Lucy's POV
Flashback.
Nakatulala ako sa kisame habang iniisip ang lahat ng nangyayari ngayon, sa dami ng tauhan ni Henoroso alam kong lugi ako pero hindi ko dudumihan ang pangalan ko.
Agad kong tinawagan si Supre para sa balitang hatid ko.
"Ito na ang oras na sasalakay ako, Supre." maikling sabi ko.
"Dadating ako." saka namatay ang tawag.
Hindi magtatagumpay ang aking plano kung wala si Supre lahat ng tao na ngayong kasama ko ay malaking tulong sa akin.
End of flashback.
Kasama si Mellisa binabaybay ko ang kalayuan ng Calbayog City, pagod at ngalay pa ang naramdam ko nilingon ko si Mellisa na ngayon ay natutulog.
Naawa nadin ako sa kanya sa lahat ng tao kasama si Allyson si Melissa ngayon ang mas nahihirapan ang pamilya niya ang may pakana ng pagkawala ni Allyson kaya naman pakiramdam ko sinisisi niya ang kanyang sarili.
Tamang tao maling panahon.
Kinuha ko pa aking phone saka nagsimulang mag set ng oras, ang gusto ko ay matatapos ko ito sa loob lamang ng isang oras. Nag bigay din ako ng signal kay Reejil at Tati na alam kong susunod ito dito. At ang pinakaimportante si Supre, bago pa ako pumunta dito ay sinugurado kong may alam si Supre.
Nang makarating ako napalunok pa ako sa dami ng nakabantay sa harap ng casino at sigurado akong mahihirapan akong pumasok dito lalo na ngayong banned ako sa buong Samar.
"Mellisa.." gising ko pa dito agad naman itong nagising "Nandito na tayo, dating gawi." saka naman siya tumango tango.
Walang takot kong akmang ipapasok ang aking kotse at sa unang pagkakaon ay nagulat ako dahil pinagbukas pa nila ako gate. Batid kong nandito na ngayon ang mga Henoroso.
Nang makababa ako at tinutukan ako ng mga baril ng mga lalaking naka itim wala akong dalang kahit isang bodyguard sa pagkakataong ito dahil gusto kong masolo ito.
Inalok ko pa ang aking kamay kay Mellisa saka niya akong nginitian ng mapait.
Muli ko siyang hinawakan sa leeg at inalakayan na maglakad nakapasok kami sa loob ng at sobrang hirap akong akain si Melissa dahil pati ito ay nanghihina na.
"Kayanin mo, Melissa nasa loob lang si Allyson." mahinang bulong ko at tumango tango siya.
Tuluyan akong nakapasok sa loob at nagulat kong tiningnan si Allyson tulad noong una ay nakatali ito sa upuan punong puno ito ng dugo sa mukha ay higit sa lahat ang kanyang pantalon na kulay asul na ngayon ay kulay pula na.
"Allyson.." mahinang iyak ni Melissa.
"Shhh." saway ko naman sa kanya.
Sa ilang araw na siyang nandiyan alam kong malakas ka Allyson at kaya mo iyan.
Bumungad naman sa akin si Congressman Henoroso.
"Talagang magaling ka gumawa ng paraan paanong nakapasok ka sa lugar na ito?" galit na malakas na sabi niya.
"Sabi ko naman sa iyo magaling ako." mayabang pa na sabi ko. Bigla naman umingay ang radio na nasa aking tenga ito ang tanging paraan para malaman nina Tati at Reejil ang nangyayari sa akin.
Lumingon lingon pa ako at napakadaming lalaki ngayon ang may hawak ng baril at nakatutok sa akin.
"Ito?" turo ko kay Mellisa. "Siya ang nag iisang heredera ng pamilya ninyo hindi ba? Kapag pinatay ko ito ngayon sa harap mo anong mangyayari sayo?" tanong ko sa congressman at napangisi naman siya.
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomansWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.