A/n: Please listen to 14 by Silent Sanctuary while reading. Enjoy reading!
“Anak ng tokwa! Ano bang trip ʼto, Montenegro ha?!”
Halos hilain ni Karl ang kwelyo ko nang sunduin ko siya kinaumagahan sa bahay niya. Natutulog pa siya nang dumating ako kaya agad ko siyang tinayo pag pasok ko sa kwarto niya.
“Saan ba tayo kasi pupunta?!” tanong niya nang makasakay sa sasakyan. Nag rereklamo man ay sunod pa rin siya nang sunod.
Kakaiba talaga
“La Union,” sagot ko habang nag dadrive. Tumingin ako sa side mirror kung nakakasabay ba sila Kuya Roel sa likod ko dahil kasama ko rin sila.
“La Union?! Anong gagawin mo doʼn?!”
“Ano ba, huwag ka nga sigaw nang sigaw! Sa tenga ko pa talaga?”
Sumandal siya sa upuan at pinag krus ang braso niya habang nakaharap sa akin.
“Hoy, Gray Montenegro! May karapatan din naman siguro akong malaman kung saan mo ʼko dadalhin ʼno!”
“Sa La Union nga, ʼdiba?” pabalik balik ang tingin ko sa kaniya at sa daan.
“Ano nga gagawin mo doon?”
Ngumiti ako sa kaniya at tumingin sa daan. “Mag popropose,”
Natahimik ang sasakyan, nang hindi siya magsalita ay lumingon ako sa kaniya. Papikit pikit ang mata niya at tila pinoproseso ang sinabi ko.
“ANO?!”
Ang natural na pagka-OA ay lumabas sa kaniya. Hinawakan niya ako sa balikat at inalog alog ako kaya kinailangan ko pang itulak ang mukha niya dahil kung hindi siya titigil ay mababangga kami sa gitna ng daan!
“Ano ba! Ilugar mo ʼyang pagka OA!”
“Anong sabi mo bro? Mag popropose ka na?! Eh, wala pa nga kayong label!”
“Ewan ko sayo, isipin mo kung ano gusto mong isipin,” sabi ko habang nakatingin sa daan.
“Anak ng tokwa! Ikaw pala ang mabangis!”
Inilingan ko siya at hindi na sumagot kahit na puro pang aasar ang ginagawa niya habang nasa biyahe, nag patuloy lang ako sa pag dadrive dahil masyado akong masaya para mapikon sa mga pang aasar niya kaya mas imbis na maasar sa pang aasar niya ay natatawa na lang ako.
Dumaan kami sa drive thru para bumili ng makakain dahil pare-pareho kaming walang kinain sa almusal. Kailangan namin umalis ng maaga dahil biglaan ang proposal na ʼto kaya kailangan din maayos ang venue bago mag sunset.
Nag message na rin si Isca sa akin kanina na nandoon na raw siya para ipaayos sa staff niya ang venue. Nagdala rin ako ng ilang staff ko para makatulong sa pag aayos.
At isa pa sa dahilan kung bakit gusto kong makarating agad doon ay dahil hindi alam ni Isca na kasama ko si Karl. Wala rin alam si Karl sa napag usapan namin kagabi ni Isca, hindi niya pa rin alam na may gusto sa kaniya si Isca. Hindi na talaga ako makapag hintay magkita silang dalawa.
“Wow, paradise!”
Maliwanag na at kita na ang araw nang makarating kami, inayos ko ang parking ng sasakyan sa harap ng villa ni Isca. Sa labas pa lang ay sinalubong na kami ng mga staff niya.
Mahaba ang villa na meron siya, mula dito sa entrance ay rinig na rinig ang alon ng dagat at malamig din ang hangin. Isinabit ko ang shades ko sa polo na suot ko at naglakad papasok sa entrance.
“Good morning po!”
Ngumiti ako sa mga staff niya na sumalubong sa akin at nakipag kamayan ako. Hindi ko inaasahan na ganito ang pag salubong nila, ang inaasahan ko ay kami na ang gagalaw pag dating dito at mag ooverview na lang sila pero hindi iyon nangyari dahil talagang nag abala si Isca.
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...