A/n: Medyo ouchi ʼtong chap na ʼto huhu. Enjoy reading po! :(
Natapos ang linggo na ʼyon na puro trabaho lang ang ginagawa namin. Bumalik kami sa dating routine sa kumpanya habang sila Alice ay nasa munisipyo naman at nag tatrabaho.
Hindi naging madali ang linggo na ʼyon para sa akin dahil sunod sunod na araw ang dumaan na labas pasok ako sa bansa para sa mga investors namin. Kailangan ako mismo ang humarap sa kanila kaya mas lalo akong naging busy.
Gano'n pa man, hindi naman nawala ang communication namin ni Alice. Araw araw ay nakakausap ko pa rin naman siya at nakikita sa facebook live niya. Minsan naman ay kay Miguel ako nag tatanong kung kamusta na siya dahil si Miguel ang madalas niyang kasama.
Dumating din kami sa point na halos hindi namin makausap ang isa't isa dahil sa tuwing may free time siya ay ako naman ang busy sa trabaho. Pag ako naman ang may free time ay siya naman ang nag iikot at lumalabas sa munisipyo.
Wala naman problema dahil sinabi ko rin sa kaniya na unahin palagi ang trabaho at ilagay ako sa huli bago matapos ang araw niya pero si Alice nga pala ʼyon, kayang kaya niyang mag multi task. Isa sa mas lalong hinangaan ko sa kaniya.
Milktea it is
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...