sa mga maaari niyang maramdaman ni hindi ko inisip na nasasaktan na pala siya.

Balak ko din magsabi sa kanya tungkol sa pag punta ko sa Manila para makausap si Lucy. Natauhan ako doon at aaminin kong importante sa akin si Melissa.

Pasakay na ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko. "Sumama ka nalang para di kana masaktan." sabay tutok niya sa akin ng baril hindi na ako nakagalaw at sumunod nalang ako. Piniringan nila ako at hindi ko nakita kung saan ako nila pero kahit paano ay pamilyar sa akin ang bodegang ito.

Hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito, nanghihina na ako dahil sa mga pagkain binibigay nila sa akin.

"Oh ito kumain ka!" sigaw ng isang lalaki

"Ayoko kong kumain." tanggi ko pa

"Aba nagiinarte kapa?" nang-gagalaiting tanong niya.

Nakagapos ako sa isang upuan paano akong kakain. Di ba siya nag-iisip?

Simula noon ay isang beses nalang nila akong binibigyan ng pagkain. Hindi ko na din magawang sumigaw dahil sa wala na akong lakas.

End of flashback

Di na ako masyadong makagalaw sa sobrang nanghihina na ako. Tanging ang robang kulay itim na may nakakurbang "弁護士" na di ko alam kung anong ibig sabihin ang nakikita ko simula nung dalhin nila ako dito.

Translation: Boss/Bossing

Pipikit na sana ako nang may narinig akong pamilyar na boses .

"Talagang di kayo nag iisip, hindi ko alam kung matatawa ba ako sa inyo." sarkastikong sabi niya

Nakatalikod ako sa kanila kaya di ko makita kung sino ito.

"Ang lakas din ng loob mong pumunta dito." sabat ng lalaki

"Baka nakakalimutan mong alam ko kung saan ka nakatira at ang pamilya mo?" maangas niyang sinabi

Lucy.

Hindi nakapagsalita ang lalaki bigla naman akong nakarinig ng yapak papunta sa likod ko. Inikot ang upuan ko dahilan para tumalsik ang mga pagkain nasa hita ko. Bumungad sa akin ang naawang si Lucy at agad itong may hinugot.

Itinutok niya ang baril sa lalaki at bigla itong nagulat, napuno ng takot ang mga mukha nito.

"Isang pitik ko lang sa baril na ito at di kana makakauwi ng buhay sabagay alam ko naman kung saan ka nakatira ihahatid ko nalang ang bangkay mo doon." matapang na sabi ni Lucy.

Pumalag naman ang lalaki. "Puro ka salita." sabi nito.

Natatawa namang tumingin si Lucy sa kanya. "Ulitin mo nga sinabi mo."

"Sabi ko ay puro ka salita di mo naman kayang gawin-" di niya natatapos ang sasabihin niya nang iputok ni Lucy ang baril dahilan para matumba ito. Itinutok niya muli ang baril sa isang lalaki at nanlaki ang mga mata nito napatingin sa akin si Lucy bigla siyang pumikit at nag buntong hininga. "Tumakbo ka hangga't kaya mo." sabi niya sa isang lalaki agad itong tumakbo.

Napatingin ulit siya sa lalaking pinutukan niya ng baril kanina. "Di ka mamamatay diyan malayo yan sa bituka." dagdag pa ni Lucy saka sinipa ito, naglakad naman siya papunta sa akin tumingin siya sa akin at tinanggal ang gapos sa aking mga kamay.

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon