19

172 13 28
                                    

A/n: No comment for this chapt sana mag enjoy kay while reading. 😣

Biglang bumukas ang pintuan kaya naputol ang tinginan namin ni Alice. Umayos ako ng upo at inayos ang mga nakalagay sa lamesa habang siya naman ay tumingin sa pintuan.

“Anong nangyari?”

Nag papanic na pumasok doon si Mark, pareho kaming nag angat ng tingin sa kaniya. Agad siyang lumapit kay Alice at tiningnan ito.

“What are you doing?” tanong ko nang hawakan niya sa balikat si Alice. “Stop doing that”

“Bitawan mo nga ako!”

Pareho kaming nagulat ni Alice nang tabigin niya ang kamay ko. Hindi siya nakinig sa akin at patuloy na sinusuri si Alice.

“Mark, ano bang ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Alice dahil sa ginagawa niya.

“May nangyari raw sayo?” nag papanic na tanong niya. “May ginawa ba sayo ʼtong lalaki na ʼto, ha?!”

Nangunot ang noo ko nang ituro niya ako habang nakatingin kay Alice. Kahit si Alice ay naguguluhan sa ginagawa niya.

“Ano? Wala,” sagot ni Alice at tinanggal ang pagkakahawak sa kaniya. “Ano bang nangyayari sayo?”

Imbis na sagutin si Alice ay humarap sa akin si Mark at hinawakan ako sa kwelyo. Pareho kaming nagulat ni Alice, sumenyas ako sa kaniya na lumayo siya dahil baka mapano pa siya!

Tinayo ako ni Mark habang hawak ang kwelyo ko! Aaminin kong mahigpit ang pagkakahawak niya dahil nasasakal ako at nahihirapan din huminga.

“Mark, tama na!”

Hinila niya ako palabas ng office habang hawak ang kwelyo ko at sinandal sa pader. Pilit kong hinahawakan ang kamay niya para pigilan pero masyado siyang mahigpit humawak kaya para akong malalagutan ng hininga sa hawak niya!

“Ano bang problema mo?” nahihirapang sabi ko, ramdam ko na rin ang tingin ng mga tao.

“Jusko! Anong nangyayari dito?!” rinig ko ang boses ni Miguel

“Gray!” nakita kong lumapit si Karl para tulungan ako pero dinuro na siya ni Mark. “Bitawan mo kaibigan ko!”

“Wag kang makielam dito!”

“Tama na, Mark!”

Napatingin ako kay Alice, nakatayo siya sa harap ng pintuan ng Mayor's Office. Gusto kong itulak si Mark para tulungan si Alice dahil alam kong nanghihina rin siya.

Ano bang nangyayari

“Sabi ko saʼyo Gray, walang saʼyo kaya ʼwag kang nang aangkin!”

Kita ko ang galit sa mata niya habang hawak ang kwelyo ko, pilit kong nilalabanan ang lakas niya para bigyan ng hangin ang sarili ko dahil nahihirapan din akong huminga!

“Huwag ka rin umastang mayroon saʼyo dahil pareho lang tayo,” nahihirapan man ay sumagot ako kaya lalong humigpit ang hawak niya!

“Ang dami dami diyang iba, Gray, ʼwag si Alice,” madiin na sabi niya.

“Madami palang iba bakit hindi ikaw ang maghanap?”

“Gago ka pala, eh!”

Mukhang natamaan ko ang ego niya kaya walang ano ano ay sinuntok niya ako! Muntik na akong tumumba sa lakas ng suntok niya mabuti na lang ay nakahawak ako sa pader.

Argh

“Mark!”

“Gray!”

“Jusko!”

Mayor AliceWhere stories live. Discover now