Miguel's POV
"Ano ba ʼto, hihikain pa yata ako kakaihip sa lobo na ʼto, eh!"
Napatingin kami kay Karl dahil sa pag rereklamo niya. Natawa kami nang makitang hirap na hirap siyang palobohin ang lobo na hawak niya dahil kahit anong ihip niya ay hindi iyon lumalaki.
"Stupid, kaya nga may machine!"
Halos lahat ng staff ng munisipyo ay gulat na nakatingin sa kanilang dalawa ni Isca nang batukan niya si Karl bigla. Natawa na lang ako dahil normal lang sa amin iyon.
Nilibot ko ang paningin ko sa venue. Kailangan namin mag ayos ngayon dahil may awarding na magaganap mamaya. At hindi lang basta awarding iyon dahil recognition na rin ʼyon para kay Mayor.
Speaking of. Noong nakaraang araw pa siya huling nakita dito sa munisipyo. Mag mula noong akala nila ay na kidnap siya hindi pa siya bumabalik ulit dahil inadvise rin siya na unahin muna ang safety niya lalo naʼt nakatakas si Mark sa mga pulis nang araw na ʼyon.
Nakakaloka na lang talaga kung maaalala ang mga nangyari noong araw na ʼyon dahil may pa kidnap effect pang nalalaman, eh si Gray lang naman pala! Naimbyerna ang beauty ko doon!
Tuloy ay isang batalyon ang mga pulis na nag kalat ngayon sa labas at sa loob ng venue hall dahil bukod sa dadating si Mayora ay usap usapan din na dadating din si Gray kaya ganoon na lang kahigpit ang security.
Pak ang mga bading, tingnan ko na lang kung makapag bang bang pa si Kuya niyong Mark!
"Hindi nga ganiyan Isca, hindi ka naman sanay mag palobo, eh!"
"May measurement din sa pag papalobo, kung lobo ka lang nang loob puputok ʼyan!"
"Tyansado ko, okay?"
Lumapit ako kina Karl nang marinig na nag tatalo na naman sila sa pag papalobo ng lobo na ilalagay sa stage. Malay ko ba sa dalawang ʼto, naturingan matataas ang posisyon sa sarili nilang kumpaya ewan ko kung bakit nandito at nag hahangin ng lobo.
"Huwag na kayang hanginan, aber," pag singit ko sa gitna nila kaya napatingin sila sa akin.
"Si Alfo kasi, sobrang laki na nung lobo na hawak niya hangin pa rin nang hangin!" sabi ni Isca at inirapan si Alfonso na ngayon ay nasa kabilang gilid ko.
"Eh, tyansado ko naman ʼyung hangin, alam ko kung puputok o hindi, okay?" talagang dumukwang pa si Alfonso sa harap ko para lang makita si Isca sa kabilang gilid ko.
"Nye nye, whatever," sagot ni Isca at pasiring na tiningnan si Alfonso.
Nasa'n ba ang mga magulang ng mga CEO na ʼto at hinayaan na mag pagala gala ang anak nila sa munisipyo. Ako ang sinasakitan ng ulo!
"Hayaan niyo na sa staff ʼyan kung mag aaway lang kayo dahil sa lobo," hinila ko silang dalawa papunta sa isang table para kausapin.
"Bakit? Anong meron?" agad na tanong ni Alfonso nang maupo sa table.
"Birthday ngayon ni Celestine at ang alam ko bago pumunta dito sila Gray ipapasyal muna nila si Celestine," pag kwento ko sa nalaman ko galing kay Mayor.
"Talaga?"
"Oo, 6PM pa naman ang start ng program kaya may time pa sila,"
"Yun na ʼyung celebration nila? Hindi man lang tayo sinama?" tanong ni Isca.
Tumingin ako sa paligid, kaming tatlo lang ang nasa table kaya walang makakarinig samin dahil ang lahat ng staff ay busy sa pag aayos. Tinukod ko ang dalawa kong braso sa lamesa at agad naman nilang naintindihan na pang sa amin lang ang usapan kaya agad din silang lumapit.
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...