17

162 8 11
                                    

A/n: Last po for tonight! I hope nag enjoy po kayo huhu. Enjoy reading po!

“Huwag mo munang buksan, hintayin na lang natin sila matapos”

Pinigilan ko si Miguel nang akmang bubuksan niya nang tuluyan ang pintuan. Nagtataka siyang tumingin sa akin pero sumunod din.

“Paano ʼyung gamot mo, pre?” tanong ni Karl

“Gamot ba ʼyan?” tanong din ni Miguel habang nakatingin sa paper bag na dala ko.

“Oo,” sagot ko at pinakita ang laman sa loob.

“Bigay mo na!” akmang ni Miguel ang pintuan nang hawakan ko siya kamay.

“Mamaya na,” sabi ko at pilit na ngumiti sa kaniya. “Mukhang nakainom na rin siya ng gamot”

“Pero matutuwa ʼyon pag nalaman na nagbigay ka!”

“Oo mamaya ibibigay ko,” sabi ko sa kanila at sumilip ulit sa pintuan.

Nakinig ako sa pinag uusapan nila dahil mukhang seryoso iyon. Bakas na bakas sa pagkakakunot ng noo ni Alice ang inis at pag ka seryoso.

“Mawawala lagnat ko sa inyo,” sabi ni Alice at pagbagsak na binitawan ang ballpen na hawak sa lamesa na ikinabigla nang lahat maski kaming nakikinig. “Gusto ko lang naman ng solution bakit hindi niyo mabigay?”

Nabigla ako nang makita si Alice sa ganoong tono. Nakita ko na siyang mainis at mag seryoso pero ʼyung magalit ay ngayon pa lang.

“Hala, galit?” tanong ni Karl na nakikinood din.

“Oo, kasi naman ilang dekada na rin wala pa rin silang solution na binibigay para sa tubig,” sabi ni Miguel kaya napatango tango ako. “Kung hindi pa sila ipatawag ni Mayor wala silang mabibigay ng statement”

“Syempre, hindi ko naman hahayaan na bayaran ng mga tao ko ʼyung tubig na hindi naman nila nagagamit,” seryosong sabi ni Alice. “Kayo kaya magbayad ng tubig na kulay brown tapos may amoy pa, babayaran niyo ba?”

Napalunok ako nang makita kung gaano siya kaseryoso ngayon. Nakalimutan kong may lagnat siya dahil mas mainit ngayon sa loob ng opisina niya dahil sa galit niya.

“Hindi po, Ma'am. Sorry po,” sagot nang lalaki na nasa harap niya, mukhang iyon ang kausap.

“Ayaw na po namin ng sorry, Kuya, gusto po namin ay solution,” tinuro ni Alice ang papel at pinakita iyon sa lalaki. “Puro sorry na lang kasi natatanggap ng mga kababayan ko sa mga nakaraang taon”

Kakatwang kahit galit ay hindi niya pa rin nakalimutan maglagay ng pag galang sa kausap. Pero ang katotohanang galit siya ngayon ay hindi magandang ideya.

“Opo, Ma'am. Pasensya na po talaga, sasabihan po namin ang head para ma inform din po sila”

“Papuntahin niyo sila dito pero dapat may dalang din silang solution,” tumawa siya at bakas ang pagiging sakristo. “Baka mamaya pupunta lang sila pero walang solution, huwag na”

“Opo, Ma'am. Sasabihan po namin”

Halos si Alice lang nag nagsasalita dahil lahat nang kasama niya maski kaming nakikinig ay natahimik sa nakita. Hindi ako sanay na ganito siya at ngayon ko lang ʼto nakita.

Halatang halata na dissapointed siya sa kausap dahil walang makitang solution. Ang pag kunot ng noo niya sa tuwing may isasagot ang kaharap ay senyales na malapit na sumabog ang galit sa loob niya.

Wow, she's on fire

Natapos ang meeting na ʼyon at isa isang lumabas ang mga tao sa loob. Nag paalam si Miguel na pupunta sa ibang department kaya sumama si Karl, naiwan naman ako sa labas at hinihintay na matapos ang meeting nila.

Mayor AliceWhere stories live. Discover now