A/n: bulagaaaa, not absent for today hehdhehsge enjoy reading po!
"Para saan ʼyon?"
Tanong ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung bakit niya ako sinampal bigla. Ang gulat at galit sa akin ay nag lalaban dahil para akong kinakain ng nakaraan at naalala ang ilang sampal na nakuha ko rin sa kaniya noon.
Pero agad din akong natigilan nang mag sunod sunod ang pag tulo ng luha niya. Hawak niya ang noo niya at pilit na pinapakalma ang sarili pero kahit anong gawin niyang pagpapakalma ay tinatraydor siya ng pag iyak niya.
"Ang tagal mo.." humihikbing sabi niya at pinunasan ang luha niya gamit ang likod ng palad niya. "Ang tagal tagal kitang hinintay.."
Natahimik ako habang nakatingin sa kaniya. Tinakip niya ang palad niya sa mukha niya at naupo sa paanan niya at doon umiyak na parang bata. Ang bawat pag galaw ng balikat niya ay ang hikbi na kumakawala sa kaniya.
"Alice.."
Sinubukan ko siyang lapitan, lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan siya sa balikat. Nag angat siya ng tingin sa akin at lumamlam ang mata ko nang makita ang sakit sa mata niya.
"Buong akala ko wala na ʼko sayo.." umiiyak na sabi niya at napakunot naman ang noo ko. "Kung daan daanan mo ʼko parang hindi mo ʼko kilala.."
"Halos mamatay na ʼko wala ka pa rin, ang akala ko mamatay na lang ako doon nang hindi ka nakikita.."
Umiling ako habang nakatingin sa kaniya. Niyakap ko siya at doon lumakas ang iyak niya. Nangilid ang luha ko habang hinahagod ang likod niya. Ang mga iyak niya ang nag sasabi sakin kung gaano kasakit ang pinag daanan niya habang wala ako.
"Ang tagal tagal kitang hinintay, Gray.." humihikbing sabi niya habang nasa balikat ko. "Akala ko habang buhay na ʼko doon.."
"No," sabi ko at humigpit ang yakap sa kaniya. "No one can hurt you now, I'm here.."
Umiyak lang siya nang umiyak sa balikat ko, hindi ko ininda ang malamig na sahig dahil ang nasa isip ko ay gusto kong malaman ang pinagdaanan niya nang wala ako. Gusto kong malaman kung iyong pasa lang ba sa braso at sugat lang ba sa noo ang nakuha niya sa nagdaang dalawang taon o may iba pa.
"Nandito na ʼko, hindi kita iiwan,"
Pasimple kong pinunasan ang pisngi ko bago bumitaw sa kaniya. Pinilit kong ngumiti at hinawakan ang salamin niya para tanggalin. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang pisngi niya kahit na patuloy ang pagtulo ng luha galing sa mata niya.
Habang ginagawa iyon ay nakatingin lang siya sa akin at hindi nag sasalita. Napabuntong hininga ako nang matapos punasan ang luha niya. Binalik ko ang salamin at nginitian siya.
"There you go," sabi ko at hinawakan siya sa balikat.
Hindi siya nag salita at nag iwas lang ng tingin. Hindi na yata matatapos ang mata niya sa kakaiyak dahil kahit kapupunas ko lang doon ay may nag babadya na naman.
It pains me to see you like this
"How are you? How's your head?" tanong ko sa kaniya nang hindi siya mag salita pero imbis na sagutin ako ay nag iwas lang siya ng tingin.
"Ikaw ʼyung nasa van?"
Hindi ako nakasagot. Sinundan ko ang tingin niya at natigilan nang makitang nakatingin siya sa mask at hand protector na iniwan ko sa ibabaw ng lamesa kagabi. Napa buntong hininga ako at tumingin sa kamay ko.
"Yes,"
Napapikit ako nang maramdaman ko na naman ang palad niya pero sa pag kakataong iyon ay hindi na sa pisngi ko kung hindi sa mga braso ko.
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...