12

167 13 17
                                    

A/n: Hello po! vv short update lang, will try later kung kaya po mag update! Spoiler: na slayed nila 🤭

Maghahapon na nang matapos ko ang mga pending emails ko. Isinara ko ang laptop at nakapikit na sumandal sa upuan.

Ah, pagod

Wala pa akong tulog simula kanina at hindi rin naman ako dinadalaw ng antok. Itinaas ko ang paa ko sa mababang lamesa at nakapikit na sinandal ang ulo sa upuan. Mabuti na lang at mag isa lang ako sa kwarto dahil kahit papaano ay makakapag pahinga ako.

Napangiti ako nang maalala ang nangyari kanina.

“Sino ʼyung special someone mo? Ipakilala mo naman sakin!”

“Ikaw, ʼdiba?”

Nakita kong natigilan si Alice, at halos pigilin ko ang ngiti ko nang makitang namumula siya. Hinampas niya ako at tumatawa kong sinangga iyon.

“Ano ba!” nahihiyang sabi niya at mahina akong hinampas. “I'm trying to help you na nga, eh!”

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at tinitigan siya, umiwas naman siya ng tingin kaya lalo akong natawa.

“Huwag mong sabihin..” sadyang binitin ko talaga kaya napatingin naman siya sa akin.

“What?”

“Huwag mong sabihin na kinikilig ka?” ngisi ngising tanong ko habang nakatitig sa kaniya.

Natigilan siya kaya lalo ko siyang pinaningkitan ng mata. Humarap siya sa akin at matapang din na tumitig sa mata ko.

“Hindi ʼno, duh!”

Tumawa ako at sumeryoso, siya naman ay parang batang naka krus ang braso at nakangusong nakatingin sa akin.

“Sus,” pang aasar ko pa sa kaniya. “Eh, bakit namumula ka, ha? Alice?

“Syempre mainit!” sabi niya at kunwaring nag papaypay gamit ang kamay. “So hot”

“Kinikilig ka, eh,” siguradong sabi ko at mayabang na tumingin sa kaniya. “Ayos lang ʼyan”

“Hindi nga!”

Tumango tango ako at tumingin sa kaniya. Nakatingala naman siya sa akin.

Tingnan natin

Bahagya akong bumaba para pantayan ang tingin niya. “May gusto ka sakin ʼno?”

Sa isip ko ay halos lumupasay ako sa tawa dahil ang gusto ko lang ay ang maasar siya pero hindi ko inaasahan na papantayan niya rin ang tingin ko habang naniningkit ang mata at nakangiti.

“Paano kung meron?”

Natitigilan akong napatingin sa kaniya. Tumaas ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa kaniya. Parang huminto ang lahat ng tao na nasa paligid namin at siya lang ang nakikita ko.

“Joke lang!”

Para akong nabunutan ng tinik nang sabihin niya ʼyon habang nakangiti at naka peace sign. Inilingan ko siya at bahagyang ginulo ang buhok niya pag katapos noʼn ay nag paalam na ako na may gagawin.

Napailing ako nang maalala ʼyon. Aaminin kong nagkaroon ng epekto sa akin ʼyon lalo na ʼyung paraan ng pagtitig niya. Sa isip ko ay tinanong kung kailan pa ʼko nagkaroon ng pakielam sa tingin nga ibang tao, ngayon pa lang siguro.

Ang pagpapahinga na ʼyon ay nagambala nang may marinig akong malakas na tugtugan sa labas. Gustuhin ko man ituloy ang pag papahinga ay talagang mas malakas ang sounds sa labas. May nagkakantahan at may mga sumasabay sa pagkanta.

Mayor AliceWhere stories live. Discover now