29

136 8 52
                                    

A/n: Another onee. Listen to Unaʼt Huling Pag-ibig by Yeng Constantino while reading. Enjoy reading po!

Alice POV

Nag iwas ako ng tingin sa pinakita ni Mark. Hindi dapat ako maapektuhan hanggat hindi ko naririnig ang side ni Gray.

"Ganito ka ba manira ng tao? Ganiyang level na ba ang inggit mo kay Gray para sirain siya sa akin? Kasi kung oo, nag sasayang ka lang ng oras, hindi ako maniniwala sa mga sinasabi mo"

Mag sasalita pa sana si Mark nang biglang bumukas ang pintuan. Napatingin ako sa matandang lalaki na dire-deretsyong pumasok sa loob ng office.

"Mayor Alice,"

Tumingin ako sa kaniya at kinikilala ang mukha niya pero wala akong natatandaan na ganoong mukha.

"I'm father of Isabel,"

Natigilan ako nang marinig iyon. Napako ang paningin ko sa matandang lalaki na pumasok sa office at hindi nakapag salita.

"I'm here dahil gusto kong ikaw mismo ang magkasal sa anak ko at kay Gray Montenegro,"

Mas lalo akong hindi nakapag salita dahil sa sinabi niya. Iniisip ko kung alam ba niya kung sino si Gray Montenegro sa buhay ko para bigyan niya ako ng ganiyang imbitasyon.

"Naniniwala ka na ba ngayon, Alice?"

Napatingin ako kay Mark nang magsalita siya sa gilid ko. Nakangisi siya habang nakapamulsang nakatingin sa akin.

"At alam mo ʼto?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Gagawin ko lahat mapunta ka lang sakin, Alice. Gagawin ko lahat para masira si Gray,"

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Para inulap ang isip ko dahil para kaming pinagkakaisahan ni Gray. Parang sinampal sa amin na hindi kami pwede sa isa't isa.

"No, hindi ako papayag," sinikap kong maging matapang nang sabihin ʼyon kahit na sa loob ko ay nag susumigaw kung bakit kailangan gawin samin ʼto

"Think twice Mayor, kung ʼyang pag mamahal ang iisipin mo hindi rin ʼyan magtatagal dahil sa oras na piliin mo si Gray ay mawawala rin sa kaniya ang shares ng kumpanya niya," nakangising sabi noong matanda kaya tuluyan akong natigilan. "Mag hihirap si Gray pag kinuha ko ang malaking bahagi ng kumpanya niya, lahat ng pinag hirapan niya magmula noong una ay unti unti rin mawawala at hindi rin kayo magiging masaya.."

Bakit hindi mo sinabi sakin ʼto, Gray?

"Mamili ka Alice, sasama ka sakin o panonoorin mong unti unting bumagsak si Gray?" tanong ni Mark na nakapag pawala sakin sa tamang pag iisip.

Kailangan kita, Gray

Naging mabigat sa akin ang pag didesisyon pero mas magiging mabigat sa akin kung panoorin ko lang na unti unting mawala ang pinaghirapan ni Gray nang dahil sa akin.

Sa pagkakataon na ʼto mas importante ang mga pinag hirapan mo

Hinding hindi ko kakayanin makita ang unti unti niyang pagbagsak nang dahil sa akin. Mas matagal na taon niyang binuo ang kumpanya kaysa sa araw na magkilala kami. Alam kong hindi ako magiging patas sa desisyon ko pero ayoko rin na may mangyari pa sa kaniya bago ako mag desisyon.

Sakin nakasasalay lahat ng pinaghirapan niya

Kaya ganoon na lang kasakit sa akin ang saktan siya noong gabing iyon. Ganoon na lang kasakit sa akin magpanggap na walang pakielam sa kaniya, ganoon na lang kasakit sa akin na sampal sampalin siya para mapaniwalang galit ako sa kaniya, ganoon na lang kasakit sa akin ang pagmamakaawa niya na manatili ako sa tabi niya, at ganoon na lang kasakit sa akin na makitang handa siyang saktan ang sarili niya para lang bumalik ako sa kaniya.

Mayor AliceWhere stories live. Discover now