Pinower off ko ang phone ko at ibinulsa. Nakatulala ako habang nakaupo sa swing na nakita ko hindi kalayuan sa evacuation center.
Dahil may kataasan ang lugar makikita dito ang view sa ibaba. Hindi naman masyadong mataas pero sapat na para makita ang mga bahay at taniman sa baba.
Napabuntong hininga ako nang maalala ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Ngayon ko lang nararamdaman ʼyung ganoon kalakas na tibok ng puso na halos habulin ko ang hininga ko dahil sa pagkakapos ng hangin.
Kailangan ko mag isip kung ano ba talaga ʼtong nararamdaman ko dahil nagkakaganito lang ako sa tuwing si Alice ang kaharap ko at hindi na normal ʼyon.
Kaya hindi mo maamin dahil ikaw mismo tinatanggi mo sa sarili mo!
Umalingawngaw sa pandinig ko ang sinabi ni Karl kanina. Kaya ba hindi ko aamin ay dahil palagi akong may excuse?
May gusto na ba talaga ako kay Alice?
Ang kaba sa dibdib ko ay nabuhay dahil sa tanong na ʼyon. Kung tutuusin ay madali lang sagutin ang tanong na ʼyon, oo o hindi lang ang sagot pero bakit parang hirap na hirap akong sabihin?
Ang hirap naman nito, bigyan mo na lang ako ng sign, Lord
Nag stay pa ako doon saglit habang nakatulala kung saan bago mapag desisyonan na bumalik sa evacuation area. Tatayo na sana ako nang may makitang batang babae na nakatingin sa akin. May hawak itong dalawang lollipop sa dalawang kamay at nakatayo sa likod ko.
Nag titigan kami at nag hihintay kung sino ang unang mag sasalita sa aming dalawa. Mukhang wala siyang plano mag salita dahil nakatingin lang siya sa akin.
“Hello,” bati ko sa kaniya.
Imbis na mag salita ay inabot niya sa akin ang isang lollipop, nag tataka ko iyong tiningnan.
“Open?” tanong ko kung bubuksan ba ang lollipop ngunit umiling ito. “Sakin?”
Tumango siya kaya napangiti ako. “Thank you”
May tinuro siya sa likod niya kaya napatingin ako doon. Natigilan ako nang makita si Alice na nakatayo doon at nakatingin sa amin.
“Nandito ka lang pala,” nakangiting sabi niya at lumapit sa akin. Pinanood ko siyang kuhanin ang kamay ng bata at maupo sa tabi ng swing ko, binuhat niya ang bata at inupo sa kaniya. “Kanina pa kita hinahanap”
Nag iwas ako ng tingin, hindi ko intensyon na iwan siya kanina. Sadyang hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa naramdaman ko.
“Nag papahangin lang,” palusot ko.
“Okay ka lang?”
Tumingin ako sa kaniya, nakatingin siya sa akin pero agad din binalik ang tingin sa bata nang mag pabukas ito ng lollipop.
“Oo naman,” nakangiting sagot ko rin. “Nag pahangin lang talaga ako”
“Akala ko na off ka sa sinabi ni Kap. Mark,” pag papaalala niya sa sinabi ni Mark, umiling naman ako.
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...