CHAPTER 10

128 7 0
                                    

Melissa's POV

Umiiyak kong tinawagan si Lucy para sana mag tanong kung alam niya pero pati siya at walang ideya.

"Oo nga, nagkausap kami" naalala kong linyang iyon na sinabi niya

Hindi man lang nagsabi sa akin si Allyson tungkol doon?

Sa ngayon ay hindi ko magawang magalit sa kanya mas kinakabahan ako kasi tatlong araw na siyang nawawala.

Flashback

Napatalon ako sa gulat nang mag ring ang phone ko, agad ko naman itong sinagot at nakita kong si Allyson ito.

"Hello?" malamig kong bati

"Hello, love? Pupuntahan kita, wait for me." sabi niya at binaba naman ang tawag.

Nagtaka naman ako, bakit naman siya biglang bigla pupunta dito?

Hmmm

Pero sa kabila nun ay nakaramdam padin ako ng excitement siguro ay maguusap kami. Agad akong nag ayos at lumabas ng kwarto pababa na sana ako ng hagdan nang marinig ko ang Daddy ko na may kausap.

"Sa takdang panahon, konting pagtitiis nalang at magbubunga na ang lahat ng ito." di ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"I'm looking forward, and im rooting for you." sabi niya sabay na tumawa ng nakakatakot.

Hindi ko magawang tanungin siya sa pinaguusapan nila ng kausap niya kaya binabalewala ko nalang iyon bagkus naupo ako sa sofa habang excited na naghihintay kay Allyson.

Napasandal ako sa sofa habang naghihintay nang biglang nakaramdam ako ng antok.

Nagising akong walang Allyson sa harap ko, tiningnan ko ang relo ko pero isang oras na siyang walang update kaya agad ko siyang tinawagan.

Pero out of coverage ang phone niya, bigla naman akong kinabahan kaya napatayo ako inulit ko siyang tawagan pero ganun paden.

End of flashback

Napatalikwas ako sa kinauupan ko nang makitang tumatawag si Lucy.

Oo si Lucy.

"Hello, magkita tayo sa court sa harap ng Prema Hotel ngayon na." mabilis na sabi niya saka pinatay ang tawag.

Wirdo

Pwede naman sa text niya iyon sabihin, mabilis akong nag ayos at umalis kaagad.

Mabilis akong nakarating sa court kung saan nandoon si Lucy.
Agad ko siyang nakita na nakaupo kaya naman nilapitan ko siya agad.

"Lucy.." naiiyak na tawag ko sa kanya tiningnan niya ako ng nakakatakot na tingin saka siya sumenyas na umupo ako.

"It's nice seeing you again." kalmadong aniya

"Bakit ka nandito?" malumanay na tanong ko

"I have appointments, may balita ka na kay Allyson?" tanong niya pero umiling iling lang ako.

Napabuntong hininga naman siya at nagsalita.

"Samahan mo ako sa bahay nila." nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Anong gagawin natin doon?" inosenteng tanong ko

"Kailangan nating alamin kung nasan si Allyson." mahinang usal niya

"Pero kahit ang pamilya niya ay hindi alam kung nasan si Allyson." napalakas naman ng konti ang pasasalita ko.

"Basta sumama ka nalang." parang naiinis na sabi niya naglalakad kaming dalawa at nagsalita ako.

"May dala akong sasakyan." agad na sabi ko

"Mauna ka at susundan kita." sabi niya saka naman ako tumango tango. Agad akong sumakay sa kotse ko saka pinaharurot ito papunta sa bahay nila Allyson.

Galing pa siya ng Manila pumunta lang siya dito para tulungan akong hanapin si Allyson?

Di nagtagal at nandito na kami sa harap ng bahay nila Allyson, agad akong bumaba at ganun nadin ang ginawa niya. Walang anu ano'y pumasok ito sa bahay nila Allyson kaya sinundan ko siya agad.

Bakas ang mukha ng mga taong nandoon ang pagkagulat nang makita nila si Lucy. Ang lola ni Allyson ang una unang bumati at yumakap dito.

Napalunok naman ako ni minsan ay hindi sila ganyan sa akin. Ngumiti nalang ako at di ko na iyon pinansin.

Kapansin pansin ang pamamaga ng mga mata ng Mama ni Allyson, alam kong nag aalala nadin siya. Mula nang ma declared na missing si Allyson ay biglang bumigat ang nasa dibdib ko.

Di ko nadin alam, halo halong sakit. Sakit na dulot ni Allyson na kahit kailan man ay di niya nagawang ihingi ng tawad sa akin at sakit kung saan nakikita kong mas gusto ng pamilya ni Allyson na nandito si Lucy.

"Di ko na alam kung saan ko hahanapin ang anak ko, Lucy." umiiyak na sabi niya nilapitan ko naman siya at hinawakan ang kamay ngumiti lang siya sa akin at hinayaan kong umiiyak siya sa braso ko.

Nag alala na kaming lahat, Allyson nasan kana?

"Ano hong sabi ng mga pulis?" biglang tanong ni Lucy.

"Wala din, walang wala talaga." umiiyak na sagot ng mama ni Allyson.

"Naalala kong kwento niya sa akin ay may sumusunod sa kanyang tatlong lalaki kahit noong galing pa siya ng Maynila." biglang sabi ng kapatid ni Allyson.

"Ibig sabihin alam niyong nag punta siya ng maynila?" tanong ni Lucy.

"Opo, sabi nya pa nga noon ay hindi naman siya magtatagal doon." muling sabat ng kapatid niya.

Ako? wala akong alam doon?

Bakit hindi man lang siya nagsabi sa akin?

Parang naiiyak nako, di ko na alam kung anong una kong iisipin.

Pero sino ang mga lalaking iyon tinutukoy ng kapatid niya. Kinabahan naman akong bigla nung maalala ko ang mga sinabi ni Daddy.

No, di yon magagawa sakin ni Daddy. Kaya agad akong napailing.

Nangingibabaw ang katahimikan at biglang nagpaalam si Lucy na aalis na.

"Maraming salamat hija at nandito ka." ngiting sabi ng lola ni Allyson, ngumiti din si Allyson saka ako nilingon kaya napatingin din sa akin ang mga taong nandun.

"Melissa anak, mag ingat ka lalo na ngayong wala tayong balita kay Allyson." naiiyak na sabi ng mama ni Allyson agad ko naman siyang nilapitan at niyakap.

"Mahahanap din po natin si Allyson.." positibong sabi ko saka siya tumango tango.

Sabay kaming nag paalam ni Lucy sa mga taong nandun at sabay din kaming lumabas ng bahay.

"Mag ingat ka pag uwi." matipid na bilin niya

"Oumm ikaw din." nakangiting ani ko.

Tumango tango lang siya sa akin at saka naunang sumakay sa kotse niya nang makasakay nako ay nakarinig ako ng busina hudyat na papaalis na siya.

Habang nagmamaneho ako ay di ko maiwasang makaramdam ng kaba. Sana wala kang kinalaman dito Daddy.

Malapit na ako sa bahay namin nang mapansin ang isang pamilyar na sasakyan na nasa likod ko tila nagmamanman.

Sasakyan iyon ni Lucy.

Mabilis akong napasok sa loob ng bahay namin at lumabas sa sasakyan lumabas pa ako ng gate para tingnan itong muli pero wala na ito.

Binantayan niya akong makauwi?

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon