Prologue

431 16 2
                                    

“Sir, medyo matatraffic po tayo sa bandang munisipyo, mukhang may municipal event po”

Napatingin ako sa bintana nang sabihin iyon ni Kuya Roel, malapit na kami sa munisipyo at mabagal na ang usad ng mga sasakyan.

“Ayos lang, Kuya,” sagot ko habang nakatingin sa bintana “Pauwi naman na tayo”

Hanggang sa makarating sa bukana ng munisipyo ay nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan. Nag angat ang dalawang kilay ko nang mapansin na maraming tao sa harap ng malaking entablado.

“Ano kayang meron?” tanong ko habang nakahinto ang sasakyan.

“Ang dinig ko po ay fiesta raw po dito at may sikat na banda kaya maraming tao” sagot ni Kuya Roel.

“Nakapunta ka na ba sa ganiyan, Kuya?”

“Opo naman po, Sir! Masaya po pag ganiyang fiesta”

Napatango ako at tinignan ang wrist watch ko. Tumingin din ako sa paligid at mukhang matatagalan kami dahil halos hindi na gumagalaw ang sasakyan.

“Gusto mo ba manood muna tayo saglit, Kuya? Mukhang matatagalan pa tayo dito”

Gulat na napatingin sakin si Kuya Roel nang sabihin ko iyon.

“Sigurado po kayo, Sir? Masikip at mainit po diyan, baka po hindi niyo magustuhan”

“Ngayon lang naman habang hinihintay natin humupa ang traffic,” sagot ko habang inaayos ko ang coat ko. “Mag hanap ka na ng parking, Kuya Roel.”

“S-sige po, Sir”

Sa huli ay iyong malapit sa munisipyo ang napag parkingan namin. Nang makababa ako ay mas lalong lumakas sa pandinig ko ang tugtog na galing sa stage. Dagsa ang tao sa paligid at ang iba ay nakatingin sa akin.

Nag lakad ako papalapit sa stage, marami ang tao kaya siksikan.

“OMG, siya ʼyung CEO ng Montenegro INC!”

“Alin? si Pres. Gray?”

“OO SIYA! ANG POGI NIYA PALA TALAGA LALO NA SA PERSONAL!”

“Anong ginagawa niya dito?”

“Baka guest speaker?! YIE”

Ngumiti ako sa mga taong nakakilala sa akin. Mukhang hindi magandang ideya ang bumababa sa sasakyan.

“President Gray?!”

Napatingin ako sa gilid ko nang may lumapit sa amin na lalaki, may ear gear ito at may hawak na papel, siguro ay organizer ng event.

“Ah, hello,” napakamot ako sa ulo dahil dumadami ang nakatingin sa amin. “I'm sorry, gusto ko lang sana manood—”

“Oh, no, no, don't be sorry Sir! We are so happy that you're here!” inabot niya ang kamay niya kaya nakipag kamay ako sa kaniya. “Allow me to escort you sa VIP area, Sir!”

Hindi pa ako nakakapagsalita ay hinawi niya na ang tao kaya sumunod na lang ako. Gustuhin ko man abutin lahat ng kamay na kumakalabit sa akin ay masyadong marami iyon.

Unti unti ay nakilala ako nang mga tao at hindi ito ang gusto kong mangyari dahil ang gusto ko lang ay manood. Hindi ko alam kung nasaan na si Kuya Roel, ang alam ko lang ay sabay kaming bumaba at pumunta dito.

Nang makarating sa harap ay kumaway ako sa mga tao na nakakilala sa akin. Pilit kong niyuyuko ang ulo ko upang hindi makaagaw ng atensyon dahil wala naman talaga akong parte sa event na ito.

Samo't saring tili at sigaw ang naririnig ko mula sa iba't ibang tao, tanging ngiti na lang ang naisagot ko. Mukhang hindi pa nag sisimula ang event dahil wala pang tao sa stage nang makarating kami sa gilid nito.

Mayor AliceWhere stories live. Discover now