Kinaumagahan ay nag handa ako para sa araw na iyon. Ang nangyari kagabi ay pinakawalan ko na at natuto nang tanggapin sa sarili na wala na talaga si Alicia.
Tinawagan ko ang sekretarya ko para tanungin kung anong update sa mga pinasuyo ko sa kaniya.
“Nasa lobby na po, Sir! Clinear ko na rin po ʼyung schedule niyo today like what you said po”
“Okay, good. Thank you.”
Ibinababa ko ang tawag pagkatapos namin mag usap at inayos ang buhok ko sa harap ng salamin. Muli kong tiningnan ang suot ko at inayos iyon. Hindi ako papasok sa opisina ngayon dahil may iba akong pupuntahan.
Kinuha ko ang coat ko na nakasabit sa upuan at lumabas na ng kwarto para kunin ang mga gamit na pinadeliver ng secretary ko sa lobby. Nang makarating sa lobby ay tanaw ko na ang receptionist na nakangiti sa akin bitbit ang isang bugkos na rosas at isang kahon.
“Good morning,” bati ko nang makarating sa harap ng information desk, ngumiti sila sa akin at inabot ang bitbit nila. “Thank you”
Nag lakad ako palabas at nandoon na ang sasakyan ko na pinag dadrive ni Kuya Roel. Pumasok ako sa loob at binati siya, ngumiti naman siya sa akin.
Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa bintana. Iniisip kung anong mangyayari sa akin pag nakita ko ulit siya. Ilang taon na rin noong pinuntahan ko siya, hindi ko alam kung makikilala niya pa ako.
“Hala! Look oh, may shooting star!” turo niya sa madilim na langit kaya napatingin ako doon. “Make a wish!”
At mayroon ngang shooting star na dumaan. Nakangiti ko siyang pinanood na paglakipin ang dalawang kamay niya at pumikit. Ginaya ko siya ngunit ang paningin ay nasa kaniya.
Ilang saglit lang bago ulit siya dumilat at ngumiti sa langit bago tumingin sa akin.
“Anong winish mo?” excited at parang bata na tanong niya
“Secret”
“Ang daya naman!” nakanguso at nagmamaktol na sabi niya kaya natawa ako.
“Ikaw muna, anong winish mo?” tanong ko sa kaniya
“Secret hanggat hindi mo sinasabi ʼyung sayo!” dumila pa siya sa akin kaya natatawa akong tumingin sa kaniya.
“Gusto mo malaman kung anong wish ko?” humarap ako sa kaniya at excited naman siya tumango.
“Oo, dali!”
“Matupad lahat ng wish mo”
Napangiti ako nang maalala iyon. Isa sa magandang memorya na meron ako sa kaniya. Hindi hindi ko na ata makakalimutan lahat ng memorya na meron kaming dalawa.
“Ang daya daya naman! Gusto ko sana i-bash ʼtong sinigang mo pero sobrang sarap!” halos humaba ang nguso niya sa pagmamaktol dahil sa sarap ng sinigang na niluto ko.
“Huwag mo na kasing i-bash, may talent talaga ako sa pag luto kaya paniguradong masarap ʼyan!” pag mamayabang ko sa harap niya.
“Parang isa na ʼto na sa favorite ko! Sinigang sa hipon!”
“Ako lang nakakagawa niyan” sabi ko at mayabang na tumingin sa kaniya.
“Oo na! Puwede ka na mag asawa!”
Napatingin ako sa kaniya pero tuloy tuloy lang siya sa pagkain. Lumapit ako sa harap niya at itinungko ang singko ko napatingin naman siya sa akin habang kumakain.
“Talaga? Puwede naʼko mag asawa?” tanong ko at nakangiti na nakapalumbaba sa kaniya, tumigil naman siya sa pagkain.
“Hm,” umakto siyang nag iisip, inilagay ang kamay sa ilalim ng baba at tumigin sa taas bago ibalik ang tingin sa akin. “Oo naman, puwede na, nasa tamang age ka naman na”
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...