37

179 15 84
                                    

A/n: Halluuu, early me todayy dahil kaunti na lang ang natitirang mga chapters pero bago ʼyon, please listen to Maybe This Time by Sarah Geronimo while reading this chapter. Enjoy reading po! ^^

Karl's POV

"Bakit ba kasi nag mamadali kang pumunta doon Miguel, ha?" tanong ko kay Miguel nang matapos ang event.

Kahit kaninang hindi pa natatapos ang event ay nag aaya na siya pumunta sa rest house ni Gray sa batangas. Sa tuwing tinatanong naman namin siya ay basta lang ang isinasagot niya.

"Basta nga, halika na kasi!"

Hinila niya ako papunta sa van nasasakyan namin. Napatingin ako sa likod para tanawin sila Gray na ngayon ay palabas pa lang ng hall. Sa isang van na lang kami sasakay dahil dideretsyo na kami sa Batangas kung nasaan ang rest house ni Gray.

"Sandali lang kasi," hinila ko rin siya para pigilan ang pag pasok sa van.

Ano bang nakain nito at madaling madali?

"Tara na, anong oras na oh!" sabi niya pa at tumingin sa langit.

"Hintayin natin sila,"

Tumingin ako kina Gray na nag lalakad papalapit sa amin. Magkasabay na naglalakad si Alice at si Isabel habang si Gray ay nasa likod nila at buhat si Celestine na nakatulog na sa balikat niya.

"Alas dose na oh," sabi ni Miguel habang nakatingin din kung nasaan sila.

"Ayos nga ʼyon walang traffic," sagot ko sa kaniya.

"Mag be-beauty rest pa ʼko!"

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya, kaya pala madaling madali siyang umuwi ay dahil mag bebeauty rest pa siya. Halos makaladkad niya ʼko palabas ng hall dahil lang sa hinahabol niya ang beauty rest niya.

Grabe..

"Bakit hindi pa kayo sumakay?" tanong ni Gray nang makarating sa harap namin.

"Ewan ko ba dito kay Alfonso kanina ko pa inaaya may pa hila hila pa!" pagsumbong ni Miguel.

"Inaaya dahil mag bu-beauty rest ka pa?"

"Hindi lang ʼyun ʼno!"

"Oh eh, ano?"

"Basta!"

Ayan na naman siya sa basta niya. May tinatago talaga ʼto, eh. Feeling ko hindi lang sa beauty rest ʼto kaya siya nagmamadali, feeling ko may nakakausap ʼtong AFAM sa madaling araw kaya ganito.

"Gosh, kung ayaw niyong sumakay maiwan kayo dito dahil kung ako ang tatanungin gusto ko na rin matulog," sabi ni Isca at talagang hinawi pa ako dahil ako ang nakaharang sa pintuan ng van.

Tinulungan ko siyang buksan ang pintuan ng van dahil naaawa na rin ako kay Gray na kanina pa buhat si Celestine.

"Excuse me po,"

Napatingin kaming lahat sa nagsalita kaya pati ang pagpasok ni Isca ay naantala. Pasimple kong tiningnan mula ulo hanggang paa ang lalaking nasa harap namin, mukhang isa rin siya sa mga officials na nasa event kanina kung titingnan ang suot niya.

"Oh, Kons, nandito ka pa pala," bati ni Alice nang makilala ang lalaki.

"Ah opo, Mayor. May itatanong lang po sana ako kay Miss Isabel," napapakamot sa ulo na sabi noong lalaki.

Napataas ang kilay ko at napatingin kay Isabel na ngayon at busy sa pag pindot sa phone niya at tila hindi napansin ang presensiya ng lalaki sa harap namin. Tumingin kaming lahat sa kaniya at saka pa lamang siya nag angat ng tingin.

Mayor AliceWhere stories live. Discover now