35

249 13 48
                                    

"Diyan ka naman magaling, ʼdi ba? Leaving people behind when things get rough,"

Kumuyom ang kamay ko sa loob ng bulsa ko nang mapanood ko ang dahan dahang pag lingon niya. Hindi ko mabasa ang emosyon na nasa mata niya dahil magaling siyang magtago sa pagkakataong na ʼyon.

"This is not the right time Gray," mariin na sabi niya. "May tamang pagkakataon para pag usapan ʼyan at hindi ngayon ʼyon"

Matagal niya akong tinitigan bago talikuran. Ang likod niya ang isa sa hinahangaan ko noon pero isa na ʼyon sa pinakamasakit makita ngayon.

"Bakit ba ang hilig hilig mong talikuran ako tapos sa huli ay ako ang mag hahabol sayo?"

Nag iwas ako ng tingin at saktong tumama iyon sa dagat. Mapait akong napangiti at wala sa sariling natawa.

Hanggang kailan ba ako mag mamakaawa sa kaniya na huwag niya kong iwan? Hanggang kailan ba niya ako talikuran at iiwan mag isa? Hanggang kailan ko ba tatanungin ang sarili ko kung ano bang naging mali sa aming dalawa? Hanggang ko ba malalaman ang dahilan niya?

Sinipa ko ang bato sa paanan ko at tumingin sa kaniya nang walang makuhang sagot. Huminga ako ng malalim at nilampasan siya pero bago ʼyon ay lumingon ako sa kaniya.

"Sana pag dumating ʼyung tamang panahon na sinasabi mo, sana handa pa rin akong pakinggan ʼyung dahilan mo," sinikap kong ngumiti sa kaniya. "Dahil pag nagkataon, baka naka move on na ʼko at wala na sa akin ang paliwanag mo"

Saglit ko pa siyang tiningnan bago tuluyang talikuran. May pag sisisi sa akin kung bakit nasabi ʼyon pero may tanong din ako sa sarili na hindi ko masagot dahil siya lang ang makakasagot. Para akong nangangapa kung ano ba talaga ako sa kaniya.

Dumiretsyo ako sa likod ng rest house kung nasaan ang mini golf field. Kinuha ko ang gloves na nakapatong sa lamesa at kumuha ng bola sa lalagyanan. Pinaikot ko sa kamay ko ang club at tumingin ng deretsyo sa flag kung nasaan ang butas.

Pumwesto ako para asintahin ang bola. Sa unang tira ay muntik ko nang maihulog pero kulang ang lakas ng pag tira ko. Sinubukan ko ulit sa pangalawa, hanggang sa umabot ng tatlo, apat, lima, at sa hindi ko na mabilang. Nag kalat na ang bola sa field pero hindi ko pa rin maasinta kung nasaan ang flag.

Ako ba ang may problema o ang bola?

Inis akong pumunta kung nasaan ang flag. Wala naman akong nakitang problema doon, sadyang kung sobra, ay kulang naman ang lakas.

Tuloy ay hindi ko na nakuhang mag laro ulit dahil sa inis. Naupo ako sa golf field at doon nag pahinga. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at idinial ang number ni Karl.

"Oh, hello?" sagot niya agad. Narinig kong may kausap siya kaya napatingin ako sa wrist watch ko at mukhang nasa company pa siya.

"Busy ka ba?" tanong ko habang nilalaro ang hawak na golf club.

"Oo," diretsyong sagot niya. "Isang milyon kapalit ng atensyon ko"

"Hindi na, sayang lang ang isang milyon ko puro kalokohan lang naman ang sasabihin mo," sagot ko at ibaba na sana ang tawag nang pigilan niya ako.

"Teka, teka," pigil niya. "Ano ba ʼyon? Baka madaan sa magandang usapan"

Huminga ako ng malalim at pinag iisipan kung paano ba sasabihin sa kaniya. Siya lang ang alam kong malalapitan ko ngayon dahil kung si Isca ang lalapitan ko ay puro pag tataray lang ang gagawin at baka pagalitan pa ʼko. Kung si Miguel naman ay paniguradong hindi makakasagot agad sa tawag dahil busy din siya.

Si Alfonso na lang talaga ang choice ko

"Hello? May kausap pa ba ʼko?"

Napabuntong hininga ako bago mag salita. "Mali ba na itanong ko kay Alice kung bakit niya ʼko iniwan, bro?"

Mayor AliceWhere stories live. Discover now