SAMAR 5

71 7 0
                                    

Lucy's POV

Linggo ngayon at kailangan kong panatiling ligtas ang mga taong makakasama ko sa paghuhukom.

Langit langit ang tuwa dahil mabilis kong napilit si Dra. Joe na maging isa mga testigo ko alam kong hindi madali ang gagawen niya buhay nya din ang itataya niya dito pero hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya.

Napabuntong hininga ako at bumangon na sa kama wala na si Reejil ngayon sa Samar dahil may kaso din siyang hawak niya yon, isa pa iyon hindi ko kakayanin ang lahat ng ito kung wala si Reejil kaya masasabi kong malaking tulong siya sa akin.

Nag ayos ako at dali daling lumabas ng kwarto ko nang makarinig ako ng yapak sa aking likod ramdam ko na may tao aking likod. Lumingon ako at nakita ko si Attorney Loyala.

"Kinagagalak kong makita kang muli, Atty. Galvez" ngiting bati niya.

Hindi ko siya sinagot at tiningnan ko na lamang siya. "Masyado ka yatang nabighani sa aking mukha para matulala ka riyan." malakas na tawa ang kasunod noon.

"Atty. nabasa mo naba yung Philippine Constitutional Law at ang 1987 Philippine Constitution?" sarkastikong tanong ko.

"Aba'y oo naman." confident pa na sagot niya.

"Kung ganun alam ninyo kung gaano kakapal ang dalawang librong iyon kapag pinagsama?" tanong ko at taka siyang tumingin sa akin. "Kasing kapal ng mukha mo." dagdag ko pa.

Umusok naman ang kanyang ilong kaya natawa nalang ako pinihit ko pang muli ng door knob ng aking kwarto para ma-siguradong naka lock ito bago nagsalita ulit.

"Ayan naka lock siguro naman wala nang papasok diyan." tawa pang sabi ko at siguradong maririnig niya saka ko siya tinalikuran.

"Angas ng trip ng matanda yon nakaka-akyat pa ng second floor di pa nagka-rayuma." natatawang bulong ko pa.

Nakasakay ako ng elevator at sumisipol sipol pa ako. Nang malakas ako ay mabilis akong naglakad palabas nang hotel at nagulat ako sa isang malaking billboard na nasa harap ng Prema Hotel.

"New hotel, will rise soon."

Tch wala pa din bang nagagawang paraan si Allyson diyan. Iling iling akong naglalakad nang mapansin si Allyson na naupo sa kioks.

Nilapitan ko ito saka ako nagsalita. "Busy kaba?" nagulat siya sa pagdating ko.

"Ha? Hindi naman bakit may kailangan ka?" utal utal na tanong niya.

"Hindi maman pala e bakit hindi mo ayusin yan?" sabay turo ko sa hotel.

"Wala akong ganun kalalaking pera Lucy." nahihiyang panimula niya. "700 million saan ko naman iyon hahanapin?"

"Tch ang kulit mo kasi e."

"Bakit?"

"Hindi ba't sabi kong umutang ka sakin?"

"Lucy, kahit umutang ako sayo may ganun kabang kalaking pera?"

Natawa naman ako saka nagsalita. "Minamaliit mo ba ako?" nang aasar pang sabi ko.

"Lucy.."

"Ano ayaw mo padin?" at hindi siya nagsalita. "Okay aalis nako." umasta akong aalis nang tawagin niya ako.

"Lucy." at nakataas ang kilay kong nilingon siya. "Tinatanggap ko na ang alok mo." sabi niya pa.

"Malamang may choice kaba?"

"Wala.."

"After ng trial ko, I'll see you on Tuesday." sabi ko pa di ko na siya pinatapos at umalis na agad ako.

Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko saka ko pinaandar ang makina ng sasakyan.

Pinaharurot ko ang aking sasakyan papunta sa bahay nila Aling Maring. Napatingin din ako sa paligid ko na para bang bubuhos ang malakas na ulan. Mabilis akong nakarating sa bahay ng mga Javier.

Muli kong nakita ang batang nag aaral noon. "Ate Lucy bumalik ka?" tanong niya sa akin nginitian ko naman siya. .

"Oo naman nasan ang nanay mo?" tanong ko at agad niyang tinawag si Aling Maring.

"Attorney, magandang umaga." bati niya sa akin.

"Kamusta po kayo rito?" tanong ko sa kanila.

"Okay lang naman at medyo guminhawa na salamat sa tulong mo hija napakasarap pala sa pakiramdam na may ilaw ang bahay mo." ngiting sabi niya saka inilibot ang kabahayan.

"Wala pong anuman." masayang sabi ko.

Flashback

Pagkatapos ng hearing ay sinundan namin na makauwi sina Aling Maring at ang anak niya. Matagal ang byahe nila dahil sa ayaw nilang ihatid namin sila, maya maya ay nakarating na kami sa bahay nila nagulat pa siya nang makita ako.

"Nako, ano ang ginagawa ninyo dito?" nahihiyang tanong niya.

"Gusto po sana namin makatulong." sagot ko pa at tumango tango naman si Reejil.

"Makatulong saan?"

"Aling Maring, gusto ko po sanang bigyan kayo ng magandang ilaw." sabi ko pa at natuwa naman siya.

"Nako, maraming salamat alam mo yan ang pangarap ko bahay na ito ang magkaroon kami ng sariling ilaw."

"Bukas na bukas po may dadating dito para magkabit ng ilaw." at bigla niya akong yinakap natawa lang ako saka niyakap siya pabalik.

End flashback

"Ate Lucy, salamat at binigyan mo kami ng ilaw." inosenteng sabi niya nginitian ko lamang siya saka ginulo ang kanyang buhok.

Ang saya pala sa pakiramdam na nakakatulong ka nag tagal pa ako sa bahay nila Aling Maring hanggang makaluto siya ng nilagang kamote pinakain niya ako nang pinakain.

"Busog na po ako, salamat po sa meryenda saktong hindi pa ako naguumagahan." sabi ko pa kaya naman kumuha siya ng plastic at balak pa na ipagbaon sakin ang isang plastic ng kamote. "Wag na po, saka na lamang po pagbalik namin ni Reejil dito." ngiti pang sabi ko.

"Ganun ba aantayin ko ang pagbabalik ninyo " sabi niya pa.

Pagkatapos naman ay nagpaalam ako na aalis na bisita ko sila para ma-sigurado na okay sila at maghanda para sa papalapit na trial.

Nakangiti akong nagmamaneho pabalik nang bayan agad akong nakarating ng hotel at nakita ko nasa kioks padin si Allyson papasok na sana ako nang mapansin kong umiiyak ito.

Kaya naman nilapitan ko siya at inabot sa kanya ang panyo. "Di ka okay?" napatingin siya sa akin saka tumango tango.

"Bakit" tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Hanggang ngayon ay hindi ko padin alam kung paano sasabihin kay Mellisa lahat ng kailangan niya malaman."

"Bakit hindi mo sabihin?"

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan." naguguluhan na sabi niya.

Nilapitan ko naman saka tinapik tapik sa balikat. "Sabihin mo sa kanya sa lalong madaling panahon wag mong antayin na mapahamak pa siya bago ka gagalaw." bilin ko pa pero nanatili siyang nakayuko.

"Ang hirap hirap Lucy, alam kong mahal na mahal ako ni Mellisa." at napalunok naman ako. "Kaya nga nagawang tulungan ka dahil sa akin." at bumuntong hininga naman ako.
"Naguguluhan ako ng sobra." saka siya umiyak iyak.

Napatingin naman ako sa malayo saka hinayaan lang siyang umiyak nang umiyak.

Tumayo ako at astang aalis nang hawakan niya aking kamay saka niya ako hinila ay niyakap. "Thank you.." hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko at siya mismo ang naunang bumitaw.

"Umuwi ka na at magpahinga." sabi ko siya saka siya tinalikuran.

The Depths Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon