A/n: Listen to Bawat Piyesa by Munimuni while reading. Enjoy! ^^
"Sir, may meeting po kayo today sa board, mayroon din po kayong meeting with Mr. Park mamayang 2PM, after po ay free na kayo.." Mabilis na sabi ng secretary ko habang naglalakad kami papasok sa office.
"How about tomorrow?" tanong ko nang makapasok sa office at naupo sa swivel chair ko.
"Sir, 11th death anniversary po ni Ma'am Ali-"
"Cut that off, wala akong death anniversary na pupuntahan"
Ano bang death anniversary ang sinasabi nila? Birthday ʼyon ni Alicia. Wala akong kinikilalang death anniversary sa buong buhay ko dahil wala namang patay.
"Birthday din po ni Ma'am Alicia"
"About that," binuksan ko ang laptop ko habang nakikipag usap sa kaniya. "I want you to order for me, a bouquet of roses and cake"
"Noted po, Sir, anything pa po?"
"That's all for now, you can go. Thank you," sagot ko at sinimulan ang trabaho na naghihintay sa akin.
Napatingin ako sa picture frame na nasa table ko para lang mapako ang paningin doon. Kinuha ko iyon at hinaplos ang picture na nandoon, napangiti ako.
"Advance Happy Birthday.." bati ko habang nakatingin sa picture ni Alicia. "Almost 11 years without you.."
Kakatwang parang sa paningin ko ay lumaki ang ngiti ni Alicia sa picture kahit na ang totoo ay ako lang talaga ang gumagawa noon.
Bago pa kainin ng lungkot ay tinabi ko na ang picture frame niya, paniguradong hindi ko na naman alam kung paano aahon sa oras na malunod ako sa lungkot. Hindi ko na naman alam kung paano ako babalik sa reyalidad kapag hinayaan ko na naman ang sarili ko na maglayag sa nakaraan namin.
11 years without her is not easy, until now umaasa pa rin akong nandito siya at gusto kong makita niya kung gaano ako naghirap para sa company na pinaghirapan niya.
Inabala ko ang sarili ko sa pag ta-trabaho noong araw na iyon. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo, pumipirma, at nakikipag usap sa mga appointments ko ang alam ko lang ay iyon ang way ko para kahit papaano ay hindi ko maalala ang araw na dadating.
"What's up, bro?" rinig kong bati ni Karl nang pumasok sa office ko, he's my best friend since college. Dire-diretsyo siyang naupo sa harap ko at isinalampak ang sarili doon. "Lunod na lunod sa trabaho, ah? Ikaw na ang may ari nito, ano pang pag papabida ʼyan?"
"Baliw," singhal ko sa kaniya at pinag patuloy ang pag pirma sa mga documents.
"Ano? Labas naman tayo! Ilang linggo na ʼko lunod sa papeles ko, nomi na!"
Napailing ako at hindi siya pinansin. Natural kay Karl ang pagiging maingay. Sa tuwing tapos na ang trabaho niya ay dito siya tumatambay sa opisina ko at nang gugulo. Kung ano anong pang aasar ang gagawin niya o hindi kaya kung ano anong mga bagay ang kukuhanin niya at pag lalaruan pero kahit na ganoon ay siya pa rin ang maaasahan ko sa lahat lalo na pag dating sa trabaho, isa siya sa mga katulong ko dito sa company.
"Ano ka ba naman, Gray?" biglang sabi niya sa katahimikan kaya napatingin ako sa kaniya. "Tumayo ka rin naman diyan sa office mo at mag unwind, pasayahin mo sarili mo, uminom ka, hindi ʼyung nandito ka lang at nilulunod sarili mo sa sarili mong kumpanya"
Itinabi ko ang mga folder na hawak ko at pinagkrus ang daliri at humarap sa kaniya. "I have no time for that thing, Karl. Maraming trabaho sa company, mag dadagdag pa ba ako?"
"Ano hahayaan mo na lang ba na ganiyan ka?"
"Ano bang ibig mong sabihin sa "ganiyan"? Masaya ako sa kung nasaan ako ngayon, bro," tumingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti. "At kahit hindi mo sabihin alam kong babae ʼyang ibang mag papasaya na sinasabi mo"
YOU ARE READING
Mayor Alice
RomanceMayor Alice Leal is a beacon of hope and kindness. Her days are spent attending to the needs of her constituents, ensuring that every corner of the town reflects the harmony and prosperity she tirelessly works for. As Alice oversees the town's summ...