Lucy's POV
Isang buwan ang nakakaraan matapos ang lahat ng nangyari ay nakahinga na ako ng maluwag tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib.
Flashback.
Nagulat ako nang makita si Reejil na nasa baba at nakaupo sa sofa.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Panoorin mo ito." saka binuksan ang isang laptop.
Sa video na ito ay nakita ko si Melissa na nakaupo. Pinindot ito ni Reejil saka naman pinanood sa akin.
"Nandito ako ngayon para linawin ang lahat ng nangyayari, una sa lahat hindi ako humarap sa inyong lahat para linisin ang pangalan ko at para tumakbo ding Congressman. I'm against of Political dynasty at wala sa vocabulary ko ang mangurakot ng pera sa bayan." panimula nito."Batid kong gusto ninyong lahat na malaman ang mga plano at opinyon ko ngayong wala na si Congressman Henoroso. Ako ang taga pagmana ng Henoroso Group of Company at ngayon inaanyaan ko kayong lahat na alamin ang katotohanan. Ipapasara ko ang mga naiwang negosyo ni Congressman at lahat ng pera na makukuha ko doon sa huling pagbubukas ay ibibigay ko sa mga charity and organization. Well nabigla ako sa pagkawala ni Congressman Henoroso alam nating lahat na sa lahat ng umupong Congressman sa lungsod na ito ay kay Henoroso lang tayo nakaramdam ng kaunting ginhawa. My dad will face the consequences at hindi na ako dapat na makialam doon lalo na involve dito ang girlfriend ko. Itong hawak ko ay ang titulo ng Prema Hotel ito ang nagpapatunay na hindi kailanman napunta sa ibang kamay ang Hotel. Ang Prema Hotel ay pag mamay ari ni Allyson Gedotee at bubuksang muli. At higit sa lahat kilala naman siguro ninyo ang naging kalaban noon ni Congressman Henoroso sa kaso niya sa aking pinsan na si Robert Henoroso. Ang abogadong nag volunteer na nag bigay ng libreng serbisyo para sa mga mahihirap na nangangailangan ng legal services na kinalaunan lang ay nabanned sa lugar na ito. I'm now announcing that Atty. Lucy Haya Galvez is unbanned." mahabang sabi niya sa prescon.
Bakit kailangan niyang gawin yan.
"Wala naman na akong balak na pumunta pa ng Samar." mahinang usal ko.
"At least you are free now in case." sabat naman ni Reejil at pinandilatan ko nalang siya.
"Pero magandang balita yan, bubuksang muli ang Prema Hotel dapat lang na ibalik iyon kay Allyson." muling sabi ko.
"Wala ka na bang ibang sasabihin?" tanong ni Reejil.
"Thank you." sinserong sabi ko.
"As always." mayabang na sagot niya.
Sinapak sapak ko nalang siya sa balikat saka muling nagsalita.
"Alam mo bang may sinabi sakin si Mellisa?" pabitin pa na sabi niya.
"Ano?" inis na tanong ko.
"Sabi niya makita niya lang daw na buhay si Allyson ay lalayuan niya na ito." malungkot na sabi niya.
"Paano niya naman nasabi yan?" tanong ko.
"Because she's blaming herself for what happened." sagot naman nito.
"Yan din ang inisiip ko ang isisi niya sa sarili niya ang nangyari."
"Her feelings is valid." sabat nito.
"What?"
"Yes, pamilya niya ang may pakana non sa taong mahal niya tama lang na masaktan siya at maisip niya na kasalanan niya." at hindi naman ako nakasabat.
"Masyado lang siguro siyang mahal ng tatay niya isipin mo mawalan ka ng asawa makakaya mo pa bang mawalan ng anak?" tanong ko at hindi din siya nakapagsalita.
BINABASA MO ANG
The Depths Of Love (COMPLETED)
RomanceWOMEN LOVING WOMEN #WLW PAG IBIG, PANGALAN, PROPESYON AT PAGPAPAUBAYA.