5

178 9 5
                                    

Habang nasa biyahe ay itinuon ko lang ang paningin ko sa bintana at malalim ang iniisip. Nasa ganoong lagay nang mapag tanto ko na nandito na kami sa Trade Fair na sinasabi ni Alice, mukhang isang mahabang kalsada na puno ng booth.

Tumingin ako sa paligid at mula sa loob ng sasakyan ay rinig na rinig ang tugtog na nang gagaling sa labas. Marami rin ang taong nakapaligid sa sasakyan namin lalo na sa mga unang sasakyan.

Nang tingnan ko ang sasakyan niya sa harap namin ay pinagkakaguluhan na iyon ng mga tao. Pinanood ko kung paano siya bumaba at sundan ng tao papasok sa trade fair.

Nang mawala siya sa paningin ko ay sakto naman may kumatok sa bintana ko. Nang makita kong si Miguel iyon ay bahagya kong binaba ang salamin.

"You can go now, Sir. I'm with you, hinabilin ka po ni Mayora sakin," kumindat pa siya sa akin bago buksan ang pintuan. “Tara po”

"Thank you"

"Thanks to Mayora, baka magalit sa akin iyon pag pinabayan kita," natatawang sambit niya, natagilan naman ako. "Charez!" sabay hampas sa braso ko.

Ibinaba ko ang cap ko at sumunod kay Miguel. Mabuti na lang at kakaunti na lang ang tao sa entrance dahil ang lahat ay nakasunod kay Alice.

"Nandito na rin po ang ating minamahal na Mayor! Mayor Alice Leal!"

Mula dito ay kita kita ko kung gaano ka approachable si Alice sa mga nadadanan niya. Malaya siyang naglalakad at hinihintuan ang mga taong gustong mag papicture sa kaniya.

Hindi ko tuloy maiwasan maipagkumpara siya sa ibang alkalde. Ang iba ay halos palibutan ng guard sa paligid habang naglalakad pero si Alice ay talagang humihinto para makipag usap at ang nakatawa pa ay kung sino sino pang bata ang binubuhat niya.

Huminto kami ni Miguel hindi kalayuan sa kaniya. Busy siya sa pakikipag usap at pag bibigay ng atensyon sa mga tao sa paligid niya.

"Ang totoo niyan Sir, kami ang napapagod para kay Mayora. Lakad dito, lakad doon, bili dito, bili doon. Halos lahat ay kakawayan niya," nakangiting sambit ni Miguel habang nakatingin sa amo niya na ngayon ay huminto sa isang booth. "Nandito na naman tayo sa serye na mamalengke na naman siya," bulong niya at may kinuha sa bag, nang makita kung anong kinukuha niya ay isa iyong wallet.

"Guel! Guel!" maikling tawag ni Alice sa pangalan ni Miguel

Nag angat ako ng tingin nang marinig si Alice na tumawag. Nagkatinginan kami at mukhang nagulat pa siya na nandoon ako. Ngumiti ako sa kaniya kahit na hindi kita ang buong mukha ko dahil sa face mask na binigay ni Miguel pero kakatwang ngumiti rin siya at kumaway tanging pag tango na lang ang sinagot ko para hindi mahalata.

Inabot ni Miguel kay Alice ang pera at sa oras na natanggap niya iyon ay kung ano ano ang pinagbibili niya at pagkatapos ay ipinamimigay din. Bawat booth ay ganoon ang ginagawa niya, kung ano ang paninda ay pinapakyaw niya at ipamimigay pagkatapos.

"Mayora!" sigaw nang isang bata mula sa likod namin kaya napatingin ako doon

"Yeeees?" mahabang sagot ni Alice kaya natatawa ang karamihan

"I love you!"

"I love you, too!" nakangiting sagot ni Alice at sinalubong ng yakap ang bata. Napangiti naman ako kasama ang iba pang nanonood.

"Kay bait na bata, noon ay walang buhay ang bayan pero nang dumating siya ay siya ang nag bigay ng kulay dito"

Napatingin ako kay Lola na nagsalita sa gilid ko, katulad ko ay naka silop din ang kamay niya sa likod at nanonood kay Alice.

"Ako po ba ang kausap niyo, Lola?" tanong ko at tumingin sa paligid, ngumiti lang siya sa akin at ibinalik ang tingin kay Alice.

"Mukhang ikaw nga dahil ikaw lang naman ang nandito"

Mayor AliceWhere stories live. Discover now