39

190 12 34
                                    

A/n: Halluuu, I'm baaaack after 3 days na walang UD, sorry na agad hahshwhaha. Enjoy reading po! (sana mag enjoy😜)

Nagising ako nang maramdaman ang paglubog ng hinihigaan ko. Nangunot ang noo ko habang nakapikit. Parang kapipikit ko pa lang mula sa pagkakatulog ay bigla na lang akong ginising.

Umikot ako sa sofa habang yakap yakap ang sarili ko at halos magdikit ang siko at tuhod ko dahil hindi ako kasya sa sofa. Lalo pang nangunot ng noo ko nang may maramdaman na palad sa noo ko.

"What?" inaantok pang sabi ko.

"Mauuntog ka,"

Ang pagkakakunot ng noo ko ay dahan dahan nawala nang marinig ang pamilyar na boses niya. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at tumama iyon sa sandalan ng sofa.

"Good morning,"

Nilingon ko ang ulo ko at doon ko nakitang nakaupo si Alice sa sofa na hinihigaan ko. Umikot ako patagilid para humarap sa kaniya at inayos niya naman ang buhok ko.

"Good morning," mahina at inaantok ko pang sabi, muli pa akong pumikit kaya narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Still sleepy?"

"Mm," sagot ko habang inaayos niya ang buhok ko gamit ang daliri niya.

"Sige, iwan muna kita dito," sabi niya at akmang tatayo na pero agad tumingin sa akin nang hilain ko ang kamay niya.

May kalakasan ang pag hila ko kaya napaupo siya sa sofa at hindi niya inaasahan na ihihiga ko siya dahilan para hindi siya makagalaw dahil nakulong siya sa braso ko. Inunan niya ang isang braso ko at iniyakap naman ang isa sa kaniya.

"Sleep," sabi ko habang nakapikit. Nakatalikod siya sa akin at amoy na amoy ko ang mabango niyang buhok. Mukhang bagong paligo.

"Umaga na Gray," nanaway na sabi niya.

"10 minutes," sabi ko at hinigpitan ang pagyakap sa kaniya.

"Magigising na sila,"

"9 minutes,"

"Gray?"

"8 minutes,"

"Bumangon ka na,"

"Please love," nangungusap na sabi ko. Napabuntong hininga na lang siya at walang nagawa.

Hindi na siya sumagot kaya unti unti na rin akong kinain ng antok ko. Madaling araw na kanina nang mahiga ako sa sofa dahil ilang beses kong inayos sila Karl sa kwarto ko pero sadyang hindi kami kakasya doon kung pipilitin kong doon pa matulog dahil sa likot nilang dalawa ni Miguel.

Tuloy ay wala akong nagawa kung hindi matulog sa maliit na sofa dito sa sala at doon pagkasyahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung nakatulog din si Alice sa tabi ko, ang alam ko lang ay nakayakap ako sa kaniya bago ako makatulog.

"Shala, kaya pala wala si Gray sa kwarto"

"Tita, nag sleep pa po sila Mommy?"

"Yes, baby,"

"Hanep, ang sakit ng ulo ko!"

Nagising ang diwa ko nang marinig ang ingay sa paligid ko. Naramdaman kong gumalaw si Alice sa tabi ko kaya dahan dahan kong binuksan ang mata ko.

Wala na sila Miguel nang magmulat ko dahil mukhang nasa porch na sila. Nagbaba ako ng tingin kay Alice at nakitang nakaharap na siya sa dibdib ko at mukhang nakatulog din. Inayos ko ang buhok niyang naipit sa pagkakahiga.

Beautiful

Hindi ko alam kung paano kami nagkasya sa maliit na sofa pero bigla ay parang hindi ko naramdaman ang sikip no'n kahit na katabi ko si Alice. Mukhang mahimbing pa ang tulog niya kaya sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko.

Mayor AliceWhere stories live. Discover now