18

143 10 13
                                    

A/n: Halluu, early ako today just because hwhshehshehs. 2 chapt po ang idadrop ko today. Enjoy reading po! ^^

“Ay, kanina pa siya tulog?”

Bungad ni Miguel pagpasok sa office at nakitang tulog si Alice. Tumingin ako sa wrist watch ko para tingnan kung gaano katagal na siyang natutulog.

“About 1 hour,” sagot ko. “Why? Tapos na ba breaktime niya?”

“Yazsified,” sabi niya, nangunot naman ang noo ko. “Pero keri lang, ako na lang gagawa muna”

Lumabas siya ng office at iniwan akong nagtataka. Iling iling akong bumaling kay Alice, mahimbing pa rin ang tulog niya kaya nag dadalawang isip ako kung gigisingin ba o hahayaan na matulog na lang siya.

Agad kong kinuha sa bulsa ang phone ko dahil naramdaman kong nag vibrate ʼyon.

Napabuntong hininga akong pinatay ang phone ko nang maalala na marami nga pala akong appointment na dapat puntahan ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napabuntong hininga akong pinatay ang phone ko nang maalala na marami nga pala akong appointment na dapat puntahan ngayon. Lumingon ako kay Alice, sa itsura niya ngayon ay hindi ko alam kung kaya ko siyang iwan. Hindi pa rin nawawala ang lagnat niya kaya mas lalo akong nag aalala na baka sagarin niya ang pag tatrabaho ngayong araw.

Hindi ko rin pwedeng iwan ang mga appointment ko ngayong araw dahil isa sa pinakamalaking investor ang group ni Mr. Kim, hindi pwedeng hindi ako ang humarap sa kaniya.

Anong gagawin ko?

Naramdaman ko ang pag galaw ni Alice sa balikat ko kaya tumingin ako sa kaniya. Hinawakan ko ang noo niya para tingnan kung may lagnat pa ba siya at tama ako dahil meron pa.

Dahan dahan siyang nag mulat ng mata at tumingin sa akin. Hawak niya ang ulo niya pag gising, bumangon siya at nakayuko habang sapo ang ulo.

“What's wrong?” tanong ko nang mapansin na namumutla siya.

“Ang sakit ng ulo ko,” sagot niya.

“Kaya mo pa? Are you okay?” nag aalalang tanong ko dahil bigla na lang siya namutla.

Agad niyang tinanggi ang kamay niya at umiling. “Okay lang, baka sa lagnat lang ʼto”

“Are you sure?”

“Oo,” sagot niya at sumandal sa sofa.

Inalalayan ko siya para maging maayos ang pag sandal niya saka ako tumayo para kumuha ng bottled water sa side table. Binuksan ko iyon at binigay sa kaniya.

“Drink this,” sabi ko at inalalayan ang ulo niya para makainom. Kitang kita ang panghihina sa kaniya kaya mas lalo akong nag alala.

“Aalis ka na ba?”

Tumingin ako sa kaniya nang tanungin niya ʼyon. Nakapikit siya at nanghihina na nakasandal sa sofa.

“No, I'll stay here,” sagot ko sa kaniya at inayos ang buhok niyang nagulo mula sa pag kakahiga niya sa balikat ko.

Mayor AliceWhere stories live. Discover now