A/n: Halluuuu, how are you, guys? Nag watch din ba kayo ng senate hearing? huhu, wala si Mayor kanina, I feel sad for her dahil alam natin na nakakaaffect na sa mental health niya ang nangyayari.😣
Here's my ud for chapt 20, give me feed back after plz, na author block me at walang motivation to write huhu:(( Enjoy reading po!
“Gray, tara na!”
Nag pahila ako kay Karl papunta sa sasakyan. Maski pag sakay ay hila hila niya ako. Tahimik namin iniwan ang munisipyo.
Nang makarating sa company ay agad kaming sinalubong ng secretary ko. Sinuot ko ang coat ko at dere-deretsyong nag lakad papasok sa board room. Agad naman tumayo ang mga board members nang makita ako.
“Finally you're here, Mr. Montenegro,” sabi ni Mr. Kim nang makita ako. “What happened to your face?”
“It's none of your business,” sabi ko at umupo sa upuan ko.
“Typical you, Montenegro,” natatawang sabi niya at umupo na rin sa upuan.
“Start the meeting”
Nag simula ang meeting pero ang isip ko ay nag lalayag kung saan. Iniisip ko kung saan hospital nila dinala si Alice, kung ayos ba siya, at kung masama pa rin ba ang pakiramdam niya.
Kahit anong focus ko ay alam kong siya pa rin ang iisipin ko kaya hinayaan kong mag layag ang isip ko kung saan habang nasa loob ng board room.
Mark Santos
Ngayon ko lang narinig ang pangalan na ʼyon. Sabagay, wala rin naman akong interest na kilalanin siya kahit noon pa. Sino ba naman ang mag kakainterest kilalanin ang lalaking namumuhay sa sarili niyang imahinasyon?
Napailing ako at sinandal ang sarili sa upuan, kinuha ko ang folder na nasa harap ko at binasa iyon. Gusto kong matawa dahil kahit anong letra ay wala akong maintindihan samantalang sa mga folder ni Alice ay walang kahirap hirap na trinabaho ko ʼyon.
“So, how's the deal Mr. Montenegro?”
Tumingin ako sa harapan nang marinig ang boses ni Mr. Kim. Lahat sila ay nag aabang sa sagot ko. Pinasadahan ko ang powerpoint na nasa harap at tumayo.
“My secretary will update you,” sabi ko at tumingin sa secretary ko. “Send me the minutes, I'll go now.”
“But Sir—”
“Meeting adjourned”
Nakapamulsa akong lumabas ng board room at dumeretsyo sa office ko. Kumuha ako ng bottled water sa ref ko at nakatayong tumingin sa glass wall.
Ang totoo ay wala akong maintindihan sa meeting dahil ang iniisip ko ay si Alice. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa para tingnan kung may update sa kaniya pero wala pa rin. Ako na mismo ang nag message kay Miguel para magtanong pero wala pa rin siyang sagot.
Nag aalala ako dahil bukod sa situation niya ay si Mark ang kasama niya. Wala akong tiwala sa lalaking ʼyon.
“Mr. Montenegro,”
Lumingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Mr. Kim. Lumapit siya sa akin at tumingin din sa glass wall. May katandaan na siya kaya sa paglalakad ay kailangan na rin ng tungkod.
“I have proposal for you,” sabi niya nang tumabi sa akin. Inalok ko siyang umupo sa sofa.
“What proposal, Mr. Kim?”
Tumingin siya sa akin at nilapag ang envelope. Tumingin ako doon at kinuha ang envelope.
“What's this?”
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...