33

153 12 33
                                    

A/n: Hulaan niyo na lang kung kaninong POV, enjoy reading po!

“They still unconscious, mabuti at naagapan agad ang mga sugat nila lalo na ang sugat niya sa ulo,”

Tumango ako pagkatapos sabihin iyon ng Doctor. Nang makalabas ang mga Doctor na tumingin kina Alice ay lumapit ako sa higaan kung nasaan sila.

Hawak ko ang baso na may laman na wiskey sa kamay ko habang nakatingin sa gauze na nasa noo niya. Bumaba ang tingin ko sa braso niyang may pasa at napatitig doon.

Saan galing ʼyan?

Nang tingnan ko naman ang bata na kasama niya kanina ay payapa rin itong natutulog at may iv na nakakabit katulad ni Alice.

Napabuntong hininga ako at lumabas ng kwarto para pumunta sa terrace bitbit ang baso ko. Doon ko naalala kung ano ang nangyari kanina. Tandang tanda ko pa kung paano namin sila naabutan kanina.

Kitang kita ko kung paano tinatapangan ni Alice ang sarili habang hawak ni Mark kahit na tinatraydor siya ng takot niya.

Napatingin ako sa braso ko nang makita ang mga kalmot doon na nang galing sa kaniya nang maisakay namin sila sa van. Kahit ang pag mamakaawa niya ay naririnig ko pa rin. Pag mamakaawa na huwag saktan ang batang kasama niya at hindi man lang sinama ang sarili niya.

“Please.. don't hurt her..” hirap na hirap na sabi ni Alice habang nakapiring ang mata. Nanatili ang tingin ko sa kaniya at hindi nag salita.

“Mommy, I'm scared po,” sabi ng bata na katabi niya at nakapiring din ang mata habang umiiyak.

“I-Im here, hindi kita iiwan, don't be scared,” sinikap niyang tapangan ang boses niya.

Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa dalawa. Patuloy sa pag tulo ng dugo ang noo ni Alice at napansin ko rin na may pasa siya sa braso, tumingin ako sa bata at doon ko naman nakita ang sugat sa kamay nito.

Tumingin ako sa likod ng van at nakita kong maraming pulis ang nakasunod sa amin. Bumulong ako sa driver na bilisan at ilihis ang sasakyan para makatakas sa mga pulis.

Inubos ko ang laman ng baso ko at kumuyom ang palad. Naihagis ko kung saan ang hawak kong baso nang hindi mapigilan ang galit ko.

Sila ang bayad sa lahat ng ginawa mo, Mark. Maghanap ka ngayon sa dilim, tingnan natin

Narinig kong bumukas ang pintuan kaya huminga ako ng malalim. Narinig ko ang mabibigat na tapak papalapit sa terrace kung nasaan ako.

Hindi pa rin ako lumingon nang maramdaman kong nakalapit na siya. Hinubad ko ang mga hand protector at mask na suot ko. Tinupi ko ʼyon at naglakad papasok sa sala.

“Gray,”

Doon pa lang ako lumingon sa kaniya. Tumingin ako saglit sa pinto kung nasaan sila Alice bago umupo sa sofa.

“Nakatakas daw si Mark,” sabi niya at naupo rin sa sofa na katapat ko.

“Inaasahan ko na ʼyan Kuya,” sagot ko kay Kuya Roel.

Hindi na ʼko magtataka. Sa dalawang taon na pag mamasid sa kanila, nakabisado ko na ang galawan ni Mark. Oo, dalawang taon, dalawang taon na silang sinusundan ni Kuya Roel at alam ko ʼyon.

Naalala ko pa nang magising ako sa ICU ay si Kuya Roel ang nasa tabi ko. Halos mangiyak ngiyak siya habang nakatingin sa akin noon. Tandang tanda ko pa kung paano ako ginising ng mga salita niya na tumatak sa akin hanggang ngayon.

“Gray,” rinig kong may tumawag sa akin, madilim ang paligid pero sigurado akong may tumawag sakin.

“Gumising ka Gray, igaganti kita sa mga gumawa sayo nito,” rinig kong sabi niya. Nangunot ang noo ko at pilit na binobosesan ang nagsasalita. “Tumayo ka riyan at bawiin natin kung ano ang sayo”

Mayor AliceWhere stories live. Discover now