"Gising na"
Dahan dahan niyang minulat ang mata niya at inaantok na kinusot iyon bago lumingon sa matandang nag palaki sa kaniya. Ngumiti sa kaniya ang matanda na agad niyang ginantihan at nang makalabas ito ay saka pa lamang siya bumangon mula sa pagkakahiga at kinuha ang sariling twalya para maligo.
Bago pumasok sa banyo ay napadaan siya sa maliit na lamesa sa para tingnan ang telepono niyang kanina pa tunog nang tunog na isa sa gumising sa kaniya. Inaantok man ay agad na sumilay ang maganda niyang ngiti nang makita ang sunod sunod na mensahe mula sa iba't ibang tao na espesyal sa kaniya.
Pero bago buksan iyon ay dumiretsyo na siya sa banyo para maligo at maghanda sa panibagong araw na haharapin niya. Alas otso na nang umaga nang ginising na siya ng kaniyang Nanay Flora dahil kailangan nitong maghanda para sa isang okasyon na mangyayari mamaya.
Binalot niya ang mahaba niyang buhok gamit ang twalya at saka pa lamang lumabas nang matapos. Naupo siya sa harap ng malaking salamin at doon inayos ang sarili at nang masiguradong ayos na ang sarili ay saka pa lamang siya bumaba para mag agahan. Agad siyang napangiti nang maabutan ang kaniyang Nanay Flora sa hapagkainan habang naghahanda ng umagahan.
Ang ugaling pala ngiti ay talagang hindi na maalis sa kaniya. Tuloy ay kilala siya ng mga tao sa paligid niya bilang isang masiyahin. At kung sumimangot man ay bilang lang sa daliri niya.
Naupo ang siya sa harap ng malaking lamesa at agad naman siyang pinagsilbihan ng kaniyang Nanay Flora. Ngumiti ang matanda sa kaniya at wala nang kasing ganda ang ngiting ibinalik niya sa matanda, ang natural na saya ay makikita sa kaniyang mata.
"Flora, naghanda ka na ba ng umagahan?"
Sabay na lumingon ang mag-lola sa gawi ng pintuan nang marinig ang isang pamilyar na boses. Agad niyang sinalubong ng isang magandang ngiti ang asawa ng kaniyang Nanay Flora na agad naman nitong ginantihan.
"Tay," pagbati niya sa asawa ng kaniyang Nanay Flora na kung tawagin niya ay Tatay Roel.
"Gising ka na pala," sabi nito at naupo sa upuan na nasa harapan niya.
"Ayan, kumain na kayo at maaga pa tayong aalis papunta sa bayan," sambit ng kaniyang Nanay Flora habang pinagsasandok siya ng kanin.
"Opo,"
Kumuha siya ng ulam at nag lagay sa sarili niyang pinggan. May parte sa kaniya ang naninibago dahil hindi siya sanay na tahimik ang hapagkainan sa tuwing sila ay kumakain. Madalas noon ay puno ang malaking lamesa sa harap niya at sabay-sabay sila kumakain katulad ng nakalakihan niya pero ngayon ay nakakapanibago na.
"Celestine,"
Lumingon siya sa gawi ng hagdan nang marinig niyang tawagin ang pangalan niya. Agad siyang ngumiti nang makita ang kinalakihan niyang Ina na pababa sa hagdan bitbit ang susi ng sasakyan nito at mukhang nagmamadali pa.
"Mommy," pag tawag ni Celestine habang hinihintay ang Mommy niya na makalapit sa kaniya.
Tumingin muna ito sa mga nakakatanda at nagmano bago dumitretsyo sa kaniya at humalik ito sa ulo niya. Inayos ng Mommy niya ang mahaba niyang buhok kaya nangangiti naman siyang nag angat ng tingin dito.
"Kailangan ko nang mauna, ha?" sabi ni Alice kay Celestine bago tumingin sa dalawang matanda na nasa harapan nila. "Kailangan po kasi kumpleto na kami bago mag simula ang program at ako na lang daw po ang hinihintay"
Ngumiti ang kaniyang Nanay Flora at tumayo mula sa upuan nito. Kinuha nito ang isang tupperware at nilagay iyon sa paper bag bago iabot kay Alice.
"Iyan, pinagbalot kita dahil alam kong hindi ka na makakain dito ng umagahan," nakangiting sabi ni Nanay Flora bago kuhanin ni Alice ang paper bag. Nanatili naman ang paningin ni Celestine sa pinggan niya.
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...