A/n: For tonight POV muna tayo ni Karl two chapters and please listen to Muli by Ace Banzuelo while reading! Enjoy reading po!
Karl's POV
Lumipas ang araw, linggo, buwan at mga taon. Maraming nangyari sa loob ng dalawang taon. Nag patuloy ang buhay ng bawat isa at kinalimutan ang masalimuot na nakaraan.
Kung ako ang tatanungin? Mas gumwapo ako kaysa sa nagdaang taon. Nadagdagan ang edad pero mas lalo yatang bumabata ang itsura ko.
Nag patuloy ako sa pag tatrabaho sa kumpanya ni Gray at sa paglipas ng taon ay unti unting umangat ang posisyon ko.
Speaking of Gray, he's out of the country for consistent two years. Pagkatapos nang nangyari sa kaniya ay nag desisyon siyang umuwi sa ibang bansa at doon muna mag stay for good. Noong una ay nag aalala pa kami sa kaniya pero naging kampante rin sa huli dahil nag presinta si Isabel na samahan siya sa US kaya dalawa silang nawala sa Pilipinas.
Dahil wala si Gray ay ako ang sumalo ng posisyon niya. Ako ang nag handle ng Montenegro INC for consistent two years, at hindi naman sa pagmamayabang dahil unti unti habang ako ang nag hahandle ay lumago naman ito.
Hindi nga lang katulad pag si Gray ang nag handle, walang makakapantay doon
Kasabay ng pag usad ni Gray ay ang pagbaon din ng nangyari sa kaniya sa nakaraan. Wala sino man sa aming mga kaibigan niya ang nag banggit pa ng tungkol kay Alice matapos ang nangyari. Kahit ang pangalan ni Alice ay hindi nabanggit sa nagdaang dalawang taon.
Nakakapagtaka man pero hindi na rin nagtanong pa si Gray tungkol kay Alice pag gising niya. Halos mag turuan kami sa pag lapit sa kaniya noong panahon na nasa ICU siya dahil sa takot na baka magtanong siya tungkol kay Alice at hindi namin alam ang sagot pero pag gising niya ay walang pangalan na Alice ang nabanggit niya.
Sa isip ko ay nalulungkot sa nangyari sa kanila dahil tila parang nabura si Alice sa memorya ni Gray pag gising niya pero sa kabilang banda ay may mabuti na rin na ganoon dahil unti unti nakita ko ang pag usad ni Gray.
Hindi man niya sabihin ay alam kong mahirap din ang pinagdaan niya sa nagdaan na dalawang taon. Nandiyan na ʼyung kailangan namin siyang samahan sa mga check ups niya para sa mental health dahil dumaan din si Gray sa depression, nag cause ng trauma sa kaniya ang nangyari noong gabing ʼyon.
Dumaan din kami sa mga araw na kailangan namin siyang bantayan sa pag tulog dahil minsan ay kahit nakahiga na ay nakatulala lang siya habang nakatingin sa bintana at doon tahimik na nakatingin hanggang sa abutan ng umaga.
Pagkatapos din nang nangyari ay hindi namin siya nakitang umiyak o kahit mangilid man lang ang luha na isa sa ikinabahala namin.
Kinailangan namin mag adjust para sa kaniya dahil may mga bagay na dapat na hindi niya nakikita isa na diyan ang dagat at buhangin. Tandang tanda ko pa kung paano kami na alarma dahil grabe na lang ang lungkot na nakita namin sa mata ni Gray nang dalhin namin siya sa dagat. Tuloy ang masaya sana namin despidida para sa kanila ni Isabel ay nauwi sa Mcdo.
Kung tungkol naman kay Alice ang pag uusapan ay iilan lang ang impormasyon na alam ko sa kaniya magmula noong huli ko siyang nakita. Madalas ay si Miguel ang nag shashare tungkol sa nangyayari sa munisipyo at grabe nga raw ang pagbabago noon simula noong nalaman na ikakasal na siya kay Mark.
Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung alam na ba ni Gray ang tungkol sa engagement dahil gaya nga ng sinabi ko ay hindi na siya nagtanong tungkol kay Alice pag gising niya at wala rin ni isa sa amin ang nagtangka na sabihin iyon pero alam kong hindi malabo na nakarating na rin sa kaniya dahil naging matunog ang issue na ʼyon dahil naging kalakip noon ang pangalan niya.
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...