Lucy's POV
Naiwan akong nakatulala at nakanganga matapos kong kausapin si Melissa, nagulat pa ako kasi mukha siyang nakakaawa hindi nagkakamali ang mga akala ko talaga ngang nasa panganib sila.
Hindi ko pa kung paano sisimulan itong lahat lalo na ngayon na sobrang higpit. Pero kaya ko namang gumawa ng paraan.
Agad akong umakyat ng kwarto at napansin ko nanaman na bukas ang room nina Mommy. Dahan dahan akong naglakad papunta dito at bumungad agad sakin ang isang box nilapitan ko ito saka hinawakan bumuntong hininga pa ako at saka ito kinuha saka sinuot. Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin saka ito tiningnan ng mabuti. Bagay nga ito sa akin.
Mabilis akong lumabas saka tumungo sa aking kwarto kinuha ko lang ang mga kailangan kong dalhin bago ako mabilis na lumabas bumaba at lumabas ng bahay. Agad naman akong sumakay sa aking kotse saka ito pinaharurot.
Di ko alam kung saan ako pupunta ngayon pero alam kong may tao akong pwedeng puntahan at tiyak na makakatulong sa akin.
Mabilis akong nakarating dito ako nang mag desisyon na bumaba. At sa una unang pagkakataon ay hindi ako nahirapan na hanapin siya kasi nasa labas lang ng bahay niya.
"I need help." panimula ko at dahan dahan naman siyang lumingon sa akin.
"Lucy..." tawag niya sa akin.
Siya si Tatiana ang shooter at ang pinakamalakas sa buong membro ng Sagittarius. Aaminin kong magaling siya sa barilan at wala siyang kinakatakutan.
"Anong tulong?" malamig na tanong niya.
Agad ko namang kinwento sa kanya ang nangyari simula sa pag tanggap ko ng kaso hanggang sa maipanalo ko ito. Ang pinakaimportante ang pag sugod ko sa kalaban na walang kasiguraduhan kung makakauwi pa ako ng buhay.
"Hindi pamilyar sa akin ang Congressman na iyan." sabi niya. "Ipakilala mo nalang siya sa akin." sabay na mayabang na sabi niya.
Si Tatiana ay isa sa mga kinakatakutan sa kampo bukod kasi sa maalam siya sa pag gamit ng baril ay nababasa nya din ang laman ng isip ng mga taong nakakaharap niya kaya wala akong ibang nasabi kundi ang totoo.
"So, ex girlfriend mo yung Allyson?" pangungulit nya pa at tumango lang ako.
"At yung Mellisa naman ang girlfriend nya ngayon?" dagdag na tanong nya at tumango ulit ako.
"That's nice huh ngayon lang ako nakakita ng ganyan." tawang tawa na sabi niya saka.
"Anong ganyan?" inis na tanong ko.
"Wala hahaha" at inilingan ko naman siya.
"Bukas susunduin kita?" tanong ko pa
"Ako na pupunta sa inyo." at tinanguan ko nalang siya.
"Salamat."
"Saka kana magpasalamat kapag tapos na." natatawa pa sabi niya at nginitian ko nalang siya saka ko siya tinalikuran.
Mabilis akong sumakay sa aking kotse saka muling nagmaneho. Tumungo naman ako sa bahay ni Reejil nahirapan pa akong mahanap ang isang ito dahil sa may kaso din itong inaasikaso nung malaman ko wala siya sa bahay nila ay dumeretsyo na ako sa office.
Kasalukuyan akong nandito sa parking at nakita ko naman agad ang kotse ni Reejil. Bading talaga to nagpapahanap pa.
Mabilis akong bumaba at saka naglakad pag pasok ko palang ay sinalubong na agad ako ng mga chsimis.
"Atty. Galvez, balita ko ay nabanned ka daw sa Samar?" agad naman na bungad sa akin ng Ellen ang co- member ko na kasama ko noon sa Samar.
Nagkibit balikat nalang ako saka naman siya muling nagsalita. "Dumating na pala ang case ni Atty. Casile ayaw niya lang hawakan."
"Bakit na naman?"
"Tatlo ang nakapila na kaso niya."
"Oh ngayon?"
"Si Atty. Loyola ang kalaban niya sa isang kaso."
Di pa nag retired yang matanda na yan.
"Sakto pangalawang talo niya na yon." sabi ko saka siya tinalikuran at natawa naman siyang sumigaw sa akin.
"Hahaha sira!"
Sa hindi kalayuan ay nakita kong nakaupo si Reejil sa kanyang sariling office walang katok katok at pumasok naman ako.
"What the- don't you even bother to knock?" inis na tanong niya kaya lumabas ako at sinara ko ang pinto niya bumuntong hininga pa ako at kumatok ng tatlong beses saka ko pinihit ang door knob.
Pagtataka sa kanyang mukha ang nakikita ko. "Baliw kana." mahinang singhal niya.
"Tulungan mo ako, punta tayo ng Samar." panimula ko.
"Di ka nga pwedeng pumunta doon hindi ba?" tanong niya pa.
"Nagkausap na kami ni Supre at ni Tati." sabi ko.
"Tatiana?" gulat na tanong niya at tumango lang ako.
"Yeah, yung first love mo." biro ko pa at pinandilatan niya naman ako.
"Anong plano?" biglang tanong niya.
"Hawak ni Henoroso si Allyson ngayon-" di ko pa natutuloy nang sumabat agad siya.
"What how?"
"Ilang araw akong tumatawag sa kanila ni Mellisa pero hindi ko sila ma-contact pareho kahapon tumawag ako kay Mellisa at ikinulong siya ng tatay niya." at lumaki naman ang mata niya.
"Ano bang sakit ni Wilson at ginagawa niya yan sa anak niya?" naiinis na tanong niya sa sarili at hindi ko siya sinagot.
"Kaya nga kailangan ko nang puntahan si Allyson."
"And why?"
"Anong why?"
"You know how important she is, i mean nakatulong sila sa akin sa kaso babawian ko lang." sabi ko at ngumiti naman siya.
"Really huh?" pang aasar niya pa."Bakit kailangan mong idamay si Tati?" muling tanong niya.
"Wag kang mag aalala hindi siya mapapahamak."
"Paano mo nasisigurado?"
"Dahil hindi siya hahawak ng kahit anumang baril gagawin ko lang siyang driver." biro ko.
"The hell, baliw kana talaga Lucy." pagalit niya pang sabi.
"Hmmm alam ko kating kati nadin siyang pumitik ng baril pero tulad ng sabi ko di siya hahawak ng baril habang nakikita niyo akong nakatayo." tumingin naman siya sa akin nang may pag alala.
"Sasama ako." matapang na sabi niya.
"Wala ka namang choice kahit hindi ka sumama kakadkarin kita." biro ko ulit at natawa nalang din siya.
Sa ilang taong naming magkaibigan ni Reejil ay hindi ako kailan man iniwan sa ere masasabi kong siya ang tanging nandyan nung mga oras na wala na akong makapitan. Siya ang isa sa mga taong nagsuporta at naniwala sa akin noong mga araw na takot pa akong humawak ng kaso batid kong napa delikado ng trabaho.
I'm still grateful for having him as a friend.
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
Storie d'amoreWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.